backup og meta

Ano Ang Endometrial Cancer At Paano Ito Ginagamot?

Ano Ang Endometrial Cancer At Paano Ito Ginagamot?

Isa sa karaniwang kanser sa female reproductive system ang endometrial cancer at nakakalungkot isipin na pwede itong maging dahilan ng kamatayan ng isang tao. Ang uri ng kanser na ito ay maaaring makaapekto sa lining ng matres ng isang babae na kapag napabayaan ay pwedeng mauwi sa iba’t ibang komplikasyon. Kaya naman ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kanser na ito ay makakatulong para maiwasan ito at maging handa sa mga paggamot na maaaring isagawa ng doktor sa iyo.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng artikulong ito.

[embed-health-tool-ovulation]

Ano Ang Endometrial Cancer?

Nagsisimula ang endometrial cancer kapag ang mga cell sa endometrium (panloob na lining ng matris) ay hindi na makontrol ang paglaki, at ang cells sa anumang bahagi ng ating katawan ay pwedeng maging kanser at kumalat sa iba pang parte ng katawan ng tao.

Mga Uri Ng Endometrial Cancer

Ayon sa Johns Hopkins kadalasan na ang endometrial cancers ay naka-grupo sa  isa sa 4 na kategorya:

  • p53 mutation
  • POLE mutation
  • Copy number high
  • Copy number low

Ang mga clinical trial ay ginagamit para ma-assess ang mga paggamot sa kanser na matatagpuan sa mga kategoryang nabanggit, kabilang ang novel immunotherapy trials.

Anu-Ano Ang Ginagamit Para Sa Diagnosis Ng Endometrial Cancer?

Sa pag-diagnose ng uri ng kanser na ito kinakailangan na magkaroon muna ng rebyu ang doktor sa’yong medical history at makapagsagawa sa’yo ng general physical exam.

Narito ang mga sumusunod na exam na pwedeng gawin sa iyo:

Dagdag pa, pwedeng ma-detect agad ang early stage ng kanser na ito sa oras na magkaroon ng madalas na vaginal bleeding ang isang babae.

Mga Sintomas Ng Endometrial Cancer

  • Pagdurugo sa pagitan ng regla o irregular bleeding
  • Pelvic pain
  • Postmenopausal bleeding
  • Pananakit na pakiramdam habang nakikipag-sex
  • Hirap sa pag-ihi
  • Masakit na pag-ihi
  • Vaginal bleeding

Risk Factors

  • Nagkaroon ng hormone therapy para sa breast cancer
  • Hindi pa nabubuntis
  • Diabetes
  • Diyeta na mataas sa animal fat
  • Obesity
  • Pagkakaroon ng matandang edad
  • May history ng breast cancer
  • Nakamana ng colon cancer syndrome
  • Pagkakaroon ng family history ng endometrial, ovarian/colon cancers
  • Pagbabago sa balanse ng female hormones sa katawan ng tao
  • Dinudugo pa rin kahit nasa menopausal stage na
  • Nagkaregla na bago dumating sa edad na 12
  • Nagkaroon ng prior radiation therapy para sa pelvic cancer
  • May personal history ng polycystic ovary syndrome o atypical endometrial hyperplasia
  • May personal history ng breast at ovarian cancer
  • Pagiging baog

Nakakaapekto madalas ang endometrial cancer sa mga menopausal na babae. Ang average age ng mga kababaihan na nagkakaroon nito ay nasa 60 taong gulang. Gayunpaman, ang kanser na ito ay bihira lamang sa mga nasa edad 45 pababa na babae.

Paano Ginagamot Ang Endometrial Cancer?

Ang paraan na paggamot na gagawin para sa’yo ay nakadepende sa mga sumusunod:

  • Pangkabuuang kalusugan
  • Medical history
  • Lawak ng iyong karamdaman
  • Tolerance sa mga espisipikong medication, procedures at therapies

Nakabatay rin sa stage ng cancer kung anong treatment ang gagawin para sa’yo at sa karamihan ng kaso maaaring tanggalin ang uterus, ovaries,  at fallopian tubes ng isang babae.

Narito pa ang ilang mga paggamot na pwedeng gawin sa endometrial cancer:

  • Surgery
    • HysterectomyIto ang surgery na tinatanggal ang uterus.
    • Salpingo-oophorectomy Procedure kung saan tinatanggal ang ovaries at fallopian tubes ng isang babae.
    • Pelvic lymph node dissection Pagtanggal ng ilang lymph nodes mula sa pelvis. Para-aortic lymphadenectomy – Ito ang surgery ng pagtanggal ng lymph nodes na nakapalibot sa aorta — ang main artery ng puso.
    • Laparoscopic lymph node sampling – Pagtanggal ng lymph nodes sa pamamagitan ng isang makitid na viewing tube na tinatawag na “laparoscope” na ipinapasok sa pamamagitan ng maliit na hiwa sa tiyan.
    • Sentinel lymph node mapping – Sa surgery na ito gumagamit ng fluorescent imaging para makita ang mga potensyal na cancerous lymph nodes.
  • Radiation therapy – Ang brachytherapy at external beam ay ang karaniwang radiation therapy na ginagamit para gamutin ang endometrial cancer.
  • Hormone therapy – Ito ang medication o surgical procedures na nakakasagabal sa hormone activity.
  • Immunotherapy – Ito ang proseso ng pag-activate ng natural na kakayahan ng immune system na labanan ang kanser.
  • Chemotherapy – Ito ang paggamit ng anticancer drugs para gamutin ang cancerous cells.

Paano Maiiwasan Ang Kanser Na Ito?

  • Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga panganib ng hormone therapy pagkatapos ng menopause.
  • Panatilihin ang malusog na lifestyle at timbang.

[embed-health-tool-due-date]

Key Takeaways


Ang pagpapakonsulta sa doktor ay isang mahusay na hakbang upang malaman ang angkop na paggamot sa endometrial cancer. Iwasan rin na magsagawa ng self diagnosis sa mga sintomas na nakikita sa sarili kaugnay sa mga sintomas ng endometrial cancer dahil mas mabuti na makumpirma muna ito sa isang ospital o doktor. Kung saka-sakaling magkaroon ka ng alinmang sintomas ng endometrial cancer magpakonsulta na agad sa doktor para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon at magkaroon ng wastong diagnosis.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Endometrial cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/endometrial-cancer/symptoms-causes/syc-20352461, Accessed August 9, 2022

Endometrial cancer treatment, https://www.cancer.gov/types/uterine/patient/endometrial-treatment-pdq#:~:text=Endometrial%20cancer%20is%20a%20disease,the%20risk%20of%20endometrial%20cancer, Accessed August 9, 2022

What is Endometrial cancer, https://www.cancer.org/cancer/endometrial-cancer/about/what-is-endometrial-cancer.html, Accessed August 9, 2022

Endometrial cancer, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/endometrial-cancer, Accessed August 9, 2022

Endometrial Carcinoma, https://emedicine.medscape.com/article/254083-overview, Accessed August 9, 2022

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Kanser Sa Matris o Uterus: Alamin Dito Ang Mga Fact

Pagkain Para Sa May Endometriosis, Ano Nga Ba Ang Mainam?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement