backup og meta

Vajacial: Mga Dapat Mong Malaman Sa Pag-Facial Sa Maitim Na Singit

Vajacial: Mga Dapat Mong Malaman Sa Pag-Facial Sa Maitim Na Singit

Vajacial is coming! Dahil malapit na ang summer at ito na ang oras para i-flaunt ang beach bodies, at kung ang problema mo ang iyong maitim na singit, huwag kang mag-alala dahil pwedeng sagutin ng vajacial ang iyong suliranin. Ngunit paano nga ba gawin ang vajacial at ano nga ba ito?

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga impormasyon at sagot sa mga tanong tungkol sa vajacial na nais mong subukan!

Ano ang vajacial?

Sounds interesting ‘di ba ang salitang “vajacials” at marahil napapaisip ka ngayon, kung ito ba ay isang tritment na para sa’yong vulva?  At para sa tanong na ito, hindi ka nagkakamali! Tama ka! Sapagkat ang vajacial ay isang spa treatment na nakapokus sa bikini line at sa hugis V (pubic mound) kung saan tumutubo ang pubic hair sa paligid ng ari. 

Maaari na tawagin din “vaginal facial” ang vajacial, dahil isa itong facial para sa bikini area na may kasamang paglilinis (cleansing) gamit ang exfoliating scru para linisin ang dead skin cells at alisin ang tumutusok na buhok sa ibabaw (surface ingrown hairs).

Bakit ito isinasagawa?

Sa modern era, ang vajacials ay isa ng post-wax staple para sa mga babae at lalake sapagka’t nakakatulong ito para maiwasan ang ingrown hairs sa mahabang panahon. Ang unique treatment na ito para sa bikini area ay nag-aalis ng masasamang buhok (pesky hair), at mahalagang isagawa ito para sa mga sumusunod na kadahilanan:

  • Hyperpigmentation/Dark Spots
  • Inflammation o pamamaga
  • Scarring/Stretch Marks

Mahalaga rin ito sa pagpapanatili ng kalusugan ng vaginal area at maiiwasan ang acne sa singit.

Paano isinasagawa ito?

Ayon kay Sevilla isang medical esthetician, ang vajacial ay isa ring cleansing method na kung ano ang ginagawa sa mukha— ganoon din ang pwedeng gawin sa private part kung saan maaari ka ring mag-exfoliate at gumamit ng mask at mag-steam para dito.

Ang vaginal steam para sa vajacials ay ginagawa para sa detoxifying treatment na ginagawa sa pamamagitan ng hair removal processes tulad ng waxing, shaving, sugaring at lasering.

Normal lalo para sa mga kababaihan na ayusin ang itsura ng kanilang private part, ayon kay Dr. Millheiser. Dahil ang ingrown hairs, pamamaga at blackheads sa kanilang private area ay maaaring nakakabahala para sa babae at lalake.

Sinasabi na ang tagal ng mga procedure ay nakadepende sa pangangailangan ng clients, at kinakailangan na lahat ng gagamitin sa treatment ay inaprubahan ng Food And Drug Administration (FDA).

Ang mga client ay bibigyan ng instruction na hubarin ang waist down— pagkatapos ang esthetician ay ikle-cleanse at exfoliate ang area.

Mga dapat isaalang-alang kung magpapa-facial sa private part

Hindi naman kinakailangan na magpa-vajacial agad kung ikaw ay nagkakaproblema sa iyong maitim na singit o  bikini area, dahil may mga home remedy na maaaring magamit sa pagpapabuti nito.

Subalit, mag-iiwan pa rin ng tips ang Hello Doctor para sa bagay na dapat isaalang-alang kung magpapa-facial sa’yong private part.

Narito ang mga sumusunod:

  • Kung mayroon kang malalim na ingrown sa’yong vulva o mons dapat munang magpatingin ka sa isang gynecologist, bago kumonsulta sa isang esthetician.
  • Gumawa muna ng mga research bago magpa-book ng appointment para maunawaan ang mga risk.
  • Siguraduhin na ang mga kagamitan para sa treatment ay maayos at angkop para sa’yong pangangailangan.

Habang ang ibang mga spa ay gumagawa ng manual extractions, ang ibang spa naman ay gumagamit ng high-tech LED lights para gawin ang extractions. Kung saan ginagamit nila ang blue light para maiwasan at ma-minimize ang ingrowns at ang red light naman ay ginagamit para sa mapa-smooth ang skin tone at mapataas ang blood circulation.

Pros ng vajacial treatment

Sa pagsasagawa ng tritment na ito, maraming magandang epekto ang pwedeng idulot sa isang tao at narito ang mga sumusunod na pros ng vajacial treatment:

  • Pagkakaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo at skin cell turnover para sa pagpapanatili ng kabataan ng balat.
  • Dahil sa exfoliation naa-unclogs ang pores at napipigilan ang body breakouts.
  • Naiiwasan din ang pagkakaroon ng ingrown hairs at nababawasan ang iritasyon mula sa shaving.
  • Napapanatili nito ang moisture sa na kailangan sa singit.
  • Nakakawala ito ng stress dahil nababawasan ang alalahanin tungkol sa bikini area.

Ligtas ang vajacials sa kamay ng mga trained esthetician— kung saan komportable sila sa pagsasagawa ng treatment at may sapat na karanasan sa pag-aasikaso ng sensitive area, ayon kay Dr. Sherry.

Paalala: kung ang magsasagawa ng vajacials treatment ay inexperienced at hindi na-train, maaaring ma-infect at masaktan ang client.

Cons ng vajacial treatment

Kung may mga pros sa treatment na ito, mayroon din itong mga cons na dapat isaisip kung nais mong sumailalim sa pagpapa-facial ng vulva.

Narito ang mga sumusunod:

1.Posibilidad ng iritasyon (pangangati o pananakit) at impeksyon pagkatapos ng vajacial. Dahil sa topical products na ginagamit sa treatment, maaaring masira o upset nito ang natural pH balance ng vagina.

2. Pagkakaroon ng post-vaginal odors. Ang vagina ay sensitibo sa mga pagbabago sa daily environment na nakakaapekto sa pH balance, kaya naman nagkakaroon ng posibilidad na maapektuhan ang amoy, consistency ng discharge at odor. 

Maging maingat din sa treatment na ito dahil ang balat ng ating singit at vulva ay hindi kapareho ng balat ng ating mukha. Maaaring ang mga bagay na nilalagay sa ating mukha ay hindi maging angkop sa’ting bikini area, singit at vulva.

Ligtas ba ito para sa mga buntis na babae?

Ang pagsasagawa ng treatment na ito para sa mga buntis ay ligtas. Subalit para sa mga buntis at kababaihan— maging sa kalalakihan na may sensitive skin, o anumang kondisyong medikal na nauugnay sa ari at iba pa, mainam na magpakonsulta muna sa doktor para sa mga medikal na payo at diagnosis.

Ano ba ang dapat na itsura ng private part ng babae at lalake?

Dahil nga nasa digital na panahon na ang mundo, hindi nakapagtataka kung madali lang para sa lahat na maka-access sa mga larawan na nagpapakita ng “idealized versions” ng private part babae at lalake. Kaugnay nito may pagkakataon na magnanais ang tao na maging tulad ng kanilang nakikita na vagina ang itsura ng kanilang private part.

Ayon sa mga doktor at eksperto walang perpektong itsura para sa private area ng babae at lalaki, at hindi dapat ganoong mabahala kung sa palagay mo ay hindi na kaaya-aya ang itsura nito.  Dahil ayon kay Dr. Valencia ang pagkakaroon ng “deep, dark secret” ay normal lamang. 

Key Takeaways

Ang vajacial ay isang makabagong paraan para mas mapabuti ang ating vulva at singit. Bagama’t maaaring gawin ito kailangan pa rin ng pag-iingat dahil sa mga iritasyon na pwedeng maranasan. Mas maganda kung magpapakonsulta muna sa’yong doktor, bago ipagawa ang treatment na ito.
Lagi ring tatandaan na walang standard sa kung ano ba ang perpektong itsura ng ating mga private parts. Hindi rin dapat mabahala kung hindi kaaya-aya para sa’yo ang itsura nito. Subalit kung makakaranas ng mga health condition kaugnay sa’yong private part, magpakonsulta agad para sa medikal na payo at atensyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is a vajacial treatment? https://jolitabrilliant.com/what-is-a-vajacial-treatment/ Accessed April 7, 2022

8 Things to Know About Getting a Vajacial https://www.cosmopolitan.com/sex-love/a12159498/vajacial-vulva-facial-facts/ Accessed April 7, 2022 

The Vajacial Is Just What It Sounds Like https://www.popsugar.com/beauty/Vajacial-Facial-Your-VaginaVulva-7340676 Accessed April 7, 2022

5 Benefits of body exfoliation and Vajacials! https://www.mkpbody.com/2020/07/21/5-benefits-of-body-exfoliation-and-now-offering-vajacials/ Accessed April 7, 2022

Have you heard of vajacial? https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/beauty/have-you-heard-of-vajacial/articleshow/46357768.cms Accessed April 7, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement