backup og meta

Tandaan: Mga Tips Bago ka Magpa-tattoo

Tandaan: Mga Tips Bago ka Magpa-tattoo

Ang tattoo ay hindi lamang sining sa katawan, ito rin ay porma ng pagpapahayag. Kaya kung ikaw ay interesado sa pagkakaroon nito, hindi na nakagugulat. Ngunit bago magtungo sa shop, kailangan ng ilang mga paghahanda. Ano ang tips bago magpa-tattoo? Alamin dito.

1. Ang pagkakaroon ng tattoo ay kabilang ang pagpinsala sa balat

Mapapansin ang patunay, ngunit maraming mga tao ang hindi napagtatanto ang potensyal na dulot ng pinsala sa balat.

Tandaan na ang iyong balat ay isa sa pinakamahalagang depensa ng sistema ng katawan. Ang pagpinsala rito ay may kahulugan na ikaw ay mas magiging vulnerable sa blood-borne na sakit (tulad ng hepatitis B at AIDS) at impeksyon sa balat. Karagdagan, ang tattoo ay maaaring humantong sa:

  • Granuloma bilang resulta ng negatibong reaksyon ng balat sa ink
  • Allergic reactions
  • Peklat at keloids
  • Pamamaga at pagsunog ng bahagi ng tattoo habang isinasagawa ito, tulad ng magnetic resonance imaging (MRI)

2. Oo, kabilang ang sakit sa proseso

Karamihan ng mga unang sasabak ay nagtatanong: Masakit ba ang magpa-tattoo? Sinasabi ng mga eksperto na, oo, masakit ito. Gaano kasakit ito ay depende sa iyong pain tolerance.

Ang magandang balita ay ikaw ang pipili ng tattoo sa mas makapal na bahagi, tulad ng hita at biceps, upang mabawasan ang sakit.

Maliban sa sakit, tandaan na maaari kang makaramdam ng ibang sensasyon, tulad ng pangangati at hapdi.

3. Maliban sa laser removal, kinokonsidera na permanente ang tattoos

Kung nag-iisip ka na magpa-tattoo, siguro ay narinig mo na rin ang tungkol sa tattoo removal. Ang ideya na nagsasabing maaari mong tanggalin ang permanenteng marka sa balat ay maaaring mas magpa-motivate sa iyo. Ngunit sinasabi pa rin ng mga eksperto sa mga tao na pag-isipan mabuti bago magpasyang magpa-tattoo.

Una, ang laser tattoo removal ay dagdag na bayarin, at posibleng masakit. Pangalawa, ang ilang inks ay mas kakaiba kaysa sa karaniwan.

Punto ng kaso: ang black na ink sa fair skin ay maaaring mas madaling tanggalin kaysa sa ibang mga ink sa isang sun-kissed na complexions. Kaya’t maaaring kailangan mo ng maraming sessions bago makita ang resulta.

At kahit na sa maraming sessions, ang ilang ink ay maaaring hindi na matanggal.

4. Kailangan mong maging metikuloso sa pagpili ng shop at artist

Sa pagkokonsidera ng mga potensyal na komplikasyon sa pagkuha ng tattoo, kailangan mong pumipili MAIGI ng shop at artist. Narito ang non-negotiable criteria na dapat tignan:

  • Ang shop at staff ay kailangan na labis na malinis.
  • Kailangan na mayroong autoclave machine. Gayundin, siguraduhin na ginagamit nila ito upang i-sterilize ang items.
  • Ang mga karayom ay kailangang bago, sealed package na binuksan sa harapan ninyo.
  • Dapat ay bago ang gloves.
  • Kailangan na galing ang cups sa single-use cups o bottles. Kailangan na hindi kunin ng staff o artist ito mula sa mas malaking lagayan. Gayundin, hindi dapat nila ito binabalik sa gamit na ink.
  • Kailangang may magkaibang bahagi para sa pagta-tattoo at pag-piercing.

5. Nais kumuha ng tattoo? Oo, mayroon itong downtime

Nag-iisip na magpa-tattoo? Maging handa na gawin ang aftercare sa loob ng ilang mga linggo.

Bago umalis sa shop, siguraduhin na tanungin ang instructions sa kung paano alagaan ang bagong tattoo. Karaniwang pag-aalaga ay:

  • Pagtanggal ng bandages
  • Paglinis ng balat
  • Paglalagay ng kinakailangang ointments
  • Protektahan ito mula sa sinag ng araw at ibang mga elemento (hindi maaaring mag-swimming hanggang sa ganap na gumaling ang balat)
  • Tignan ang warning signs na may mali sa tattoo

6. Kailangan mo ng paghahanda sa aspektong pisikal at mental sa pagkuha ng tattoo

Sa araw ng pagsasagawa, pakiusap na maging handa sa pisikal at mental na aspekto. Matulog nang mahaba sa gabi, kumain ng balanse na masustansyang pagkain, at magdala ng ilang snacks. Ito ay partikular sa mga malalaking disenyo ng tattoo.

7. Maaaring kailangan ng touch-ups

Sa huli, tandaan na kakailanganin ng touch-ups lalo na kung ang balat ay regular na exposed sa sinag ng araw o tubig. Ang mga bahagi na fast skin turnover (tulad ng kamay) ay kinakailangan ng touch-ups.

Maraming artists ang magbibigay ng touch-ups nang libre o sa discounted na presyo. Huwag mag-alinlangan na kausapin sila tungkol dito.

Key Takeaways

Ang pagkuha ng tattoo ay maaaring hindi komplikadong gawain para sa iba. Ngunit kung ikaw ay may kondisyon, tulad ng diabetes, hemophilia, sakit sa balat, at hepatitis, o nasa ilalim ng tiyak na gamot, pakiusap na kausapin muna ang iyong doktor bago magpa-tattoo.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Laser Removal of Tattoos, https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/8313-laser-removal-of-tattoos, Accessed April 4, 2022

Body Art: What You Need to Know before Getting a Tattoo or Piercing, https://uhs.umich.edu/bodyart, Accessed April 4, 2022

What to Know Before Getting a Tattoo, https://dph.illinois.gov/content/dam/soi/en/web/idph/files/forms/what-know-getting-tattoo-041218.pdf, Accessed April 4, 2022

Contraindications for tattooing, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25833628/#:~:text=Even%20though%20an%20exhaustive%20list,disorders%2C%20and%20pregnancy%2Fbreastfeeding., Accessed April 4, 2022

Tattoos: Understand risks and precautions, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/tattoos-and-piercings/art-20045067, Accessed April 4, 2022

Kasalukuyang Version

10/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement