backup og meta

4 Skin Care Tips Na Pwede Mong Subukan Habang Nagbubuntis!

4 Skin Care Tips Na Pwede Mong Subukan Habang Nagbubuntis!

Kakambal ng pagbubuntis ang mga pagbabago sa ating katawan at balat. Ang mga pagbabago ito sa balat ay madalas nauugnay sa hormones. At pagbabago rin sa iyong cardiovascular system at immune function sa panahon ng pagbubuntis. Kaya naman hindi ka na dapat magulat kung magkaroon ka ng ilang mga isyu sa balat gaya ng mga sumusunod:

  • tuyong balat
  • pangingitim ng balat na tinatawag na chloasma o melasma
  • acne

Kaugnay ng pagkakaroon ng iba’t ibang isyu sa balat sa panahon ng pagbubuntis, hindi maiiwasan na mag-isip ang mga mommy ng skin care sa buntis na maaaring gamitin.  Lalo na kung lumala ang mga pre-existing skin conditions nila tulad ng rosacea, eczema, at psoriasis.

Bagamat natural lamang ang concern ng mga mommy sa kanilang balat sa panahon ng pagbubuntis, dapat pa rin silang maging maingat sa paggamit ng skin care at pagsasagawa ng skincare routine. Dahil maaari itong makapinsala lalo sa kanilang balat at kalusugan kung hindi angkop ang mga produkto at paraan na gagamitin sa pangangalaga ng balat habang nagbubuntis.

Para magabayan ka sa pangangalaga mo ng iyong balat sa panahon ng pagbubuntis, narito ang 4 tips skin care sa buntis na dapat mong malaman.

sintomas ng maselang pagbubuntis

4 Tips Para Sa Skin Care Ng Buntis

  1. Pag-iwas sa matinding sikat at init ng araw 

Gumamit ng angkop na sun block sa iyong mukha araw-araw para maiwasan ang pag-itim ng iyong pigment at balat. Makatutulong din kung hindi ka masyadong magbibilad sa masakit na sikat ng araw. Ito ay dahil posibleng makairita at makapinsala ang ultraviolet lights o UV sa iyong balat. Malaki rin ang nagiging factor ng iritasyon sa balat upang mas lalong hindi maging komportable ang pagbubuntis ng isang babae.

  1. Paggamit ng mild soap

Bagama’t inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng mild na sabon sa panahon ng pagbubuntis, mas mabuti ang paggamit ng moisturizing na sabon. Iwasan ang paggamit ng mga bubble bath at pagkuskus ng iyong balat araw-araw. Ito ay para maiwasan din ang pagdami ng stretch mark sa panahon ng pagbubuntis. Ang pag-iwas rin sa pagkakamot ng balat kapag naliligo ay malaking factor din upang hindi magasgas o mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng stretch mark.

  1. Pagsusuot komportableng undies at damit

Ang tiyan ng mga buntis ay nangangailangan ng isang enriching physiological moisturizer. Pati na rin ng special maternity panties para hindi maipit ang balat ng kanilang lumalaking tiyan. Sa paggawa ng simpleng skin care na ito ay maiiwasan ang friction ng balat at damit na sanhi ng pagsusugat ng skin at stretch mark.

  1. Paggamit ng maligamgam na tubig at mild cleanser

Hindi dapat kalimutan ng mga buntis na maghilamos ng mukha para ma-refresh ang kanilang pakiramdam bago matulog sa gabi. Maaari silang gumamit ng maligamgam na tubig at mild cleanser para matanggal ang mga dumi na kumapit sa kanilang mukha sa maghapon. Malaking bagay rin ito para hindi ma-haggard masyado habang nagbubuntis.

Mahalagang Paalala Tungkol Sa Skin Care Ng Buntis

Dapat maging maingat ang mga buntis sa paggamit o pagsasagawa ng skin care routine at products. Ito ay dahil maaaring mas maging sensitibo ang kanilang balat sa panahon ng pagbubuntis. Kaya naman ipinapayo na magpakonsulta rin sa isang doktor upang mabigyan ka ng rekomendasyon sa mga produkto sa balat na dapat mong gamitin. Kung gagawin ito, maiiwasan ang anumang medikal na problema sa iyong skin habang nasa panahon ka ng pagbubuntis. Mahalaga na masigurado ng iyong OB-GYN at dermatologist na ligtas ang skin care products na iyong gagamitin. Lalo na kung umiinom ka ng prescription medications o nag-aalala ka tungkol sa pre-existing skin condition mo.

Tandaan mo rin na kailangan mong iwasan ang mga produkto na maaaring makasama sa iyo o sa iyong baby. Dahil ayon sa mga pag-aaral at ebidensya, ang prescription retinoid-containing products ay maaaring maging factor ng severe congenital irregularities sa baby.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin Care Tips During Pregnancy And After Birth, https://www.healthhub.sg/live-healthy/998/pregnancy-skin-care-tips-during-pregnancy-and-after-birth Accessed February 8, 2023

Safety of skin care products during pregnancy,

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3114665/ Accessed February 8, 2023

The role of antioxidants in photoprotection: A critical review, https://www.jaad.org/article/S0190-9622(12)00131-4/fulltext Accessed February 8, 2023

Cosmetics & Pregnancy, https://www.fda.gov/cosmetics/resources-consumers-cosmetics/cosmetics-pregnancy Accessed February 8, 2023

Formaldehyde — Reproductive Health, https://www.cdc.gov/niosh/topics/repro/formaldehyde.html Accessed February 8, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement