Naghahanap ka ba ng singit whitening tips para sa iyong problema sa maitim na singit? Don’t worry! Narito sa artikulong ito ang home remedies na maaaring gamitin para sa’yong singit.
Huwag lamang kakalimutan na sa paggamit ng mga ito dapat ay maging consistent para sa magandang resulta. Magpakonsulta rin sa doktor kung kinakailangan para sa mga payong medikal. And there’s more! Don’t forget. Ang anumang sobrang paggamit ay nakakasama kaya maging maingat.
Sa paggawa ng singit whitening tips, hangad namin na maibalik o madagdagan ang iyong confidence!
Basahin ang artikulong ito.
Singit Whitening Tips, Anu-Ano Ito?
May mga tao na hindi komportable sa pagiging maitim ng kanilang singit. Partikular na rito ang mga kababaihan dahil nababawasan ang kanilang confidence sa pagsusuot ng bikini at swimsuit outfits. Pero ayon kay Dr. Valencia, isang dermatologist, normal lamang ang magkaroon ng “deep dark secret”.
Subalit, hindi pa rin maiiwasan ng mga kababaihan at kalalakihan na maghangad ng magandang balat ng singit. Narito ang singit whitening tips na maaari mong subukan at gawin sa bahay:
Yogurt At Colloidal Oatmeal
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga microorganism sa yogurt ay pwedeng mag-promote ng kalusugan ng balat. Samantala, ipinapakita naman ng ilang researches na ang colloidal oatmeal ay pwedeng makatulong. Para mabawasan ang pangingitim ng singit. Kung ang pagiging maitim ng singit ay nabuo dahil sa eczema. Ang eczema ay isang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pamumula at pangangati ng balat.
Sa paggamit ng yogurt at oatmeal bilang singit whitening. Pagsamahin lamang sa pantay na bahagi ang dalawang ito. Pagkatapos, ilagay ito sa apektadong lugar o sa maitim na singit. Ibabad ito sa loob ng 15 minuto at hugasan at patuyuin ang bahagi ng balat.
Singit Whitening Tip #2: Pipino
Ang pipino ay hindi lamang isang masustansyang pagkain. Maaari din ito gamitin sa singit whitening. Dahil ang pipino ay may vitamin A kung saan malaki ang naitutulong nito. Para sa pagkontrol ng sobrang produksyon ng melanin.
Upang magamit ang pipino bilang singit whitening, pigain ang pipino para makuha ang katas. Saka ipahid sa maitim na singit at ibabad sa loob ng 10-15 minuto at pagkatapos ay banlawan. Gawin ito 2 beses sa loob ng isang araw.
Aloe Vera
Tinaguriang “king of medicinal plants” ang aloe vera at mayroon itong skin lightening agents. Kung saan ito ay tumutulong sa pagpapabuti ng pigmented skin. Para magamit ito bilang home remedy sa pagpapaputi ng singit. Kumuha lamang ng buong dahon ng aloe vera. Pagkatapos ay hiwain ito at katasin ang gel nito. Kapag nakuha na ipahid ito sa maitim na singit. Imasahe ito hanggang ma-absorb ng balat ang gel at kapag okay na banlawan ito ng warm water.
Baking Soda Paste
Isa ring moderate exfoliator ang baking soda dahil ang alkaline nature nito ang tumutulong para mapataas ang pH ng balat at maalis ang scaly skin. Kung saan maaari rin nito maalis ang pangingitim ng singit na sanhi ng dry skin.
Para magamit ang baking soda, maglagay sa paliguan o bathtub ng kalahating tubig. Saka ibuhos ang baking soda at hayaang matunaw. Pagkatapos ay mag-soak sa loob ng 10-15 minuto sa baking soda bath at i-pat ang iyong dry skin at i-moisturize ito.
Coconut Oil-Lemon Juice
Mayaman ang lemon sa vitamin C na nakakatulong na makapagpawala ng hyperpigmentation. Habang ang coconut oil ay may antifungal at antimicrobial na tumutulong sa pagpatay ng bakterya at fungi sa balat. Dagdag pa rito, may 80-90% saturated fat ang coconut oil na nakapagmo-moisturizes ng balat. Naglalaman din ito ng iba’t ibang fatty acid. Kung saan, nakakatulong ito sa paglikha ng healthy membranes. Habang ine-establish ang protective barrier ay posible nitong i-reduce ang pangingitim ng singit.
Sa paggamit nito, paghaluin ang 2-3 tablespoons coconut oil at 1 teaspoon ng lemon sa maitim na bahagi ng singit at ibabad ito sa loob ng 10-15 minuto. Huwag kakalimutang magbanlaw pagkatapos.
Singit Whitening: Sugar Scrubs
Ang sugar scrub ay ginagamit para mag-exfoliate ng balat. Malaki ang naitutulong nito para maalis ang dead skin cells na sanhi ng pangingitim ng singit. Para magamit ito, sa isang spoonful of granulated sugar, magdagdag ng isang tablespoon ng coconut oil. Paghaluin ito at ilagay sa nangingitim na balat. Gawin ito sa loob ng 1-2 minuto bago banlawan.
Key Takeaways
Ang mga singit whitening tips na nabanggit na pwedeng gawin sa bahay ay malaki ang maitutulong. Para gawing malusog ang balat at mas magkaroon pa ng confidence. Walang masama sa paghahangad na mapabuti ang kanilang balat.
Lumalabas sa maraming pag-aaral na ang home remedies na tinalakay sa artikulong ito ay epektibo. Subalit hindi ito palagiang nangyayari dahil iba-iba ang kondisyon ng balat ng mga tao.
Sa oras na makaramdam ng anumang iritasyon sa paggamit ng mga home remedy. Kumonsulta agad sa doktor para sa agarang medikal na atensyon. Mainam din na bago gumamit ng anumang home remedies ay magpakonsulta na rin sa’yong dermatologist para sa iyong kaligtasan.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.