Ano ang Sanhi ng An-An?
Tinea versicolor, o “an-an”, ay isang fungal skin infection na nakakaapekto sa pigmentation o kulay ng iyong balat. Tinatawag rin itong pityriasis versicolor. Ang tinea versicolor ay nakikita bilang mga maliliit na discolored patches ng balat. Depende sa kulay ng balat, posible itong maging maitim o kaya maputla. Mas nakikita rin ang an-an sa bandang balikat o kaya ay sa baywang. Pero ano nga ba ang sanhi ng an-an?
Ang kadalasang nagkakaroon ng tinea versicolor o an-an ay ang mga kabataan o kaya mga young adults. Bagama’t hindi naman ito malalang karamdaman, ang mga tao na mayroong an-an ay naiilang sa kanilang kondisyon.
Ito ay nagagamot sa pamamagitan ng antifungal creams, shampoo at lotion. Ngunit kahit na nilagyan na ito ng gamot, posibleng abutin ng ilang linggo o kaya ilang buwan bago bumalik sa dati ang kulay ng balat.
Sintomas ng An-An
Heto ang mga sintomas ng an-an:
- Pagkakaroon ng patsi patsing balat sa dibdib, likod, balikat, leeg, at bandang itaas ng braso.
- Ang kadalasang kulay nito ay brownish na madilaw-dilaw, at paminsan ay pink o red.
- Madalas mas maitim o kaya mas maputla ang balat ng mga bahagi na mayroong an-an.
- Posibleng magbago pa ang kulay kung mabilad sa araw ang balat, ngunit mas kapansin-pansin ito kung magkaroon ng tan ang isang tao.
- Puwede ring magkaroon ng mga parang kaliskis ang balat na mayroong an-an.
- Ang ibang mayroon nito ay nakakaranas rin ng pangangati, ngunit bihira ito.
Sanhi ng An-An
Ang an-an ay dahil sa tinea versicolor na isang uri ng fungus. Sa kasalukuyan, wala pang paliwanag kung bakit o paano tumutubo ang fungus na ito sa balat. Gayunpaman, nagiging problema lang ito kung magkaroon ng overgrowth o sumobra ang pagtubo ng fungus sa balat.
Heto ang ilang mga bagay na posibleng maging sanhi ng an-an:
- Mainit o kaya humid na panahon
- Pagkakaroon ng oily na balat
- Pagpapawis
- Pagkakaroon ng hormonal changes
- Pagkakaroon ng mahiang immune system
Ang pagkakaroon ng an-an ay walang kinalaman sa hygiene ng isang tao. Bukod dito, hindi rin nakakahawa ang sakit na ito,.
Kailan Dapat Magpatingin?
Ang pinakamainam na gawin sa an-an ay magpatingin sa doktor. Posibleng mag-reseta ang doktor ng mga gamot tulad ng Selenium Sulfide, Itraconazole, Flucanozole, Ketoconazole, at iba pa.
Kung natapos na ang gamutan at hindi pa rin nawawala ang iyong an-an, huwag mag-atubiling magpakonsulta ulit sa iyong doktor. Kung hindi pa rin nawala ang discoloration ng balat matapos ang ilang buwan na gamutan, o kaya naman ay lalo pang kumalat ang tinea versicolor sa iyong katawan ay dapat ring ipakonsulta sa doktor.
Key Takeaways
Fungal overgrowth ang pangunahing sanhi ng an-an. Ang pagdami nito ay naaapektuhan ng iyong paligid, ng iyong hormones, pati na rin ng iyong immune system. Bagama’t hindi naman ito malalang sakit, mas mainam na gamutin ang an-an upang makabawas sa sintomas nito.
Learn about Other Skin Diseases here.
[embed-health-tool-bmi]