backup og meta

Sakit Ba Ang Pagkakaroon Ng Body Odor? Alamin Dito!

Sakit Ba Ang Pagkakaroon Ng Body Odor? Alamin Dito!

Ang pagkakaroon ng putok o body odor ang isa sa pinaka-hate ng mga Pilipino. Dahil kadalasan ang taong may body odor ay pinandidirihan ng iba pang mga indibidwal na humahantong sa pagbaba ng self-confidence ng mga taong may “putok”. Ngunit paano nga ba nagkakaroon ng putok ang isang tao? Sakit ba ang pagkakaroon ng body odor? Kung “oo” paano ito maaaring gamutin, o paano pwedeng maalis ang body odor ng isang indibidwal? 

Alamin sa artikulong ito ang kasagutan.

Paano Nagkakaroon Ng Putok Ang Isang Tao?

Ang pagiging active ng iyong katawan sa paglabas ng hormones, at paghalo ng pawis sa bakterya nasa ating balat, ang dahilan ng pangangamoy — at ang pangangamoy, at pagiging active ng adrenal glands ang pangunahing dahilan ng body odor madalas. 

“Technically, the sweat itself doesn’t cause the odor pero once na mag-react, umabot ‘yong [sweat sa] skin, mag-react with the bacteria… doon na magsa-start mag-produce ng body odor,” pahayag ni Dr. Martha Joy Bruan-Tapales sa programang “Good Vibes” ng DZMM.

Sa madaling sabi ang body odor ay sanhi ng pinaghalong bacteria at pawis sa ating balat, at maaaring magbago ang amoy ng iyong katawan dahil sa mga sumusunod:

  • hormones
  • sa mga pagkain na kinakain gaya ng spicy food
  • impeksyon
  • mga gamot 
  • pinagbabatayan na mga kondisyon tulad ng diabetes

“Once na mabago ‘yong chemical composition ng sweat natin, puwedeng ito ‘yong mag-cause ng body odor,” pagdaragdag ni Dr. Tapales.

Bagamat ang pagkakaroon ng body odor ay normal lamang lalo na kung ikaw ay pinagpawisan sa isang aktibidad, maaari rin itong maging palatandaan na pumapasok na sa puberty stage ang isang tao, dahil sa pag-mature ng katawan at pagbabago ng kanilang hormones. 

[embed-health-tool-bmi]

Dapat Bang Ikabahala Ang Pagkakaroon Ng Body Odor?

Bagamat nakakabahala ang pagkakaroon ng putok para sa maraming tao, hindi naman ito dapat ikabahala lalo’t maraming paraan upang maalis ito. Narito ang ilang mga tip na pwede mong gawin:

  • Paggamit ng antibacterial soap sa paglilinis ng katawan para mabawasan ang mga bakterya sa katwan
  • Pagsusuot ng komportableng damit para maiwasan ang pagpapawis
  • Paggamit ng angkop na antiperspirant at deodorant
  • Pagrebyu sa diet at mga kinakain dahil ang mga pagkain na may matatapang na amoy ang maaaring mag-produce ng matapang na amoy
  • Pagtanggal ng mga buhok sa kilikili, ngunit magtanong muna sa isang dermatologist kung hindi ka sigurado sa paraan ng pagtanggal nito

Bakit Bumabaho Ang Iyong Amoy?

Ayon sa mga pag-aaral may ilang dahilan bakit bumabaho ang iyong pawis, gaya ng mga sumusunod:

  • mga gamot
  • supplements
  • pagkain 
  • poor hygiene o hindi maayos na pag-aalaga sa katawan

Bukod pa rito, may mga ilang medikal na kondisyon at sakit na nauugnay sa mga pagbabago ng karaniwang amoy ng katawan ng isang tao. Narito ang mga sumusunod:

  • sakit sa bato
  • gout
  • diabetes
  • sakit sa atay
  • menopause
  • overactive thyroid
  • infectious disease

Sakit Ba Ang Pagkakaroon Ng Body Odor?

Tandaan mo na kapag ang body odor ay nagkaroon ng iba pang sintomas tulad ng mga sumusunod:

  • biglaang paglaki (growth spurt)
  • pagtubo ng iyong pubic hair
  • pananakit ng ulo

Kailangan mong maging alisto sa pagtingin ng mga sintomas na ito kasabay ng pagkakaroon mo ng body odor at nang ibang tao, dahil pwedeng senyales ito ng “precocious puberty”. Ito ang maagang pagbibinata o pagdadalaga ng isang tao. Kung ikaw ay isang magulang at mapansin mo ang mga sintomas na ito kasama ng pagkakaroon niya ng body odor — ipatingin mo ang iyong anak sa doktor para sa angkop na medikal na atensyon.

Key Takeaways

Ang bakterya sa’yong balat ay nagdudulot ng amoy sa katawan. Tandaan mo na normal lamang na magkaroon ka ng amoy sa katawan at maraming paraan para mawala ang doktor. Maaari kang humingi ng tulong sa mga doktor upang maresolbo ang iyong body odor. 
Kung ikaw ay may ilang kondisyong medikal, may sobrang timbang o mahilig kang kumain ng mga ilang partikular na pagkain tulad ng spicy food. Maaaring maging mas madali kang magkaroon ng body odor. 
Makakatulong ang paggamit ng antiperspirant, paglilinis ng katawan gamit ang antibacterial soap para mawala ang mabahong amoy.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bromhidrosis, https://dermnetnz.org/topics/bromhidrosis, Accessed January 26, 2023

Sweating and body odor, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sweating-and-body-odor/diagnosis-treatment/drc-20353898, Accessed January 26, 2023

Body odour (BO), https://www.nhs.uk/conditions/body-odour-bo/, Accessed January 26, 2023

Sweating and Body Odor, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17865-sweating-and-body-odor, Accessed January 26, 2023

Body odour (bromhidrosis), https://www.nidirect.gov.uk/conditions/body-odour-bromhidrosis, Accessed January 26, 2023

Body Odor, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17865-body-odor Accessed January 26, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement