Marami ang nagtatanong kung safe ba gumamit ng langis para sa sugat. Sapagkat, hindi maitatanggi ang iba’t ibang mga benepisyong hatid ng essential oils. Kaya naman napapaisip ang marami sa atin kung pwede rin itong magamit sa pagpapagaling ng sugat. Ngunit bago natin tukuyin ang mga langis na maaaring gamitin sa sugat, alamin muna natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa sugat — o wounds.
Magbasa pa tungkol dito.
Mga Dapat Malaman Sa Sugat
Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan ng tao at tumutulong sa pagprotekta mula sa iba’t ibang germs, fungi, bakterya at viruses. Kaugnay nito, pwedeng malagay sa panganib ang isang tao sa pagkakaroon ng mga ito dahil sa anumang mga sugat o pinsala sa balat. Maaaring magbunga ng impeksyon ang mga sugat sa balat. Kaya dapat mabigyan ito ng angkop na treatment at medikasyon.
Tandaan na mas nangangailangan ng paggamot ang mga sugat na malalim, malaki at madumi. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mas mainam na sa doktor o nurse magpagamot, lalo na kung malubha ang sugat na nakuha.
Mayroong mga pagkakataon na kahit malinis ang sugat ay nasa panganib pa rin ito ng impeksyon. Partikular kung nasa area ng mas maraming bakterya ang sugat. Tulad ng mga sumusunod:
- Urinary Tract
- Gastrointestinal System
- Respiratory System
Dagdag pa rito, pwedeng maging dahilan ng impeksyon ng sugat ang mga dumi at foreign objects.
Proseso Ng Paggaling Ng Sugat
Naghahanda ang katawan ng tao upang protektahan ang katawan laban sa mga impeksyon. Bago magsimula ang pagpapagaling o “healing”. Sa unang araw, maaaring namamaga, masakit o namumula ang sugat. Kung saan, senyales ang pamamaga na ang immune system ng katawan ay lumalaban para sa proteksyon ng sugat sa impeksyon. Habang ginagawa ng katawan ang pagpapagaling nito, nagkakaroon ng temporary crust o “scab” na nabubuo sa ibabaw at labas ng sugat. Sinasabi na mayroon itong responsibilidad na protektahan ang sugat habang gumagaling ang nasirang balat sa ilalim.
Nagkakaroon ng mga bagong pagbuo ng mga hibla ng laman sa ilalim ng langib o scab. Nag-aayos ang katawan ng mga nasirang blood vessels o ugat at gumagawa ang balat ng collagen para ikonekta muli ang mga nasirang tissues. Sa oras na matapos na ang pagpapagaling, kusang matatanggal ang scab at matutuyo ito. Kung saan, maiiwan na ang repaired skin — at kung minsan pwede rin itong mag-iwan ng peklat.
Laging tandaan na dapat pinapanatili na malinis at tuyo ang sugat para makatulong sa healing process nito.
Dagdag pa rito, hindi rin gumagaling “overnight” ang mga malulubhang sugat. Nakadepende ang panahon ng paggaling sa kondisyon at kalubhaan nito. Kaya mahalaga na magkaroon din ng mga paggamot na pwedeng isagawa sa bahay upang maiwasan ang anumang impeksyon. Mahalaga na sundin ang instructions at payo ng doktor sa kung paano pagagalingin ang mga sugat sa tahanan.
Mga Uri Ng Sugat
- Abrasion — Nagaganap ang sugat na ito kapag kinukuskus ng madalas ang balat. Kabilang sa abrasion ang mga gasgas.
- Puncture — Isa itong sugat na may maliit na butas sa malambot na tissue. Sinasabi na pwedeng sanhi nito ang splinters at karayom. Gayunpaman, ang kutsilyo o gunshot wounds ay maaaring makapinsala ng ng matindi sa malalim na muscles at internal organs — at maging dahilan ng bleeding.
- Avulsion — Nasasangkot dito ang puwersahang pagpunit sa balat at ilalim ng tissue. Pwedeng resulta ito ang mga sugat na ito mula sa marahas na aksidente.
- Laceration — Ito ang malalim na butas o pagkapunit sa balat. Kadalasan na mula ang mga sugat na ito sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga matutulis na bagay.
- Incision — Ang incision ay isang malinis na paghiwa sa balat at karaniwang ginagawa ito sa surgical procedures. Ngunit, ang pagkakaroon ng “deep incisions” ay pwedeng makapinsala sa muscles o nerves. Kung saan, pwedeng mangailangan ito ng pagtatahi.
Safe Ba Gumamit Ng Langis Para Sa Sugat?
Nakakatulong ang essential oils para sa pagbawas ng hitsura ng peklat. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-regenating ng skin cells ng mga nasirang balat — at maaari rin nito mapabuti ang skin health. Mayroon ding kakayahan ang essential oils para sa pagbalanse ng skin tone at pagbabawas ng pamamaga at pamumula.
Dahil nagtataglay ang ilang mga langis ng wound-healing properties na tumutulong sa pag-iwas sa pagbuo ng scar tissue.
Narito ang listahan ng mga essential oils na maaaring makatulong sa pagbawas ng hitsura ng peklat:
- Helichrysum essential oil
- Lavender essential oil
- Frankincense essential oil
- Geranium essential oil
- Hyssop essential oil
- Carrot seed essential oil
- Cedar wood essential oil
- Tea Tree oil
- Olive oil
- Vitamin E oil
- Rosehip seed oil
- Almond oil
- Coconut oil
- Neroli essential oil
- Grapeseed oil
- Apricot kernel oil
- Jojoba oil
- Hazelnut oil
- Avocado oil
Nagtataglay ang mga langis na ito ng iba’t ibang properties tulad ng anti-inflammatory, antifungal at antibacterial na epektibo sa pagtulong sa pagpapagaling ng balat. Lagi lamang tandaan na magandang diluted ang langis sa carrier oils bago ilapat sa apektadong lugar dahil maaaring mairita ang balat kapag nasa undiluted state ito ginamit. Hindi rin dapat kainin o inumin ang essential oils — at mas mabuti pa rin na magkaroon ng konsultasyon sa doktor bago gamitin ang treatment na ito. Para maiwasan ang anumang iritasyon at medikal na komplikasyon sa kalusugan — at malaman ang mga essential oils na pwedeng hindi i-dilute upang magamit sa sugat.
Safe Ba Gumamit Ng Langis Para Sa Sugat: Mga Hakbang Sa Paggamit Nito
Narito ang mga paraan sa paggamit ng essential oils sa sugat:
- Mag-dilute ng ilang patak sa napiling essential oils sa isang carrier oil.
- I-aplay ang mixture sa apektadong lugar ng ilang beses bawat araw.
- Makukuha ang pinakamahusay na mga resulta kung patuloy mong iaaplay ang mga langis nang hindi bababa sa ilang buwan.
Sa Anong Sugat Hindi Pwedeng Gamitin Ang Essential Oils?
- Sa bukas na sugat o open wound
- Sunog na balat
- Balat na sobrang sensitibo
Laging isaisip na ang “inflamed skin,” o anumang namamagang uri ng sugat, ay maaaring mag-react sa langis. Ang mga malulubhang sugat naman ay nangangailangan ng medikal na atensyon.
Kailan Dapat Tumawag Ng Doktor Para Sa Sugat?
Laging tandaan na ang mga malulubhang sugat ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon at panganib sa’yong buhay.
Narito rin ang mga sumusunod na dapat bantayan sa sugat para malaman kung dapat bang dalhin ito sa ospital at magpakonsulta sa doktor:
- Nakapagdebelop ng lagnat o namamagang glands.
- Mas lumala at namaga ang lugar ng sugat.
- Pagkakaroon ng mas masakit na pakiramdam sa sugat, sa kabila ng paggamit ng mga gamot at treatment.
- Paglawak ng pamumula ng sugat
- Pagkakaroon ng dugo at maraming nana sa sugat
- Nakikitaan na ang isang indibidwal ng mga sintomas ng dehydration.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.