backup og meta

Test sa Psoriasis: Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Ganitong Kondisyon?

Test sa Psoriasis: Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Ganitong Kondisyon?

Sa depinisyon, ang psoriasis ay isang kondisyon na nagiging sanhi ng pula, flaky, at crusty na patches sa balat na tinatakpan ng kulay silver na kalislik. Ito ay maaaring makita sa mga siko, tuhod, anit, at ibabang bahagi ng likod.

Gayunpaman, maaari itong lumabas kahit saang parte ng katawan. Ang psoriasis ay panghabambuhay na kondisyon, ngunit may pagkakataon na ang sintomas nito ay mild lamang o hindi nararamdaman. Sa kabilang banda, may mga pagkakataon ding malala ang sintomas. Alamin pa ang tungkol sa kondisyon na ito at ang mga uri ng psoriasis diagnosis test na ginagawa.

Gaano Kalaganap ang Psoriasis?

Ang psoriasis ay karaniwan na makikita sa mga populasyon ng hilagang bahagi ng Europa at kaunti lamang sa populasyon ng silangang bahagi ng Asya.

Ang psoriasis ay maaaring makaapekto sa mga tao sa kahit na anong edad. Ngunit, mas nagde-develop ito bago ang edad na 35, na nakaaapekto sa parehong mga babae at lalaki.

Senyales at Sintomas ng Psoriasis

Maaari mong suspetyahan na ikaw ay may psoriasis kung napansin ang balat na dry, makapal, at nagkakaroon ng umaangat na patches sa balat na tinatakpan ng kaliskis na kulay silver o white na makati at medyo mahapdi.

Ang mga sintomas na ito ay nagkakaiba-iba depende sa uri ng psoriasis na mayroon ka gayundin ang parte ng katawan na apektado nito at kung gaano kalala ang mga sintomas.

Ang pag-alam ng mga sintomas at uri ng psoriasis ay makatutulong sa iyong doktor na malaman ang psoriasis diagnosis test na iyong kailangan.

test sa psoriasis

Test sa Psoriasis: Ano ang Dapat na Diagnosis Test?

Sa ngayon, sa kabila ng lahat ng advances sa siyensya, wala pa ring psoriasis diagnostic test na maaaring makaalam ng iyong psoriasis nang hindi sinusuri ang iyong loob ng balat. Ang uri ng psoriasis na mayroon ka ay tipikal na nakukumpirma ng doktor habang nasa pagsusuring pisikal.

Ano ang karaniwang tinitingnan o sinusuri ng doktor?

Ang mga sintomas at pattern at kalidad ng mga sugat ay makatutulong sa iyong doktor na malaman ang uri ng psoriasis. Kung hindi pa ito sapat, hihingi ng pahintulot ang iyong doktor para sa biopsy, kung saan ang sample ng sugat sa iyong balat ay susuriin gamit ang microscope. Hindi lamang kanser ang nada-diagnose ng biopsy. Maging ang mga sakit sa balat tulad ng psoriasis ay maaaring mas ma-diagnose nang mabuti sa pamamagitan ng biopsy.

Ano ang pagkakaiba ng psoriasis sa balakubak?

Dahil magkamukha ang mga sintomas nito, marahil ay nagtataka ka kung ano ang pagkakaiba ng psoriasis sa simpleng balakubak. Ang pagkakaiba nila ay ang markang dulot ng psoriasis ay nangangaliskis at may cracking na maaaring maganap, sa katawan at bandang anit. Sa kabilang banda, ang balakubak nama’y may posibilidad na maging flaky o nagbabakbakbakbak.

Mahalagang Tandaan

Ang psoriasis ay malalang panghabambuhay na kondisyon sa balat na nakaaapekto sa maliit na porsyento ng pangkalahatang populasyon.

Ang sintomas at mga uri ng sugat na makikita sa mga tao ay makatutulong sa mga doktor na malaman ang uri ng psoriasis na mayroon, Para sa angkop na diagnosis at lunas, komunsulta sa iyong doktor.

Alamin pa ang tungkol sa Psoriasis dito.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Ruby Anne Hornillos.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Psoriasis, https://www.nhs.uk/conditions/psoriasis/#:~:text=Psoriasis%20is%20a%20skin%20condition,can%20be%20itchy%20or%20sore,  Accessed on January 1, 2021

Diagnosis and Management of Psoriasis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5389757/, Accessed on January 1, 2021

Psoriasis, https://www.cdc.gov/psoriasis/index.htm, Accessed on January 1, 2021

Psoriasis: Diagnosis and Treatment, https://www.aad.org/public/diseases/psoriasis/treatment, Accessed on January 1, 2021

Psoriasis: Diagnosis and Tests, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6866-psoriasis/diagnosis-and-tests, Accessed on January 1, 2021

Global Report on Psoriasis, https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/204417/9789241565189_eng.pdf.psoriasis?sequence=1#:~:text=Psoriasis%20affects%20people%20of%20all,100%20million%20individuals%20affected%20worldwide., Accessed on January 1, 2021

Kasalukuyang Version

03/03/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Sanhi Ng Psoriasis: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Sanhi ng Psoriasis at Ano ang Maaaring Gamot Dito


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement