Ang psoriasis ay isang sakit sa balat kung saan ang mga selula (cell) ng balat ay lumalaki ng 10 beses na mas mabilis kaysa karaniwan, at ito ay nagreresulta sa tuyo, flaky scales sa balat. Dahil sa sobrang aktibong ng immune system, natatambak ang mga selula (cell) ng balat at nagiging sanhi ng pangangati, pamamaga, at pamumula. Gayunpaman hindi lahat ng tao ay may kamalayan sa bagay na ito, kaya naman matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi at risk factors ng psoriasis.
https://hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-balat/ibm-pang-sakit-balat/karaniwang-sakit-sa-balat/
Ilang Tao ang May Psoriasis?
Ayon sa istatistika, 2% hanggang 3% ng mga tao sa buong mundo ang apektado ng psoriasis, ang kondisyong ito ay mas karaniwan sa ibang mga kultura at bansa tulad ng Hilagang Europa at hindi ito gaanong karaniwan sa Silangang Asya.
Ang psoriasis ay itinuturing na isang hindi nakakahawang sakit at walang lunas. Kung lumala ang psoriasis, maaari nitong takpan ang malaking bahagi ng balat. Gayunpaman, ang gamot ay maaaring makatulong sa pagma-manage ng mga sintomas at maiwasan ang mga malalang kondisyon. Ang mga sintomas ng psoriasis ay nangyayari sa anumang edad, ngunit madalas itong nagsisimula sa pagitan ng edad na 15 at 25. Huwag mo ring kakalimutan na anuman ang kasarian at kulay ng balat ng isang tao ay maaaring magkaroon ng psoriasis
Paano nagkakaroon ng Psoriasis?
Ang pangunahing sanhi ng o kung paano nagkakaroon ng psoriasis ay hindi pa rin alam batay sa mga propesyonal sa kalusugan. Gayunpaman, ito ay karaniwang nauugnay sa immune system at genetika.
Immune system
Malaki ang papel ng immune system sa mabilis na paggawa ng mga selula (cell) ng balat. Ang mga white blood cell (WBC) ay madalas na naka-deploy para labanan ang mga impeksyon at pumatay ng bakterya. Ngunit sa kaso ng psoriasis, maaaring may maling pag-atake ang WBC, na nag-trigger ng mga selula (cell) ng balat na dumami sa isang accelerate rate.
Genes
Ang genetika ay responsable rin para sa psoriasis, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng ganitong sakit sa balat kapag may ganitong kondisyon ang isang miyembro ng pamilya.
Risk Factors ng Psoriasis
Ngayong alam na natin kung paano nagkakaroon ng psoriasis, alamin natin ang risk factors nito.
Walang tiyak na mga sanhi ng psoriasis. Gayunpaman, ang ilang mga kadahilanan ay maaaring mag-trigger ng pagkalat ng kondisyon ng balat na ito.
Ang ilan sa mga karaniwang factors ay kinabibilangan ng:
Stress
Ang mga lebel ng mataas na stress ay maaaring mag-trigger ng psoriasis, at ang psoriasis ay maaaring mag-trigger ng stress. Ang stress management at mga diskarte sa pagpapahinga ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga sintomas ng psoriasis na lumala.
Injury
Maaaring mag-trigger ng psoriasis flare-up ang mga hiwa sa balat at maliliit na kagat ng kulisap. Kilala rin sa mga nagtri-trigger ang pagkakabilad sa sikat ng araw, operasyon, at pagbabakuna.
Impeksyon
Kung nakita ng immune system ang bakterya sa katawan, agresibo itong lalabanan at magtri-trigger ng psoriasis flare-up.
Alak
Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagiging sanhi ng outbreak ng psoriasis, habang mina-manage o pinipigilan ang flare-ups, limitahan ang iyong pag-inom ng alak o iwasan ito nang lubusan.
Mga gamot
Ang ilang mga gamot ay nagtri-trigger ng psoriasis, tulad ng lithium, antimalaria, at gamot sa high blood pressure. Kumunsulta sa’yong doktor para sa pinakamahusay na tritment.
Panahon
Ang malamig na panahon at/o sikat ng araw ay maaaring mag-trigger ng psoriasis. Sa kasong ito, ang mas kaunting sikat ng araw at mahalumigmig na panahon ay nagpapalala sa kondisyon. Maaaring pumutok at dumugo ang psoriasis sa panahon ng malamig na panahon, habang maaari itong magdulot ng pangangati sa mas mainit na kapaligiran.