backup og meta

Ano Ang Dapat Gawin Sa Ingrown Pubic Hair? Alamin Dito

Ano Ang Dapat Gawin Sa Ingrown Pubic Hair? Alamin Dito

Bakit nag-aahit ang mga tao? Inaahit nila ang mga buhok sa mukha, kilikili, at maging sa pribadong bahagi ng katawan. May ilang ginagawa ito upang maging malinis sa katawan. May iba namang dahil sa personal na kagustuhan. Gayundin, may iba namang ginagawa ito dahil nakaugalian nang gawin, dahil sa paglipas ng mga taon ay marami ang nagtatanggal ng kanilang buhok sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pamamaraan. Kung anuman ang dahilan, ang pag-aahit ay maaaring magresulta ng mga tiyak na kondisyon, tulad na lamang pagkakaroon ng ingrown pubic hair. Paano tanggalin ang ingrown pubic hair? Ating aalamin kung ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon nito, kung paano makikita ang mga ito, ano ang maaaring maging bunga nito, at kung paano ito maiwasan.

Ano Ang Ingrown Hairs?

Ito ay mga buhok na tumutubo nang pabaliktad sa ilalim ng balat bilang resulta ng pag-aahit o pagbubunot. Maaari itong makitang nakaumbok, kulay pula at makating butlig, na kung minsan ay may buhok sa ilalim nito. Maaari ding magkaroon nito kung nagtatanggal ng buhok sa pamamagitan ng waxing. 

Ang tyansa ng pagkakaroon ng ingrown hairs ay mas mataas kung ikaw ay nagtatanggal ng buhok sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:

  • Mukha o leeg
  • Binti
  • Kilikili
  • Dibdib
  • Likod
  • Pribadong bahagi ng katawan

Ang ingrown pubic hairs — at ang iba pang uri ng  ingrown hairs — ay kadalasang nawawala nang kusa, ngunit minsan ay maaaring kumalat.

Ano Ang Sanhi Nito?

Ang ayos ng buhok at ang direksyon ng pagtubo nito ay ang mga dahilan ng pagdebelop ng ingrown hairs. Ang curved hair follicle ay maaaring magresulta sa tightly curled hair. Ito ay maaaring pumasok sa balat kung ginupit o inahit ang buhok. Ang pag-aahit ay sanhi ng matulis na dulo ng buhok, partikular na kung ang buhok ay dry noong inahit. Upang maahit ang mas maraming buhok, marahil ay binabanat mo ang iyong balat — ngunit hindi ito magandang gawin. Ang paggawa nito ay dahilan upang ang buhok ay pumasok sa balat bago pa man ito lumaki.

Ano-Ano Ang Mga Komplikasyon?

Ang impeksyon ng ingrown pubic hair ay nangyayari kung ito ay tumubo nang pabaliktad sa ilalim ng balat. Dahil dito, iisipin ng katawan na ito ay isang kakaibang bagay na kailangang atakehin. Sa ilang mga kaso, ang impeksyon ay maaaring humantong sa mga tiyak na komplikasyon:

[embed-health-tool-bmi]

Paano Ko Ligtas Na Tanggalin Ang Ingrown Pubic Hair?

Marami sa mga tao, lalo na sa mga kabataan, ang gustong malaman kung paano ligtas na tanggalin ang ingrown pubic hair. Iminumungkahi ng mga eksperto ang paggamit ng depilatories o chemical agents na nagtatangal ng buhok. Ang hibla ng buhok ay gawa sa keratin, o fibrous proteins na dinurugtog ng disulfide bonds at hydrogen bonds. Ang substances na ito ay nakatuon sa pagsira sa bonds na ito. Hindi masakit ang paggamit ng depilatories, ngunit minsan ito ay naglalaman ng components na maaaring maging sanhi ng allergies sa taong gagamit.

Kung pinaplano mong tanggalin ang iyong ingrown pubic hair, maghanap ng depilatory na nagsasabing ligtas itong gamitin sa pubic area.

Isa ring opsyon ang waxing; kung wasto ang pagsasagawa, maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng ingrown pubic hair. Masakit man ito sa ilang saglit, tinatanggal naman nito ang ugat ng buhok. Dahil dito, mas matagal bago muling tumubo ang buhok.

Ano-Ano Ang Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan Ang Ingrown Pubic Hairs?

Ang pinakamadaling paraan upang maiwasan ito ay ang hindi pag-aahit. Ngunit kung ang pag-aahit ang gusto mong paraan upang tanggalin ang mga buhok, narito ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng ingrown pubic hairs.

  • Basain ang balat ng maligamgam na tubig.
  • Gumamit ng shaving gel.
  • Mag-ahit sa direksyon ng buhok.
  • Gumamit ng mas kaunting strokes ng razor.
  • Hugasan ang razor matapos ang bawat stroke.
  • Palamigin ang balat gamit ang telang binasa ng malamig na tubig upang mabawasan ang pangangati.
  • Gumamit ng exfoliating scrub upang alisin ang mga na-trap na buhok.
  • Isaalang-alang ang ibang paraan upang matanggal ang buhok (hair removal cream, laser treatment).

Iwasan din ang mga sumusunod:

  • Pag-aahit nang masyadong malapit: Ang pag-iwan ng ibang pinagtanggalan ng buhok ay nakatutulong upang maiwasang makapasok ang bacteria
  • Paggamit ng mapurol na blade: Sa tuwing mag-aahit, gumamit ng bagong  single-blades.
  • Pagkamot o pagpiga ng ingrown hairs: Maaari nitong masira ang balat o magresulta ng impeksyon.

Key Takeaways

Ang pag-aahit ng buhok ay bahagi ng araw-araw na buhay. Kung tatanggalin ang buhok sa pribadong bahagi ng katawan, kailangang mag-ingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng ingrown pubic hair. Bagama’t minsan ay nawawala nang kusa ang mga ito, may mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito. Ang paggamit ng depilatories ay isang paraan, ngunit maaari ding gumamit ng shaving creams. Dapat ding ahitin ang buhok sa direksyon nito at huwag banatin ang balat.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ingrown hairs, https://www.nhs.uk/conditions/ingrown-hairs/, Accessed 17 Mar 2022

Ingrown hair, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ingrown-hair/symptoms-causes/syc-20373893#:~:text=An%20ingrown%20hair%20occurs%20when,men%20who%20shave%20facial%20hair, Accessed 17 Mar 2022

What’s the Best Way to Remove Excess Pubic Hair? https://kidshealth.org/en/teens/sideburns.html, Accessed 17 Mar 2022

What are hair removers, and how do they get rid of unwanted fuzz? https://cen.acs.org/business/consumer-products/hair-removers-rid-unwanted-fuzz/96/i22, Accessed 17 Mar 2022

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Waxing O Shaving: Alin Ang Mas Epektibo Sa Dalawang Ito?

Para Saan ang Pubic Hair? Heto ang mga Facts Tungkol Dito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement