Ang balat ay ang pinakamalaki at pinaka importanteng organ sa ating katawan. Ito ay pumoprotekta sa atin sa maraming mga karamdaman at impeksyon; dahil dito kailangan natin gawin ang ating makakaya upang maprotektahan, mapanatili, at mapabuti ang kondisyon ng ating balat. Ngunit, paano natin eksaktong gagawin iyon? Ang pang-araw-araw na skincare sa bahay ay maaaring gawin para sa kalusugan ng balat. Narito ang listahan at tips upang matulungan kang magsimula.
Pang-araw-araw na Skincare sa Bahay
Ang pang-araw-araw na skincare sa bahay ay maaaring simple o komplikado. Depende ito sa kondisyon ng iyong balat at ang oras at commitment na ilalaan mo sa pag-aalaga nito. Bago magsagawa ngskincare routine, kailangan mo munang suriin at maunawaan ang kondisyon ng iyong balat. Ito ba ay dry? Oily? Prone ka ba sa breakouts? Kung hindi ka sigurado, maaari kang komunsulta sa isang dermatologist.
Gayunpaman, ang tipikal na pang-araw-araw na skincare sa bahay ay ang mga sumusunod:
Prepping
Ang unang hakbang na dapat isagawa sa pag-aalaga ng balat ay ang paghahanda para sa routine. Maglalagay ka ng maraming mga produkto tulad ng lotions, sunscreens, toners, cleansers, etc. kaya’t siguraduhin na ang balat ay handa na lagyan ng mga produkto na mahalaga.
Ang mga produkto tulad ng cleansing oils ay kilalang pinipili bago ang aktuwal na paghihilamos ng mukha. Kumakapit ito sa dumi ng iyong mukha at natutunaw sa tubig. Isa pang halimbawa ay ang make-up remover. Ang paghilamos lang ng mukha upang matanggal ang make-up ay karaniwang hindi sapat upang maiging matanggal ang nakakapit na dumi at makeup.
Cleansing
Ang sunod na hakbang ay ang pagtanggal o paglinis ng pores gamit ang facial cleansers upang matanggal ang dead skin cells. Kailangan mong maging maingat sa hakbang na ito dahil ang paggamit ng maling produkto ay maaaring mas makapinsala sa iyong balat.
Inirerekomenda na gumamit ng milder cleansers para sa dry skin at cleansers na nakatuon sa pagtanggal ng oil para sa oilier skin.
Mainam din na produkto ang toners dahil ito ay nagre-regulate ng lebel ng pH sa balat at nagpapalinis ng pores. Hinahayaan nito ang iyong balat na mas mag-absorb ng nananatiling produkto na ilalagay sa susunod.
Kailangan mo pa ring maging maingat sa uri ng iyong balat kung gagamit ng toner, dahil ang paggamit ng toner na hindi akma sa uri ng balat ay nakapipinsala. Halimbawa, ang alcohol-based toners ay nakasasama sa dry skin.
Nourishing
Ito ang stage sa iyong pang-araw-araw na skincare sa bahay na tinatawag na “i-feed” ang iyong balat. Sa hakbang na ito, kailangan mong malaman ang problema ng iyong balat at maglagay ng produkto na may kinakailangang bitamina at mineral upang makatulong na mapabuti ang kalusugan at kalidad ng balat.
Ang ilang karaniwang problema ay ang wrinklers, dark spots, at tigyawat. Bawat isa sa mga ito ay may iba’t ibang solusyon na kailangang gawin. Siguraduhin na maayos na matukoy ang pangangailangan ng balat at tumingin sa sangkap ng produkto na ginagamit para sa pinaka epektibong resulta.
Karagdagan, ang pag-alam ng eksaktong mga kakulangan sa balat ay mainam upang mahanap at ilagay ang produkto na maaaring makaiwas sa mga pabalik-balik na problema.
Moisturizing
Ito marahil ang pinakamahalagang parte ng pang-araw-araw naskincare sa bahay. Kailangan ng balat ng sapat na tubig upang manatiling supple, ayusin ang sarili nito, maayos na mapalitan ang old skin cells, at makaiwas sa impeksyon sa pagpasok sa katawan.
Shielding
Ang huling hakbang ay ang protektahan ang iyong balat. Bagaman ang ilang minuto ng sinag ng araw ay nakatutulong sa iyong pangkabuuang kalusugan, ang sobra nito ay nakasasama sa iyong balat. Ang sobrang exposure sa UV rays ay maaaring magkaroon ng problema; ang ilan ay hindi lamang sa iyong balat.
Maaaring magpabilis ang UV rays ng pagtanda ng balat at maging sanhi ng ibang side effects tulad ng wrinkles, leathery skin, liver spots, at maging ang mahinang immune system.
Kung hindi mo maiiwasan ang pag-expose sa araw ngunit nais pa rin ng proteksyon ang pinaka perpektong produkto na ginagamit dito ay sunblock. Tinatawag itong sunblock o sunscreen na gumagana sa 1 o 2 paraan.
Ang una ay ang pag-block ng sinag ng araw na may zinc oxide at/o titanium oxide. Ang sunod ay hindi talaga nagbo-block ng UV light, ngunit nag a-absorb ng kemikal na tinatawag na oxybenzone na hinalo sa sunblock. Kahit na anong piliin, laging ipinapayo na pumili ng nasa may SPF 15 o SPF 30 na pinaka ideal.
Dahil sa mga tinalakay, makokompleto mo na ang iyong unang pang-araw-araw na skincare sa bahay.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.