Ano ang glutathione?
Kilala rin ang glutathione bilang L-glutathione, glutinal at GSH. Madalas itong nauugnay sa glutathione whitening. Para saan ang ang glutathione? Isang uri ng tripeptide ang glutathione na kadalasang matatagpuan sa mammalian tissues. Kilala ito bilang antioxidant at gumaganap din bilang cofactor para mag react sa and mag alis ng mga harmful free radicals. Tumutulong ito sa pagsipsip ng amino acids at paggawa ng molecules na tumutugon sa immunological at non-immunological stimuli. Kayang i-activate ng glutathione ang leukocytes (cells na lumalaban sa impeksyon), nakaka tulong sa bronchial muscles, at maging sa vascular permeability.
May kakayahan din itong i-neutralize ang masasamang chemical compounds. Kaya ring pigilan ng glutathione ang oxidative stress sa erythrocytes (red blood cells). Nakatutulong din ito sa pagbuo ng disulfide bonds ng protein, pati na rin sa pagdadala ng amino acids sa pamamagitan ng membranes.
Paano nito napapaputi ang balat?
Pinaniniwalaang skin lightening agent ang glutathione dahil naglalaman ito ng anti-melanogenic properties. Tinatawag naman na “melanin” ang isang compound sa katawan na responsable sa pag-itim ng balat o pigmentation.
Salamat at gumagana ang glutathione whitening dahil sa kakayahan nitong hindi direktang pigilan ang tyrosine enzyme– kung saan gawa ang melanin. Binabago nito ang melanin production mula eumelanin (kayumanggi o itim) papuntang pheomelanin (dilaw o pula).
Ligtas ba itong gamitin?
Madalas na pino-promote ng karamihan sa mga pharmaceutical cosmetic company ang paggamit ng glutathione, partikular na sa mga etnikong komunidad na may mas maitim na kulay ng balat. Maaari itong ibigay sa pamamagitan ng oral o intravenous. Ngunit wala pang sapat na pag-aaral ang nagawa para matiyak ang tunay na bisa at kaligtasan ng glutathione whitening. Sa katunayan, hindi basta-basta inirerekomenda ang intravenous glutathione dahil sa mataas nitong posibilidad na magbigay ng hindi magandang epekto. Isang pag-aaral ang nagsabi na ang paraan kung paano nababago ng glutathione ang proseso ng eumelanin papuntang pheomelanin production ang nakakadagdag sa posibilidad na magkaroon ng skin cancer ang isang tao dala ng pagbibilad sa araw.
Nagbigay ng babala ang Food and Drug Administration of the Philippines sa publiko laban sa off-label uses ng glutathione tulad ng “whitening”
Ano pang mga skin lightening agent ang mayroon?
Isang skin lightening o skin bleaching method ang glutathione whitening. Tinatawag naman na skin bleaching ang paraan ng pagpapaputi ng maiitim na bahagi ng balat. Ang skin bleaching, anuman ang uri nito, ay naglalayong mabawasan ang paggawa ng melanin. Posibleng magastos ito at matagal ang proseso nang walang kasiguraduhan sa gustong makuha na resulta.
Whitening cream
Popular na pagpipilian ang skin whitening cream, na maaaring prescription o non-prescription cream. Mandalas na naglalaman ng hydroquinone o corticosteroids ang mga prescription cream. Sasabihin ng iyong doktor kung gaano lang kadalas at kadami ang paglagay nito sa mga apektado o bahagi ng iyong katawan.
Kapag tumitingin ng mga non-prescription cream, siguraduhing suriin mabuti ang mga sangkap nito kung may nakalalason na mercury. Kakailanganin mo rin ng medical direction para magamit ang mga produktong may hydroquinone at corticosteroids. Posibleng makasama sa iyong kalusugan ang paggamit ng mga sangkap na ito nang walang payo mula sa iyong doktor.
Kabilang sa hindi magandang epekto nito ang mga sumusunod:
- Balat na sobrang maputi o maitim
- Pagnipis ng balat
- Kitang-kita ang blood vessels sa balat
- Pagsusugat
- Pagkasira ng bato, atay, at nerves
- Mga abnormality sa sanggol kung gumagamit habang nagbubuntis
Kasama sa iba pang posibleng epekto ang pamumula o pamamaga, nasusunog o makirot na pakiramdam, at makati o tuklap-tuklap na balat.
Laser treatment
Puwede ring magpaputi gamit ang laser treatment. Nangyayari ito sa tulong ng pagtanggal ng outer layer ng balat sa pamamagitan ng pagsira ng mga cell na gumagawa ng melanin. Posibleng tumagal ng isa hanggang dalawang linggo ang pagpapagaling mula dito, nang may kasamang pamumula o pamamaga, at sun sensitivity.
Key Takeaways
Para saan ang glutathione? Hindi inirerekomenda ang glutathione whitening–isang paraan ng pagpapaputi ng balat na sumikat paglipas ng ilang taon, dahil sa maaring maging masamang epekto nito, hindi rin ligtas, at kawalan ng patunay ng pagiging mabisa ng paggamit nito. Ang melanin naman na nagiging sanhi ng pigmentation sa balat at buhok, pinoprotektahan tayo nito laban sa mga kanser sa balat dahil sa pagkabilad sa araw. Mayroon pang ibang skin lightening agent na maaaring gamitin, ngunit ipinapayo na mabuting komunsulta muna sa iyong dermatologist upang matiyak ang iyong kaligtasan bago gamitin ang mga ito.
Matuto pa tungkol sa paglilinis at pangangalaga sa balat dito.