Isa sa unang sumasagi sa isipan ng mga tao kapag naririnig nila ang salitang Botox ay mga injection na nakatutulong upang mabawasan ang mga wrinkles. Ngunit, ang Botox at iba pang botulinum injections is hindi lamang isang cosmetic procedure. Bagkus, may benepisyong dulot din ito sa ilang mga tao na may mga partikular na medikal kondisyon. Lubusang alamin kung para saan ang botox sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulo.
Para Saan ang Botox at Paano Gumagana ang mga Botulinum Injections?
Malamang ay ilang beses ninyo na narinig ang salitang Botox at naging pamilyar na kayo kung ano ito, ngunit alam mo ba ang botulism? Ito ay isang hindi pangkaraniwang kondisyon na nagbabanta sa buhay ng isang tao sapagkat ito ay maaaring magdulot ng mga sumusunod:
- Panghihina ng muscles
- Paralisis
- Pagkamatay
Dagdag pa rito, ang mga karamdamang nabanggit ay sanhi ng isang toxin na ginawa ng partikular na bakterya, ang Clostridium botulinum.
Ang Botox, isang tatak ng botulinum injection, ay ginawa mula sa parehong toxin na nagdudulot ng botulism, ang onobotulinumtoxinA. Ngunit hindi mo kailangang mag-alala dahil ligtas ang pagbibigay nang maliit at tamang halaga nito, ng isang healthcare professional.
Sino ang Nangangailangan ng Botox Injections?
Isang opsyon ang pagpapatusok ng botox injections para sa mga taong nais iwasan ang mga pisikal na senyales pagtanda sa balat tulad ng wrinkles.
Subalit, maaari ring irekomenda ito ng doktor sa mga taong nakararanas ng mga sumusunod na kondisyon:
Bukod sa mga nabanggit, maaari rin silang magmungkahi ng Botox sa mga pasyenteng may mga problema sa paggalaw ng kanilang mga muscles, gaya ng lazy eye, cervical dystonia, at urinary incontinence na sanhi ng sobrang aktibong pantog.
Bilang isang pangkalahatang tuntunin, hindi inirerekomenda ng mga doktor ang injection na ito sa mga buntis at nagpapasusong mga kababaihan. Ang mga taong may allergy sa protina mula sa gatas ng baka ay hindi rin dapat tumanggap ng botulinum injection.
Ang iba pang mga kontraindikasyon sa pagsasagawa ng prosesong ito ay ang mga sumusunod:
- Mga impeksyon sa balat
- Mga neuromuscular na kondisyon, tulad ng Myasthenia gravis
- Pag-inom ng ilang mga gamot
- Pagkakaroon ng masamang pakiramdam
Para Saan ang Botox at Paano Ito Isinasagawa?
Maraming magaakala na ang Botox ay isang simpleng proseso na tumatagal lamang ng mga 15 minuto. Maaaring may katotohanan sa paniniwalang ito, ngunit nararapat din malaman ng mga tao na ito ay isang kritikal na proseso — na tanging mga eksperto lang ang pwede magsagawa dahil nangangailangan ito ng presisyon.
Sa 43 facial muscles na mayroon ang isang tao, dapat alam ng doktor kung saan mismo ituturok ang karayom na naglalaman ng naturang toxin upang maging maayos at maganda ang kalalabasan ng proseso.
Nakabatay ang bilang ng pagtusok sa lalim ng wrinkles at iba pang mga facial features na nais mong mabawasan o tuluyang mawala. Ang mga linyang makikita sa labas ng iyong mga mata (crow’s feet) ay karaniwang nangangailangan ng dalawa o tatlong tusok. Ang mga deep furrow naman sa itaas ng mga kilay ay maaaring mangailangan ng mga humigit kumulang limang tusok ng injection.
Ano ang Nangyayari Matapos ang Proseso?
Isa sa mga madalas na katanungan ng mga tao, bukod sa tanong kung para saan ang botox, ay kung may downtime na kailangang isipin sa pagsasagawa nito. Ang maganda rito ito ay hindi na nangangailan ng recovery time. Maaaring kang magpatuloy sa iyong karaniwang mga gawain matapos agad ang proseso.
Gayunpaman, mangyaring iwasan ang pagkuskos o pagmamasahe ng injection site. Maaaring kumalat ang naturang toxin at magdulot ng pansamantalang paglaylay o paralisis sa mukha.
Mahalaga ring na iyong malaman na hindi agad makikita ang epekto ng toxin. Ito ay nangangailangan ng ilang araw upang magkaroon ng bisa, at magiging kapansin-pansin lamang ang makahulugang pagbabago makalipas ang ilang linggo.
Mayroon Ba Itong Posibleng Panganib?
Hindi maitatanggi ang posibilidad ng mga side effect at komplikasyon kahit pa ito ay isang ligtas na prosesong pamumunuan ng isang healthcare professional.
Ang cosmetic procedure na ito ay maaaring magdulot ng:
- Pananakit, pagpasa, o pamamaga ng injection site
- Mga pangtrangkasong sintomas
- Pananakit ng ulo
- Pagkatuyo ng mata
- Labis na pagluluha ng mata
- Doopy eyes
- Crooked smile
- Paglalaway
Bihira namang kumalat sa ibang parte ng katawan ang toxin. Kung kaya, makipag-ugnayan sa iyong doktor kung may nararanasan kang sintomas mula sa mga mababanggit sa ibaba:
- Mga problema sa paningin
- Panghihina ng mga muscles
- Problema sa paghinga
- Pagkawala ng kontrol sa pantog
- Problema sa pagsasalita o paglunok
Para Saan ang Botox at Ano ang Dapat Mong Isaalang-alang Kung Gusto Mong Magpagawa Nito?
Matapos malaman kung para saan ang Botox at matiyak na wala kang kontraindikasyon sa nasabing proseso, makatutulong kung maisaalang-alang ang mga sumusunod:
- Pansamantala lamang ang mga epektong dulot ng Botox injections. Ito ay maaaring tumagal ng ilang buwan hanggang isang taon.
- Ang presyo nito ay nakadepende sa tatak ng botulinum injection na gagamitin. Ang ilang mga clinic ay nag-aalok ng treatment package sa halagang P20,000.
- Maaaring gamitin ng mga senior citizen ang kanilang discount, subalit hindi ito sakop ng insurance.
Kumunsulta sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon pang pagdududa o kahit anong pagaagam-agam ukol sa proseso.
Key Takeaways
Ang Botox ay isang brand ng botulinum injection na karaniwang ginagamit sa isang cosmetic procedure upang mabawasan ang mga fine lines at wrinkles. Ngunit, hindi ito para sa lahat. Kung nais mong magpagawa ng Botox, siguraduhing kumunsulta sa doktor.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis sa Balat dito.