backup og meta

Panlinis Ng Tenga, Anu-Ano Ang Dapat Gamitin At Gawin?

Panlinis Ng Tenga, Anu-Ano Ang Dapat Gamitin At Gawin?

Isa sa mga madalas na nakakaligdaan ng karamihan na linising parte ng katawan ay ang kani-kanilang tenga. Ito ay umaabot sa punto na nakikita na lang ang mga earphones na mayroon ng namuong dumi —  isang hindi magandang pangitain. Bagaman hindi nakikita ang loob na parte ng tenga, kabilang pa rin ito sa pangangalaga at paglinis ng balat. Kung kaya, tatalakayin ng artikulong ito ang mga bagay na maaari mong gamitin bilang panlinis ng tenga at kung paano mo ito dapat gawin. 

Ano Ang Earwax?

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang earwax, o cerumen, ay ginagawa ng ear canal upang maprotektahan ang tenga. Bagaman ito ay itinuturing na dumi sa tenga, mayroon itong lubricating at antibacterial properties. Dagdag pa rito, nagsisilbi rin itong waterproof lining ng ear canal na nagbibigay proteksyon sa parehong ear canal at eardrum mula sa mga mikrobyo na maaaring magdulot ng pangangati, pinsala, o impeksyon. 

Sa ilang mga tao, mayroong mga pagkakataon kung saan mas maraming wax ang ginagawa ng mga glands. Kabilang sa mga salik na maaaring makaapekto sa dami ng earwax ay:

  • Mga nakaraang operasyon sa tenga 
  • Mga nakaraang trauma na sangkot ang tenga
  • Paulit-ulit na impeksyon
  • Pagsusuot ng hearing aid o malalim na earplug
  • Pagkakaroon ng makikitid at mabuhok na ear canals
  • Katandaan dahil karaniwang nagiging tuyo ang earwax habang tumatanda

Namumuo at tumitigas ang naturang wax, dahilan para magkaroon ng tinatawag na earwax blockage. Ilan sa mga sintomas na maaaring idulot nito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Sakit sa tenga (earache)
  • Pakiramdam na may kapunuan sa tenga
  • Pangangati ng tenga
  • Pagkakaroon ng amoy o disharge mula sa tenga
  • Ubo
  • Pagkahilo
  • Pananakit o impeksyon sa tenga
  • Pagkawala ng pandinig
  • Pagrinig ng nagri-ring na tunog o ingay sa tenga (tinnitus)

Gayunpaman, hindi naman nakakapinsala ang kondisyong ito at madali ring gamutin. Ngunit, karaniwan itong nangyayari sa mga taong sinusubukang alisin ang kani-kanilang earwax mag-isa sa pamamagitan ng paggamit ng panlinis ng tenga tulad ng cotton buds. Hindi na nirerekomenda ang paggamit nito marahil kadalasan lang nito natutulak papasok ang dumi sa halip na tanggalin ito. Kung gayon, ano ang mga maaaring panlinis ng tenga na maaari mong gamitin at paano mo ito isasagawa?

panlinis ng tenga

Ano Ang Maaari Mong Gamitin Bilang Panlinis Ng Tenga?

Maliban sa nakasanayan nating mga cotton buds na hindi na nga inirerekomenda, ano pa ang mga panlinis ng tenga na maaari mong gamitin? Narito ang ilan sa mga cerumenoltyic solutions na makatutulong upang matunaw ang earwax na maaari mong ikonsidera:

  • Mineral oil
  • Baby oil
  • Glycerin
  • Hydrogen peroxide o peroxide-based ear drops
  • Saline solution 

Maaari mong gamitin ang mga nabanggit sa pamamagitan ng paglagay ng ilang patak sa apektadong tenga gamit ang dropper. Siguruduhing ikaw ay nakahiga sa tapat na bahagi nito upang tumulo ito. Matapos ang pagpatak, hayaan lang ang solusyong panlinis ng tenga nang mga limang minuto. Mainam ito para masipsip at lumambot ang naturang dumi. Maaari ka ring magbabad ng cotton ball o tissue at ilagay ito sa apektadong tainga at hayaang tumulo ang solusyon sa tenga.

Isa pang opsyon na maaari mong gawin ay ang pagtubig o pag-syringe sa tenga. Gumagamit naman ng syringe para mabanlawan ang ear canal ng tubig o saline solution. Ito ay karaniwang ginagawa matapos lumambot ng wax sa pamamagitan ng mga nabanggit na cerumenolytic solutions. 

Narito ang proseso kung paano ito isasagawa:

  • Gumamit ng tubig na nakaayon sa iyong body temperature. Ito ay marahil ang masyadong malamig o mainit na tubig ay maaaring magdulot ng pagkahilo o vertigo. 
  • Siguraduhing nakaayos ang iyong ulo na nakapatayong position. Ituwid ang ear canal sa pamamagitan ng paghawak sa labas ng tenga at dahan-dahang hilahin pataas. 
  • Gumamit ng syringe upang unti-unting idirekta ang tubig sa ear canal wall sa tabi ng wax plug. 
  • Itaas ang iyong ulo upang hayaang maubos ang tubig. Maaaring kailanganin mong ulitin ito nang maraming beses hanggang sa matanggal ang earwax. 

Key Takeaways

Ang paglinis ng tenga ay nararapat na isama sa proseso ng paglinis at pangangalaga ng balat. Karaniwan namang kusang natatanggal ang earwax, ngunit mayroon din iba’t ibang panlinis ng tenga na maaaring gamitin at gawin. Siguraduhing naikonsulta mo ito sa iyong doktor bago isagawa ang proseso. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Earwax Buildup & Blockage, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14428-ear-wax-buildup–blockage Accessed July 22, 2022

Ear wax, https://medlineplus.gov/ency/article/000979.htm Accessed July 22, 2022

Earwax blockage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/earwax-blockage/diagnosis-treatment/drc-20353007 Accessed July 22, 2022

Earwax buildup, https://www.nhs.uk/conditions/earwax-build-up/ Accessed July 22, 2022

Earwax build-up, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/earwax-build-up  Accessed July 22, 2022

Earwax Removal 101: The Best (and Safest) Ways to Clear Clogged Ears, https://health.clevelandclinic.org/ear-wax-removal-101-the-best-and-safest-ways-to-clear-clogged-ears/ Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

05/22/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Panlinis ng Kuko: Anu-Ano ba ang Wastong Tools Para Dito?

Sintomas ng impeksyon sa tenga, anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement