backup og meta

Pag-ahit ng Pubic Hair, Paano ba ang Tamang Paraan?

Pag-ahit ng Pubic Hair, Paano ba ang Tamang Paraan?

Ang pag-aahit ng pubic hair ay isa sa mga bagay na hindi na pinag-iisipan ng maraming mga tao. Habang may mga kapakinabangan ang pagpapanatili ng pubic hair, maganda rin na ahitin ang iyong pubic hair. Bagaman, kung napagdesisyunan mo ang huli, mahalaga na malaman paano ang tamang pag-ahit ng pubic hair.

Magpatuloy sa pagbasa upang malaman ang marami pa tungkol sa pubic hair, at matuto ng mahalagang tips sa ligtas na pag-ahit nito.

Kailangan mo bang ahitin o hindi ang iyong public hair?

Ang pubic hair ay mga buhok na makikita sa iyong ari. Lahat ay mayroong pubic hair, at wala naman itong banta ng problema kung hahayaan mo itong tumubo. Sa katunayan, may isang teorya na ang pubic hair ay nakatutulong na mabawasan ang friction sa pakikipagtalik.

Ang pubic hair ay umaakto na isang buffer upang mabawasan ang friction; kaya’t sa halip na nagkukuskusan na balat, ito ay buhok na kumukuskos sa buhok. 

Ang pag-ahit sa iyong pubic hair ay magiging sanhi ng problema lalo na kung hindi mo ito nagawa nang tama. Maaari itong humantong sa sugat, iritasyon, ingrown hairs, o maging ang impeksyon. Minsan, maaari ring masunog ang iyong balat sa paggamit ng produkto, tulad ng shaving creams, na sensitibo sa iyong balat.

Ngunit sa dulo, ito rin ay personal na pagpili. Ayos lang na ahitin ang iyong pubic hair, ngunit mahalaga na maging malay sa mga posibleng banta sa paggawa nito. May mga tiyak na tao na nakikita na ang pag-ahit ng pubic hair ay mas napadadali ang paglilinis ng ari. Ang pagkawala ng buhok ay nakapagtatanggal ng banta ng pubic lice, dahil walang buhok na pagpapanatilihan ng lisa. 

Ang ibang mga tao ay may maling paniniwala na ang iyong buhok ay tutubo nang mas makapal kung ito ay aahitin. Ito ay sabi-sabi lamang, kung ang buhok ay tumubo ito rin ay pareho ng buhok na iyong inahit.

Bagaman kung napagdesisyunan mo nang gawin ito, mahalaga na malaman ang ligtas na paraan sa pag-ahit ng pubic hair. Sa ganitong paraan, mababawasan ang banta ng impeksyon at iba pang problema na sanhi ng pag-aahit.

Paano ahitin ang pubic hair: Narito ang paraan upang ligtas na gawin ito

Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan sa pag-ahit ng iyong pubic hair:

Putulin ang ibang mga buhok bago ahitin

Kung ang iyong pubic hair ay medyo mahaba, ang pagputol sa mga ito ay makatutulong upang mas mapadali ang pag-ahit. Ang paggamit ng razor sa mahabang pubic hair ay mahirap at maaaring aksidenteng masugatan mo ang iyong sarili.

Sa katunayan, maaaring ayos lang sa iyo ang pagputol ng iyong pubic hair sa halip na ahitin ito nang buo.

Gumamit ng shaving cream o gel

Bago mag-ahit, hugasan ang iyong ari ng mainit na tubig, o gumamit ng shaving cream o gel. Ito ay nakatutulong sa pag-ahit na mas mapadali at maiwasan ang sugat at iritasyon.

Gumamit ng bago at ligtas na razor

Hangga’t posible, gumamit ng bago at ligtas na razor kung aahitin ang pubic hair. Nakasisiguro na ito ay matalas at ligtas sa mikrobyo. Ang mapurol na razor ay mahirap na gamitin pag-ahit at mataas ang tsansa na masugatan ang sarili.

Mahigpit na hilahin ang balat, at huwag maglagay nang sobrang diin

Sa pag-aahit, subukan na hilahin nang mahigpit ang iyong balat. Makatutulong ito sa razor na gupitin ang buhok nang malambot at iwasan na masugatan ang balat. Gayundin, iwasan ang paglalagay nang sobrang diin dahil maaaring aksidente kang masugatan sa razor kung didiinan ang pagpisil.

Hugasan ito ng mainit na tubig

Kung ikaw ay tapos na, gumamit ng mainit na tubig upang banlawan ang buhok at ang shaving cream.

Gumamit ng lotion o cream pagkatapos

Sa huli, kailangan mong maglagay ng lotion o cream na para lamang sa ari. Makatutulong ito sa pagkawala ng iritasyon matapos ang pag-ahit.

Mahalagang Tandaan

Mahalaga na tandaan na ang pag-ahit sa pubic hair ay hindi mandatoryo, lalo na kung hindi mo ito gusto. Ayos lamang kung ikaw ay mayroong pubic hair. Hangga’t pinananatili mo ang maayos na hygiene, wala kang magiging problema.

Bagaman, kung nais mo na ahitin o bawasan ang pubic hair, mahalaga na maging malay sa mga mga banta, at alamin kung paano ito gawin nang tama.

Matuto ng higit pa tungkol sa kalusugan ng balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Pubic hair removal: Are there benefits? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/pubic-hair-removal/faq-20455693, Accessed January 4, 2021
  2. Removing Pubic Hair | Center for Young Women’s Health, https://youngwomenshealth.org/2013/08/22/removing-pubic-hair/, Accessed January 4, 2021
  3. Pubic Hair Removal: Shaving | Sutter Health, https://www.sutterhealth.org/health/teens/skin-grooming/pubic-hair-removal-shaving, Accessed January 4, 2021
  4. THE GROOMED GROIN, https://hnhu.org/wp-content/uploads/Sexual_Connection_Fall_20131.pdf, Accessed January 4, 2021
  5. Why does it hurt after I shave my pubic hair? Why does it grow so fast?, https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/why-does-it-hurt-after-i-shave-my-pubic-hair-why-does-it-grow-so-fast, Accessed January 4, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement