Maraming mga tao ang nahihirapan sa pagkakaroon ng oily skin. Habang ang ilang mga tao ay naniniwala na ang pagkain ay may kinalaman dito, sa katotohanan ito ay may kinalaman sa genetics at pagbabago ng hormones sa katawan. Kung ang pag-uusapan ay ang pag-aalaga sa oily skin, ang pag-alam kung paano gagawin ay makatutulong sa pag-alam paano pangangalagaan ang iyong balat.
Pag-Aalaga Sa Oily Skin: 5 Bagay Na Kailangan Mong Iwasan
Ang pag-aalaga sa oily skin ay hindi mahirap, ngunit kailangan mo mas alalahanin ang mga tiyak na bagay upang makasiguro na ang iyong balat ay mananatiling malusog.
Narito ang 5 bagay na dapat mong iwasan kung ikaw ay may oily skin.
1. Oil-Based Moisturizers
Ang mga moisturizer ay mainam upang mapanatili ang balat na malambot at tulad ng sinasabi ng pangalan, moisturized. Maging ang iba na may oily skin ay kailangan na gumamit ng moisturizers dahil nakatutulong ito sa balat na iwasan ang pagiging dry.
Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang oil-based moisturizers dahil mas nagpapalala ito sa balat. Manatili sa water-based moisturizers; mga produkto na may aloe vera o partikular na ginawa para sa acne-prone skin ay kadalasan na walang oils.
Ang mga produkto na ito ay mas magaan sa pakiramdam kaya’t hindi mo mararamdaman ang greasy o oily na pakiramdam sa paggamit nito.
2. Astringents
Ang astringents ay mabisa sa paglinis ng balat, pagtanggal ng oil, at ang ilan ay maaaring makatulong upang higpitan ang pores. Dahil nagtatanggal ito ng oil, maaaring nais mong subukang gumamit ng astringents kung ikaw ay may oily skin. Gayunpaman, ito ay hindi dapat gamitin.
Ang rason nito ay ang astringents ay maaaring magpa-dry ng iyong balat. Ito ay maaaring maging sanhi ng iritasyon, breakouts, at mas magdudulot sa iyong balat na mag-produce ng maraming oil. Kung pag-uusapan ang pag-aalaga sa oily skin, kailangan mong iwasan ang astringent.
3. Pagkuskos Sa Balat
Ang ilang mga tao ay kinukuskos ang balat upang matanggal ang oils. Bagaman nakatutulong ito sa pagtanggal ng oil, ito rin ay nakapagpapairita sa iyong balat at maaaring mag-trigger ng breakouts, na ang taong may oily skin ay prone na magkaroon.
Sa paghilamos ng iyong mukha, kailangan mong maging marahan, at gumamit ng malinis na tuwalya upang punasan ito.
4. Matapang Na Sabon At Cleansers
Ang matapang na sabon at cleansers ay maaaring sobrang magpa-dry ng balat at magiging sanhi na mag-produce ng mas maraming oil. Ibig sabihin na hindi mainam ito sa pag-aalaga ng oily skin.
Hangga’t maaari, gumamit lamang ng sabon o cleansers na mild, o nakasisiguro ka na ang iyong balat ay hindi manunuyo. Ang paghilamos ng iyong mukha gamit ang mild na sabon ay sapat na upang malinis ang mukha; hindi mo na kailangan gumamit ng cleansers o ibang produkto dahil ang mga ito ay mas magpapalala pa ng kalagayan.
Kung ikaw ay may tigyawat, ang paghilamos sa iyong mukha gamit ang matapang na sabon ay magpapalala nito.
Magandang ideya rin na bumisita sa iyong dermatologist at tanungin sila para sa rekomendasyon ng mga produktong ito. Maaaring bigyan ka rin nila ng magandang payo kung ano ang maaaring bilhin at iwasan.
5. Sobrang Paghilamos Ng Mukha
Ang paghilamos ng mukha ay nagtatanggal ng oils, ngunit ang sobrang pagsasagawa nito ay nakasasama sa iyong balat. Ito ay sa kadahilanan na kung huhugasan mo ang protective layer ng oil sa iyong balat, mas magiging prone ito sa panunuyo. Ang dry na balat ay mas nagpo-produce ng oil. At dahil dito, magkakaroon ka ng dry at oily skin, na hindi magandang kombinasyon.
Kailangan mo lang na hugasan ang iyong mukha ng isa o dalawang beses kada araw upang masiguro na ito ay malinis.
Key Takeaways
Mahalaga na malaman ang mga bagay na dapat iwasan sa pag-aalaga ng oily skin. Ito ay makatutulong na maiwasan ang breakouts at iritasyon sa balat. Sa pagsunod ng tips sa itaas, makasisiguro ka na ang iyong balat ay magiging malinis at malusog.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.
[embed-health-tool-bmi]