Ang ibang mga tao, partikular na ang kababaihan ay hindi komportable na magsuot ng short pants at skirts kung mayroon silang mahaba at makapal na buhok sa binti. At habang ang shaving, waxing, at depilatory creams ay nagiging mabisang solusyon sa kung paano tanggalin ang buhok sa binti, mayroon din silang negatibong aspekto.
Ang pagshe-shave ay nagreresulta sa chicken skin, masakit ang waxing, at ang mga buhok ay mabilis ma tutubo sa creams. Syempre, huwag nating kalimutan na kailangan natin itong gawin ito nang regular. Gayunpaman, hindi nakagugulat sa mga tao na humanap ng mga paraan upang permanenteng matanggal ang mga buhok sa binti.
Paano Tanggalin Ang Buhok Sa Binti Nang Permanente?
Bago ang lahat, linawin muna natin na ang terminong “permanente” ay hindi nangangahulugan na hindi na tutubo ang buhok habang-buhay. Sa isang banda, ikaw ay magkakaroon ng binti na walang buhok sa loob ng mga buwan o mga taon. Ang magandang balita ay kung tumubo na muli ang buhok ito ay tipikal na finer at lighter ang kulay.
Hindi na natin ito patatagalin, nasa ibaba ang dalawang paraan kung paano tanggalin ang buhok sa binti at iba pang parte ng katawan.
Laser Hair Removal
Paano tanggalin ang buhok sa binti gamit ang laser hair removal? Gumagamit ang paraan na ito ng laser upang mag-produce ng init na nakapipinsala sa hair follicles. Ang pinsala ay nagpapatigil o nagpapatagal ng pagtubo ng buhok.
Ang laser hair removal ay pupwedeng gawin sa lahat ng uri ng buhok, ngunit mas akma ito sa mga taong may fair complexion at maitim na buhok.
Tandaan, sa mas magandang resulta, kailangan mo ng maraming session (6 kadalasan). Gayundin, ang mga posibleng side effects tulad ng pagsusugat, pagbabago ng texture ng balat, pagkakaroon ng peklat, ay naroon pa rin. Para sa ganitong dahilan, kailangan mong takpan ang apektadong bahagi at ilayo ito sa araw hanggang sa maghilom.
Para sa presyo, kailangan mong gumastos ng P2,500 hanggang P5,000 kada session.
Electrolysis
Isa pang paraan upang permanenteng tanggalin ang buhok ay sa pamamagitan ng electrolysis.
Ang ganitong paraan ay kapareho ng laser hair removal dahil pinipinsala rin nito ang hair follicles. Ang pagkakaiba ay ang electrolytes ay nagbibigay ng shortwave radio frequencies gamit ang manipis na karayom na nilagay direkta sa follicles.
Sinasabi ng mga eksperto na mas epektibo ang electrolysis sa permanenteng pagtanggal ng buhok kaysa sa laser hair removal. Gayunpaman, kinakailangan sumailalim sa maraming session upang makita ang pinakamagandang resulta.
Ang electrolysis ay walang negatibong aspekto. Gayunpaman, may ilang mga tao na nag-ulat na nakaramdam sila ng sakit kada session. Karagdagan, ang mga taong may dark complexion ay maaaring magkaroon ng keloid scars.
Tandaan
Bago pumili ng mas mainam na paraan upang solusyonan kung paano tanggalin ang buhok sa binti, ikonsidera muna ang mga sumusunod na tips:
Kumonsulta Sa Board-Certified Na Dermatologist
Mayroon ka na sigurong nais na paraan sa ngayon, ngunit ang pagkonsulta sa isang dermatologist ay maaaring magpabago ng isip mo.
Base sa iyong kutis at kulay ng balat, malalaman sa check-up kung ikaw ba ay magbebenipisyo mula sa laser hair removal o electrolysis, o di kaya ay magkaroon ka ng mas magandang resulta sa tradisyonal na paraan na waxing at shaving. Kung nasuri ng doktor na ang pamamaraan na gagamitin ay mas makakapinsala sa iyong balat, hindi nila ito irerekomenda.
Pumunta Sa Mga Rehistradong Klinika
Huwag sumailalim sa laser hair removal treatment o electrolysis sa bahay ng kung sino o sa isang lugar na walang rehistrasyon.
Ang kahit na anong pamamaraan ay kailangan na gawin ng isang practitioner. Ang pagpayag sa isang hindi bihasang tao upang magsagawa ng dermatological na gawain ay mapanganib.
Halimbawa, kung ang isang taong hindi bihasa ay magsagawa ng electrolysis, ang kliyente ay maaaring magkaroon ng burns at scarring. Dagdag pa, ang electrolysis ay kinakailangan na ma-sterilize. Kung hindi, ang pamamaraan ay maaaring magresulta sa impeksyon ng balat o dugo.
Mag-Ingat Sa Mga At-Home Laser Kit
Habang naghahanap ng paraan kung paano tanggalin ang buhok sa binti, maaari mong makita ang at-home laser kits. Ang ilang mga kagamitan ay kinakailangang rehistrado mula sa FDA, ngunit maaari mo itong gamitin nang maingat.
Una sa lahat, mahirap pumili ng kagamitan na gagamitin na mainam para sa iyo. Pangalawa, kung walang maayos na kasanayan, maaaring hindi mo rin makita ang resulta na nais mo.
Ang pinakamainam na gawin ay kumonsulta sa dermatologist tungkol sa produkto at magpaturo sa kanila paano ito gamitin.
Key Takeaways
Dalawang paraan kung paano tanggalin ang buhok sa binti ay electrolysis at laser treatment. Kumonsulta sa iyong dermatologist kung anong pamamaraan ang pinakamainam para sa iyo.
Alamin ang marami pang Pangangalaga sa Balat at Paglilinis nito, dito.
[embed-health-tool-bmr]