Ang malalaking pores sa mukha ay maaaring makabawas ng kalusugan ng balat at mapabilis ang pagtanda. Maaari silang maging kontribusyon sa pagpapaunlad ng mga problema sa balat, tulad ng acne at blackheads sa mga taong may oily skin. Siyempre, ang may malalaking facial pores ay nagmumukhang hindi makinis ang balat. Mayroon bang ligtas at natural na paraan upang paliitin ang pores na magagawa sa loob ng bahay?
Sa artikulong ito, inilista namin ang mga simpleng hakbang kung paano paliitin ang pores sa natural na paraan.
Mga Sanhi ng Malaking Facial Pores
Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga hakbang kung paano paliitin ang pores nang natural, nangangahulugan din na kailangan nating pag-usapan ang mga posibleng sanhi ng malalaking facial pores. Ang mga potensyal na dahilan sa likod ng mga malalaking pores ay ang sumusunod:
- Matagal na pagkakalantad sa araw: Ito ay maaaring maging sanhi ng malaking pores dahil ang araw ay sumisira ng collagen sa balat, na nawawala ang elastisidad nito
- Edad: Habang ikaw ay nagkakaedad, nawawala ang elastisidad nito na nagiging sanhi ng paglaki ng pores
- Henetika: Sa ilang mga kaso, ang malalaking mga pores ay namamana.
- Labis ang pagka-oily ng balat: Karaniwan, ang balat ay naglalabas ng langis sa pamamagitan ng mga pores, at pagkatapos ay kumakalat ito nang pantay-pantay sa mukha, ilong at pisngi. Gayunpaman, kung ang mga sebaceous gland ay gumagawa ng masyadong maraming langis at ito ay nahahalo sa iba pang mga dumi, tulad ng mga patay na selula ng balat, dumi, at pawis, ang pores ay barado. Ang mga baradong pores ay nagiging dahilan para mahirapan ang langis na kumalat nang pantay-pantay sa ibabaw ng balat. Dahil ang langis ay “nananatili” sa mga pores, maaari itong maging malaki.
Kaya, paano paano paliitin ang pores nang natural?
4 na Paraan Upang Mapaliit ang Pores ng Natural
Nasa ibaba ang ilang mungkahi para natural na mapaliit ang pores.
1. Mag-exfoliate Gamit ang Sugar Scrub
Ang isang mabisang paraan para natural na mapaliit ang pores ay ang regular na pag-exfoliate¹. Ang exfoliation ay nag-aalis ng labis na oil, dumi, at iba pang dumi na maaaring makabara at magpalaki ng pores.
Kung naghahanap ka ng magandang exfoliator, isaalang-alang ang granulated sugar na hinaluan ng langis ng niyog (coconut oil). Ayon sa mga ulat ang asukal ay isa sa mga natural at pinakamahusay na sangkap ng pampaganda upang exfoliate ang iyong balat².
Kung hindi sigurado kung paano mag-exfoliate nang tama o kung ano ang iba pang mga produkto na gagamitin? Makipag-ugnayan sa isang dermatologist. Anuman ang produkto na pipiliin mo, tandaan na maging maingat sa iyong balat.
2. Isaalang-alang ang Apple Cider Vinegar Bilang Toner
Alam mo ba na ang ACV ay maaaring kumilos bilang isang astringent? Nangangahulugan ito na makatutulong ito sa pag-alis ng mga natitirang dumi na maaaring makabara sa pores. Ang mga astringent ay kilala rin na humihigpit sa balat, na ginagawang isang mahusay na sangkap ang ACV upang natural na mabawasan ang pores.
Bukod dito, sinasabi ng mga ulat na ang apple cider vinegar ay maaaring may mga katangian ng antibacterial, na nangangahulugang makatutulong itong protektahan ang iyong balat mula sa acne³. Tandaan na ang acne ay maaaring makabara sa iyong pores, na nagiging dahilan ng paglaki nito.
Narito kung paano mo magagamit ang apple cider vinegar para sa balat
- Paghaluin ang 1 bahagi ng apple cider vinegar at dalawang bahagi ng purified water.
- Ibabad ang cotton ball sa pinaghalong apple cider vinegar at dahan-dahang ipahid sa malalaking pores sa mukha, pagkatapos ay maghintay ng ilang minuto bago banlawan ng malamig na tubig.
- Gawin ito tuwing gabi pagkatapos linisin ang iyong mukha para sa pinaka magandang resulta, at huwag kalimutang samahan ng moisturizer.
3. Kumain ng mga kamatis
Maraming tao ang naniniwala na ang pagkain ng mga kamatis ay maaaring makatulong sa pagkamit ng isang makinis na kutis. Ngunit, ito ba ay isang mahusay na sangkap upang paliitin ang pores nang natural?
Gaya ng nabanggit kanina, ang araw ay isa sa mga posibleng dahilan ng paglaki ng pores. Ngayon, alam mo ba na mayroong isang pag-aaral na nagpapahiwatig na ang pagkonsumo ng mga kamatis o mga produktong mayaman sa lycopene sa loob ng 10 hanggang 12 na linggo ay nakakabawas ng sensitivity sa UV radiation?
Ang mga kamatis ay maaaring hindi kapalit ng sunscreen, ngunit maaari itong makatulong na mabawasan ang panganib ng pagkasira na dulot ng pabilad sa araw⁴.
4. Mag-apply ng isang clay mask
Ayon sa mga ulat, ang mga clay mask ay maaaring mag-absorb (at samakatuwid ay mapuksa) ng labis na sebum at iba pang mga impurities. Dahil dito, maaaring makatulong na maiwasan ang acne, na maaaring makaapekto sa hitsura ng pores.
Kung gusto mong gumamit ng clay mask, pinakamahusay na makipag-usap muna sa iyong dermatologist, lalo na kung ikaw ay may sensitibong balat. Gayundin, huwag kalimutang sundin ang mga tagubilin sa pakete kapag nag-aaplay ng mask. Sa pangkalahatan, hinahalo mo ang abo sa tubig upang lumikha ng isang paste, ilagay ito sa mukha bilang mask, hintayin itong tumigas, at pagkatapos ay banlawan.
Mga Karagdagang Tip Upang Mapaliit ang Pores nang Natural
Bukod sa paglalagay (o pagkonsumo) ng mga natural na sangkap para higpitan ang pores, narito ang ilang karagdagang tip para maiwasan ang malalaking pores sa mukha, ilong, pisngi at baba:
- Iwasan ang mga produkto sa balat na makababara sa pores o maging overactive ang sebaceous glands, tulad ng mga may emollient na sangkap (thick lotion, cream, moisturizer, atbp.). Ito ay lalong mahalaga kapag ikaw ay may oily skin.
- Linisin ang iyong mukha dalawang beses araw-araw, gamit ang isang banayad na panlinis (gentle cleanser) at maligamgam na tubig.
- Iwasan ang mga produktong may mga sangkap na nagpapatuyo o nakakairita sa balat, dahil ang mga produktong ito ay magdudulot ng mas maraming langis sa balat at pores.
- Lumipat sa mga likidong panlinis sa mukha dahil ang mga sabon na bar ay maaaring naglalaman ng mga sangkap na bumabara sa pores.
- Mag-apply ng sunscreen araw-araw.
- Gumamit lamang ng mga produktong panghugas sa mukha na nalulusaw sa tubig.
- Gumamit ng mga water-based na facial moisturizer (hindi oil-based). Ang moisturizing ay isang delikadong hakbang dahil ang tuyong balat ay may posibilidad na makagawa ng mas maraming langis, na humahantong sa mga baradong pores at mga breakout.
- Alagaang mabuti ang iyong mga gamit sa pampaganda at tandaan na tanggalin ang iyong makeup sa gabi. Hindi ka dapat magsuot ng masyadong maraming makeup para matakpan ang mga dark spot o kahit malalaking pores dahil maaari itong magpalala ng mga problema sa balat.
- Problema sa acne? Kumonsulta sa isang dermatologist para sa paggamot.
Ang nasa itaas ay mahusay na mga pagpipilian upang mapaliit ang pores nang natural. Ang mga natural na remedyo na ito ay makatutulong na alisin ang bara sa pores, malinis ang balat, at makontrol ang acne. Gayunpaman, tandaan na ilapat ang lahat ng mga produkto nang may pag-iingat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng patch test muna.