backup og meta

Paano Mag-Test Ng Skin Care Products Sa Balat?

Paano Mag-Test Ng Skin Care Products Sa Balat?

Paano mag-test ng skin care products sa balat upang malaman mo kung naaayon ito sa skin type mo? Sa napakaraming skin care products na available ngayon ay mahirap malaman kung aling mga produkto ang pipiliin mo. Mahalaga ang pag-unawa sa iyong skin type sa pagpili ng produkto na babagay sa iyo. Ngunit posible pa rin na mapunta ka sa isang produkto na nakakairita sa iyong balat. Minsan, ang isang sangkap sa skin care product, tulad ng preservative, ay maaaring mag-trigger ng allergic contact dermatitis. Maaari itong maging sanhi ng pamumula, pangangati, at pamamaga ng iyong balat.

Sa kabutihang palad, maaaring maiwasan ang ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pag test ng konting produkto sa iyong balat. Ang pagsubok sa mga skin care product sa ilang maliliit na bahagi ng iyong balat muna ay makakatulong upang malaman kung makakaranas ka ng negatibong reaksyon sa balat.

Mga kemikal na ginagamit sa skin care products

Mahalagang alam mo kung paano mag-test ng skin care products sa balat.  Sa karaniwan, ang mga kababaihan ay gumagamit ng 12 personal na produkto ng pangangalaga araw-araw. Ito ay umaabot sa humigit-kumulang 168 na sangkap ng kemikal ayon sa Environmental Working Group.

Nakakatuwa ang mag-shopping ng mga skin care products at gamitin ito sa iyong balat. Subalit, huli na ang pagsisisi kapag nasubukan mo ang isang produkto na hindi sumasang-ayon sa iyong balat. Maaari itong magdulot ng mapula, makati at nairitang balat. Ang masaklap ay kung mag-iwan ito ng peklat sa iyong balat. 

Kung mapapansin mo na ang iyong balat ay nakakaranas ng hindi maipaliwanag na pangangati pagkatapos gumamit ng bagong skincare product, maaaring ang sangkap nito ang may sala. Ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda ng mga eksperto at maging ng mga skin care brands ang isang patch test bago ka magdagdag ng bagong formula sa iyong regimen.

Patch test: And paraan kung paano mag-test ng skin care products sa balat

Ang isang patch test ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang produkto o sangkap sa isang maliit na bahagi ng balat. Pagkatapos ay oobserbahan mo ang reaksyon ng iyong balat dito. Ang patch-testing sa mga produkto ay makakatulong sa iyong matukoy kung ano ang posibleng reaksyon ng iyong balat dito. Importante ang patch testing lalo na kung gagamitin mo ang product sa iyong mukha o sa mas malaking parte ng iyong katawan.

Ayon kay Dr. Joshua Zeichner, ang director ng cosmetic at clinical research sa Mount Sinai Hospital sa New York City, maaaring may banayad na reaksyon ang balat sa isang produkto.

Maaaring ito ay isang maliit na pamumula lamang. Ang mas matinding epekto ay maaari kang magkaroon ng kaliskis at makati na pantal na maaaring mangailangan ng paggamot.

Mga hakbang kung paano mag-test ng skin care products sa balat

Nakakabagot mang mag patch test ng skin care product, dapat mo pa rin itong gawin bago subukan ang mga bagong formula. Maaari itong maglaman ng mga aktibong sangkap tulad ng exfoliating acid, Vitamin C at retinol, mga potensyal na nakakairitang sangkap. Pinakamabuting kasanayan na i-patch test ang lahat ng mga produkto na gagamitin mo. Narito ang simpleng paraan ng pag-patch test:

  • Linisin ang bahagi ng balat kung saan mo ilalagay ang produkto gamit ang iyong karaniwang panlinis at patuyuin ito.
  • Ilapat ang produkto sa isang lugar ng balat dalawang beses araw-araw sa loob ng pito hanggang 10 araw. 
  • Pumili ng isang maliit na lugar sa iyong balat kung saan ang produkto ay hindi matatanggal tulad ng ilalim ng iyong braso o ang baluktot ng iyong siko. 
  • Gamitin ang normal na dami at kapal na iyong gagamitin na parang regular mong inilalapat ang produkto.
  • Subaybayan ang bahaging ito ng balat sa loob ng 24 na oras
  • Kung mapapansin mo ang anumang senyales ng masamang reaksyon tulad ng pamumula, pangangati, o pangangati ay hugasan agad ang lugar at huwag nang gamitin ang skincare product. 

Para sa iyong skincare concerns, huwag mag-atubiling kumunsulta sa isang dermatologist.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to test skincare products

https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/prevent-skin-problems/test-skin-care-products

What does dermatologist-tested mean

https://www.brightondermatology.com.au/what-dermatologist-tested-mean/#:~:text=One%20of%20the%20most%20common,followed%20by%20a%20rest%20period.

How to perform a patch test

https://www.medicalnewstoday.com/articles/patch-test-skincare#performing-a-patch-test

Testng and diagnosis

https://acaai.org/allergies/testing-diagnosis/

What is the site for skin testing

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22794675/#:~:text=Sites%20of%20skin%20testing%20include,of%20the%20skin%20test%20reaction.

 

Kasalukuyang Version

06/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement