backup og meta

Paano Alagaan ang Piercing? Heto ang Dapat Mong Malaman

Paano Alagaan ang Piercing? Heto ang Dapat Mong Malaman

Bukod sa butas ng ilong at pusod, ang tainga ang pinakaligtas at kilalang bahagi ng katawan na puwedeng lagyan ng hikaw (piercing). Naghihilom nang mabuti ang laman (flesh) ng tainga kapag palagi itong nililinis sa tamang anggulo. Sa kabilang banda, mabilis naghihilom ang butas ng ilong dahil ginagawa ang piercing sa cartilage at kaunti lang kung magdugo. Paano alagaan ang piercing?

Bagaman karaniwang mas masakit ang piercing, mas mababa ang panganib ng impeksyon at gumagaling kapag ang bagong butas na bahagi ay palaging malinis at hindi madalas hinahawakan. Ang kilay at iba pang bahagi ng tainga, kasama na ang conch, tragus, at ang cartilage ng itaas na bahagi ng tainga ay ligtas sa piercing. Ang utong ay karaniwan ding lugar kung saan nagpi-piercing. 

Ano ang mga panganib ng piercing?

Anumang piercing ay may potensyal na mga problema, tulad ng

  • Masamang response. Ang ilang alahas, lalo na ang gawa sa nickel, ay nagreresulta sa mga allergic reaction
  • Mga problema sa oral health, lalo na kung sa dila nagpa-piercing
  • Iritasyon sa balat
  • Sakit sa dugo dulot ng hindi maayos at hindi malinis na paghawak ng mga gamit
  • Sugat o pinsala

Paano alagaan ang Piercing?

Sinusugatan ang iyong katawan ng pagpapa-piercing. Kaya’t napakahalagang alagaan ito habang pinagagaling. Ang pinakamahalagang hakbang sa prosesong ito ay ang pag-iwas sa impeksyon dahil kapag naimpeksyon ang sariwang sugat, maaaring gumaling ang balat habang may impeksyon sa loob at magdulot ng mga seryosong problema.

Bagaman may panganib ng impeksyon, lalo na sa piercing sa pusod, ilong, at tainga, lumiliit ang tsansang maimpeksyon ito kung may sapat na pag-aalaga. 

Posibleng mamaga ang lugar kung saan may piercing kapag ipinagsawalang bahala ang mga hakbang sa pag-aalaga nito. Posible ring makaranas ka ng mas seryosong mga epekto, tulad ng pagkakaroon ng nana sa apektadong lugar, tumitigas ang paligid na balat, at walang tigil na pagdurugo.

Linisin ang harap at likod ng lugar kung saan nag-piercing, tatlong beses sa isang araw, gamit ang cotton swab. Dagdag pa, habang nililinis, ikutin ang hikaw upang maiwasang dumikit ang hikaw sa tainga.

Magpa-piercing sa mga propersyonal

Gumagamit ang mga professional piercer ng karayom. Isang beses lang ito nagagamit na may triangular na dulo na hugis razor. Idinisenyo ang mga karayom na ito upang makagawa ng wastong butas para sa hikaw nang hindi natatanggal ang anumang extraneous tissue. 

Tiyaking magpapa-piercing sa kuwalipikadong propesyonal upang magsagawa nito at huwag kalimutang alagaan ang bago mong piercing.

Ano ang dapat kong sabihin sa piercer bago isagawa ang pagpapabutas?

Maaaring maapektuhan ng magkakaibang salik ang iyong immune system at kapasidad na labanan ang mga sakit. Sabihin sa tanong magpi-pierce sa iyo kung gumagamit ka ng blood thinners, steroids, may diabetes ka, may problema sa puso, nakakompromiso ang immune system, o may iba pang sakit. Kung meron kang sakit o kondisyon, kumonsulta rin sa doktor bago ka magpa-piercing.

Key Takeaways

Ang pinakakaraniwang lugar kung saan ka pwedeng magpa-piercing ay sa tainga, ilong, dila, at pusod. Kung gusto mong magpa-piercing, humanap ka ng kuwalipikadong propesyonal. Matapos magpa-piercing, normal lang na medyo mamaga ito at lumambot. Minsan pa nga, dudugo pa ito. Upang matiyak ang agarang paggaling, linisin ito tatlong beses sa isang araw gamit ang sabon at tubig.

Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Body piercing, https://familydoctor.org/body-piercing/, Accessed September 21, 2022

Piercings: How to prevent complications, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/piercings/art-20047317, Accessed September 21, 2022

Infected ear piercing, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21503-infected-ear-piercing, Accessed September 21, 2022

What to expect when getting your ears pierced, https://health.clevelandclinic.org/what-to-expect-when-getting-your-ears-pierced/, Accessed September 21, 2022

Safe piercing, https://safepiercing.org/wp-content/uploads/2020/05/APP_Body-Aftercare_2021-edit-1.pdf, Accessed September 21, 2022

Kasalukuyang Version

10/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement