backup og meta

Paano Alagaan ang Balat sa Tamang Paraan?

Paano Alagaan ang Balat sa Tamang Paraan?

Sa mga nagdaang taon, ang mga tao ay mas naging aware sa kahalagahan sa kung paano alagaan ang balat. Bilang pinakalabas na layer ng katawan, ang balat ay nakalantad sa mga nakakapinsalang elemento tulad ng bakterya, insekto, at friction mula sa hangin at mga kasuotan.

Ang balat ay itinuturing din na pinakamalaking organ ng katawan, at gumaganap ito ng ilang mga tungkulin bukod sa pagprotekta sa katawan mula sa foreign objects. Bukod pa rito, maraming tao ang nagkakaroon ng higit na tiwala sa sarili kapag malusog ang kanilang balat.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang pangangalaga sa balat ay naging napakapopular ngayon. Narito ang ilan sa aming pinakamahusay na mga tip kung paano alagaan ang balat at paglilinis.

Ang Iba’t ibang Uri ng Balat

Para maunawaan ang iba’t ibang uri ng balat, mahalagang kilalanin ang mga layer ng balat. Ang pinakalabas na layer ay tinatawag na “epidermis,” at ito ang responsable para sa paggawa ng mga bagong selula (cell) ng balat at shedding ng mga mas luma.

Sa ilalim ng epidermis, ang dermis ay nagtataglay ng mga daluyan ng dugo at sebaceous glands. Ang sebaceous glands ay isang kapansin-pansing bahagi ng dermis, dahil ang mga glands na ito ay gumagawa ng sebum, na gumaganap ng mahahalagang tungkulin tulad ng pagpapanatiling moisturize ng balat at pagpigil sa mga nakakapinsalang bakterya na tumagos sa mas malalim na mga layer ng balat. Gayunpaman, ang sobrang produksyon ng sebum ay maaaring humantong sa mamantika na balat o acne. Kapag barado ang sebaceous glands, maaari silang bumuo ng mga pesky blackheads o whiteheads na maaaring ma-infect at magdulot ng pimples o cystic acne.

Ang pinakamalalim na layer ng balat ay tinatawag na subcutaneous layer na pangunahing binubuo ng fat at hair follicles. Ito ang layer ng balat na may pananagutan sa pagpapanatiling mainit o pagprotekta sa katawan mula sa malubhang pinsala na resulta mula sa pagkahulog o trauma.

Ang pagtukoy sa uri ng iyong balat, at kung ano ang kailangan ng iyong balat ay ang unang hakbang sa pagbuo ng isang epektibong gawain sa kung paano alagaan ang balat. Sa pangkalahatan, mayroong 4 na uri ng balat na:

Normal Skin

Ang uri ng balat na ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng malusog na balat. Ang mga taong may normal na uri ng balat ay blemish-free skin na hindi masyadong mamantika ngunit hindi rin masyadong tuyo.

Dry Skin

Kapag ang balat ay hindi gumagawa ng sapat na sebum, ang balat sa mukha, braso, o iba pang bahagi ng katawan ay maaaring maging dull at magaspang. Ang tuyong balat ay maaaring maging sanhi ng mga sebaceous gland na gumawa ng masyadong maraming sebum at humantong sa acne.

Oily Skin

Ang isang taong may mamantika na balat ay maaaring magkaroon ng mga pores na masyadong nakikita, o mukhang may makintab na balat. Ang madulas na balat ay sanhi ng labis na produksyon ng sebum, at ito’y maaaring mas madaling kapitan ng mga blemishes tulad ng acne at comedones.

Combination Skin

Kung ang isang tao ay oily lamang sa baba, noo, at ilong (T-zone) ngunit tuyo sa ibang mga lugar, mayroon silang tinatawag na combination skin.

Paano alagaan ang Balat: Mga Pangunahing Dapat at Hindi Dapat gawin

Maaaring mukhang nakatatakot pumunta sa mundo ng pangangalaga ng balat, lalo na sa trendy 10-step routines na makikita sa social media. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay hindi kailangang magsabon ng 10 produkto para magkaroon ng malusog na balat. In skin care, less is actually more. Narito ang ilang kapaki-pakinabang na tip kung paano alagaan ang balat at paglilinis.

Cleanse, tone, at moisturize

Bagama’t ang 10-step na skin care routine ay maaaring makatulong, 3 hakbang lang ang kailangan mo para masigurado na maayos mong nililinis at na-hydrate ang balat. Laging tandaan na maglinis, maglagay ng toner, at moisturize.

Always patch test

Bago magdagdag ng bagong produkto sa iyong routine, napakahalagang magsagawa ng patch test. Ito’y isang proseso kung saan naglalagay ka lamang ng bagong produkto sa isang bahagi ng iyong balat. Sinisigurado nito na magagawa mong i-isolate ang anumang mga iritasyon na maaaring mangyari sa isang maliit na bahagi lamang ng balat.

Matutong magbasa ng ingredient lists

Kung hindi ka sigurado kung ang isang partikular na produkto ay angkop o hindi para sa’yong balat, tingnan ang ingredient lists. Ang mga sangkap na dapat tingnan ay kinabibilangan ng fragrance, alkohol, menthol, at essential oils.

Huwag kailanman magtipid sa sunscreen

Ang pinsala mula sa araw ay maaaring makairita sa balat at mapabilis ang proseso ng pagtanda. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang laging gumamit ng sunscreen anuman ang uri ng iyong balat. Ang pinakamahusay na mga tip para sa kung paano alagaan ang balat at paglilinis ay karaniwang may kasamang ilang panlaban sa malupit na ultraviolet (UV) rays, kaya siguraduhing palaging gumamit ng sunscreen.

Iwasan ang over-exfoliation

Sa lahat ng physical scrubs na nasa merkado ngayon, maaari itong maging kaakit-akit na isama sa’yong routine. Gayunpaman, ang physical scrubs ay maaaring makagawa ng higit na pinsala kaysa sa mabuti. Maaaring lumambot ang balat pagkatapos gamitin, ngunit ang mga physical exfoliator ay maaaring maging dahilan ng microtears sa balat. Mas magandang kumunsulta sa iyong dermatologist bago gumamit ng chemical exfoliators.

Skin Care para sa Dry Skin

Maraming tao ang nagdurusa sa tuyong balat sa ibang bahagi ng kanilang katawan. Nasa ibaba ang pinakamahusay na mga tip para sa kung paano alagaan ang balat at paglilinis ng tuyong balat:

Maglagay ng lotion pagkatapos maligo

Mag-moisturize pagkatapos maligo habang ang iyong balat ay medyo basa pa. Makatutulong ito na maiwasan ang pagkawala ng anumang karagdagang moisture sa balat. Bukod pa rito, mas mahusay na mag-absorb ng lotion (o serum) ang balat kapag ito ay mamasa-masa.

Basahin ang mga label ng lotion

Gumamit ng mga moisturizer na naglalaman ng mga humectant gaya ng hyaluronic acid o ceramides, dahil ang mga sangkap na ito ay nag-aattract ng moisture mula sa kapaligiran para ma-hydrate ang balat.

Iiskip ang mabangong lotion

Iwasan ang anumang mga produkto na may labis na bango, dahil ang mga ito ay maaaring makairita sa balat.

Skin Care para sa Oily Skin

Ang mga taong may oily skin ay karaniwang kailangang harapin ang mga kondisyon tulad ng acne. Gayunpaman, ang pagma-manage sa mamantika na balat ay hindi dapat tungkol sa ganap na pagtanggal sa balat ng lahat ng natural oil nito. Kung mayroon kang mamantika na balat, siguraduhing isama ang mga tip na ito sa’yong gawain sa pangangalaga sa balat:

Huwag iiskip ang moisturizer

Kahit na ang iyong balat ay gumagawa ng labis na oil o sebum, hindi ito nangangahulugan na ito ay hydrated. Ito ang dahilan kung bakit ang moisturizing ay dapat pa ring maging bahagi ng iyong skin care routine kahit na nagdurusa ka sa mamantika na balat. Gayundin, mangyaring tandaan na kapag ang balat ay hindi mahusay na na-hydrated, ito ay gumagawa ng mas maraming sebum o oil para mabayaran.

Kung mayroon kang mamantika na balat, maaaring hindi tugma ang isang oil-based na moisturizer sa’yong balat. Isaalang-alang ang pagpili ng water-based na moisturizer.

Piliin ang tamang cleanser

Ang mga cleanser ay naglalaman ng salicylic acid o benzoyl peroxide na maaaring makatulong sa labis na produksyon ng sebum. Dahil dito, nakatutulong itong gamutin ang acne o iba pang mga blemishes. Pero minsan ay masyadong nagpapatuyo ng iyong balat ang mga ito. Kaya’t gumamit ng isang cleanser na may mga ingredient na ito sa loob ng 1-2 beses lamang sa isang linggo. Maaari kang gumamit ng gentle cleanser para sa mga natitirang araw.

Huwag kalimutan ang tungkol sa blotting paper

Kung nag-aalala ka tungkol sa ningning ng iyong mukha habang nasa publiko ka, maaaring isang opsyon ang blotting paper. Gayunpaman, siguraduhing bumili ng blotting paper na non-comedogenic (hindi haharangin ang iyong mga pores) at fragrance-free.

Konklusyon

Ang pag-aalaga sa iyong balat ay isang malaking bahagi ng pag-aalaga sa’yong sarili. Gayunpaman, ang pangangalaga sa balat ay hindi kailangang maging kumplikado. Para sa pinakamainam na mga resulta, mas magandang kumonsulta sa isang dermatologist.  Ito ay para malaman kung ano talaga ang kailangan ng iyong balat, at mabigyan ka ng tamang payo.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anatomy of the Skin, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomy-of-the-skin-85-P01336, Date Accessed November 18, 2020.

Your Skin (for Kids), https://kidshealth.org/en/kids/skin.html, Date Accessed November 18, 2020.

Sebaceous (Oil) Glands, https://med.libretexts.org/Bookshelves/Anatomy_and_Physiology/Book%3A_Anatomy_and_Physiology_(Boundless)/5%3A_Integumentary_System/5.3%3A__Accessory_Structures_of_the_Skin/5.3B%3A_Sebaceous_(Oil)_Glands#:~:text=Sebaceous%20glands%20are%20the%20oil,cells%2C%20and%20epithelial%20cell%20debris, Date Accessed November 18, 2020.

Dry Skin, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dry-skin/symptoms-causes/syc-20353885, Date Accessed November 18, 2020.

9 ways to banish dry skin, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/9-ways-to-banish-dry-skin, Date Accessed November 18, 2020.

How to control oily skin, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/dry/oily-skin, Date Accessed November 18, 2020.

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement