backup og meta

Mas Mainam Bang Gamitin Ang Natural Deodorant?

Mas Mainam Bang Gamitin Ang Natural Deodorant?

Mas mainam ba ang natural deodorant kung mandalas kang pinagpapawisan? Hindi maikakaila na kapag may pawis ay sumusunod ang amoy sa katawan. At ang kili-kili ang isang parte ng katawan na madaling mangamoy. Ang mabahong kili-kili at mantsa ng pawis ay maaaring makapagpababa ng iyong kumpyansa. Hindi nakapagtataka na hindi kumpleto ang iyong ritwal kapag hindi ka nakapaglagay ng deodorant. At kapag pinag-usapan ang deodorant, kasama ang mahabang listahan ng mga kemikal na mga  sangkap.

Bagama’t madalas na direktang itinutumbas ang pawis sa amoy ng katawan, nakakagulat malaman na ang pawis mismo ay walang amoy. Ang nagdudulot ng masamang amoy ay bacteria. Ang iyong kilikili ay isang mainit at nakakaakit na tahanan para sa ilang mga bakterya na natural na nabubuhay sa iyong balat. Kapag ang pawis mula sa iyong kili-kili ay idinagdag dito, ang mga bakteryang ito ay gagana, magme-metabolize ng pawis at lumilikha ng hindi magandang amoy.

Ano ang mga sangkap ng deodorant at antiperspirant?

Mas mainam ba ang natural deodorant kumpara sa mga gawa sa kemikal? Gumagamit ang mga deodorant ng mga sangkap na nakabatay sa alkohol at antimicrobial agents upang pigilan ang paglaki at pag-iipon ng bakterya. Dahil dito ay hindi masyadong nangangamoy ang iyong kili-kili. Madalas ding naglalaman ang mga ito ng mabangong amoy upang makatulong na itago ang hindi kanaisnais na amoy dulot ng bakterya. Ngunit, ang ilang mga deodorant ay hindi lamang basta deodorant; antiperspirant din ang mga ito.

Ang mga antiperspirant ay may mga sangkap na nakabatay sa aluminum. Pansamantalang hinaharangan nito ang iyong mga pores upang hindi makalabas ang pawis. Dahil dito ay napipigilan ang mga bakterya sa paggawa ng mabahong amoy. Kapag pinagsama ang sangkap ng  antiperspirant at deodorant, ang resulta ay isang mabisang solusyon sa pagbabawas ng pawis at amoy sa kilikili. Ang mga antiperspirant deodorant ay naglalaman din ng iba pang mga sangkap tulad ng:

  • Mga preservatives
  • Mga pabango, na kadalasang gawa ng tao
  • Iba pang mga kemikal na kailangan upang bigyan ng application stick ang kanilang hugis at tulungan ang produkto na dumikit sa iyong balat

Mas mainam ba ang natural deodorant? Dapat ka na bang magpalit?

Ang natural na deodorant ay nagiging popular at patuloy na lumalaki. Maaari mong pag-isipang subukan ang isang natural na deodorant kung gusto mo ng produktong walang aluminum. Ang mga conventional deodorant ay kadalasang naglalaman ng mas matitinding sangkap. Samantalang ang mga natural na deodorant ay karaniwang gumagamit ng mga natural na pabango at mas banayad na sangkap. Hindi hinaharangan ng mga natural na deodorant ang mga sweat glands o binabawasan ang pawis tulad ng ginagawa ng mga antiperspirant. Sa halip, tinutulungan nitong i-neutralize ang mga amoy. Magagawa ito sa isa sa dalawang paraan: 

  • Pagbabawas ng bakterya na responsable sa paggawa ng mga amoy 
  • Pagtatakip sa amoy ng mga amoy na may dagdag na bango

Mga dapat tandaan kapag nag-desisyon ka na mas mainam ba ang natural deodorant

Kung balak mong subukan ang mga natural deodorant dapat tandaan ang sumusunod:

  • Ang natural na deodorant ay makakatulong sa amoy ng kilikili ngunit hindi pawis.
  • Maaaring kailanganin mong maglagay muli ng natural na deodorant pagkatapos mag-ehersisyo o mainit ang panahon.
  • Subaybayan ang iyong balat para sa mga pantal o iba pang iritasyon habang nagsisimula kang gumamit ng bagong deodorant. 
  • Maaaring maging sensitibo ka sa mga sangkap ng natural na deodorant, partikular na ang baking soda.
  • Suriin ang listahan ng sangkap ng natural deodorant upang matiyak na naglalaman lamang ito ng mga produktong inaasahan mo.

May mga benepisyo kung kaya mas mainam ba ang natural deodorant. Ang natural na deodorant ay karaniwang naglalaman ng mga sangkap na angkop para sa sensitibong balat.

Karaniwan ay wala itong mga sangkap na nagdudulot ng pangangati o mga reaksyon, tulad ng parabens at artipisyal na pabango. Maraming natural na deodorant ang walang aluminum na iniugnay ng ilang pananaliksik sa kanser sa suso. Sa madaling salita, hinahayaan ng natural na deodorant na magpawis ka sa paraang natural. Subalit nakakatulong ito na mabawasan ang hindi magandang amoy.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Should you switch to natural deodorant

https://www.houstonmethodist.org/blog/articles/2020/jul/should-you-switch-to-natural-deodorant/#:~:text=Natural%20deodorants%20typically%20contain%20ingredients,as%20much%20as%20you%20think.

Switching to natural deodorant

https://www.grove.co/blog/natural-deodorant-reviews#:~:text=When%20you%20ditch%20the%20standard,take%20up%20to%2030%20days.

Are natural deodorants better for your health

https://www.piedmont.org/living-better/are-natural-deodorants-better-for-your-health

Is deodorant ever safe to wearhttps://www.consumerreports.org/health/personal-care/is-deodorant-safe-for-private-parts-a2905957977/

Antiperspirant safety

https://www.webmd.com/breast-cancer/features/antiperspirant-facts-safety

 

Kasalukuyang Version

06/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement