backup og meta

Maitim na Siko: Ano ang Magandang Solusyon Dito?

Maitim na Siko: Ano ang Magandang Solusyon Dito?

Pangkaraniwan na maging maitim ang siko kaysa sa iba pang bahagi ng balat sa braso. Ang pagkakaroon ng maitim na siko ay hindi masama, ngunit nais itong pumuti ng iba para sa kosmetikong kadahilanan. Ano ang nagsasanhi ng maitim na siko at paano mapapantay ang kulay ng iyong balat sa braso? Ang sagot at ilang mga tips sa pangangalaga balat sa babasahing ito.

Ano ang nagsasanhi ng maitim na siko? 

Ayon sa American Academy of Dermatology Association (AAD), ang maitim na mga patch sa balat o hyperpigmentation ay nangyayari dulot ng sobrang melanin. Ang melanin ang nagbibigay ng kulay sa balat. 

Tandaan na maraming bagay ang maaaring mag-trigger sa labis na produksyon ng melanin. Sa katunayan, ang mga pang-araw-araw na gawain ay maaari ding dahilan. 

Narito ang mga posibleng sanhi ng maitim na siko: 

  • Mga produkto na nakasasama sa balat
  • Pagbabago ng hormones, tulad ng nangyayari kung nagbubuntis
  • Paglalagay o pag-inom ng ilang gamot
  • Pamamaga dulot ng injury o sugat tulad ng mga hiwa at paso (post-inflammatory hyperpigmentation)
  • Kondisyon sa balat, tulad ng tigyawat, eczema, o psoriasis
  • Pagbababad sa araw
  • Mga balat
  • Naipong patay na skin cells 

Bagamat ang mga dahilan ng pagkakaroon ng maitim na siko ay hindi nakasasama, ang hyperpigmentation ay maaaring sintomas ng iba pang kondisyon sa kalusugan na kinakailangan gamutin. 

Case in point: labis na iron (hemochromatosis) at Addison disease (isang hormonal na kondisyon) ay maaaring resulta ng hyperpigmentation. Ang acanthosis nigricans ay maaari ding magpaitim sa balat, at ito ay maaaring senyales ng kondisyon, tulad ng insulin resistance o diabetes.

Pangangalaga sa Balat sa Siko sa Paggamot ng Hyperpigmentation 

Kung ikaw ay mayroong maitim na siko, kailangan mo siguruhin kung kondisyon sa kalusugan ang nagdudulot nito. Halimbawa, kung ikaw ay may eczema o psoriasis, ang paggamot dito ang dapat unahin. Ang parehong paraan ang dapat gawin sa mga kondisyon tulad ng diabetes, hemochromatosis, o Addison disease. 

Kung ito ay gumaling na (matapos komunsulta sa doktor), maaari mong subukan ang mga sumusunod na tips sa pangangalaga upang mapantay ito sa kulay ng balat.

1. Pumili ng banayad na mga produkto 

Ang iyong mga produkto sa pangangalaga ng balat ay maaaring nakaiirita sa balat sa paligid ng siko. Kung kaya, siguruhing pumili ng mga banayad na produkto. Tandaan din na mag-moisturize. Hindi sigurado kung anong produkto ang tama para sa’yo? Huwag mag-atubiling magtanong sa iyong dermatologist. 

2. Exfoliate 

Mula sa nabanggit, ang patay na skin cells ay maaaring magpaitim sa siko. Kung kaya ay  mag-exfoliate ng balat isa o dalawang beses kada linggo. 

Maaari mong gawin gamit ang tela o loofah. Ang sugar scrubs ay mainam ding exfoliating agents. Tandaan na huwag masyadong diinan ang pagkuskos. 

Maaari mo ring tingnan ang mga produktong naglalaman ng exfoliating agents tulad ng glycolic acid, azelaic acid, retinoid, vitamin C, at kojic acid. Mag-ingat sa paggamit ng mga produktong ito dahil sa maaaring pagbabalat o makairita sa balat. Mas mainam kung ang mga produktong gagamitin ay rekomendasyon mula sa dermatologist.

3. Gumamit ng sunscreen 

Maging wala mang maitim na siko ang paggamit ng sunscreen, lalo na kung ang balat ay walang proteksyon at mananatili sa labas ng bahay ay mahalaga. Iminungkahi ng mga eksperto ang pagpili ng mga produkto na may sun protection factor (SPF) na 30.

4. Sumubok ng mga Home remedies

Kung hindi nais na gumamit ng mga pampaputing kemikal, maaaring sumubok ng mga home remedies na epektibo ayon sa ilang pag-aaral: 

  • Ang Aloe vera, dahil naglalaman ito ng “potent skin depigmentation agents”
  • Mga prutas na sitrus, ito ay maaaring epektibo sa hyperpigmentation dulot ng pag babad sa araw
  • Ang soy ay maaaring makatulong sa paglaban ng mga itim na marka
  • Green tea 

Kailangan natin alamin ang iba pang impormasyon mula sa mga sangkap na ito kung tunay na epektibo. Bago gamitin ang mga ito, huwag kalimutang mag-patch test muna upang makita kung ito ay may negatibong epekto. 

Mahalagang Tandaan

Kung ikaw ay may maitim na siko, kailangan muna siguruhin kung ito ay dulot ng kondisyon sa kalusugan na nangangailangan ng paggagamot. Kung hindi, maaari mong gawin ang mga pangangalagang tips sa siko, tulad ng exfoliating, paggamit ng sunscreen, pagpili ng mga banayad na produkto, at home remedies gamit ang aloe vera, soy, sitrus na prutas, at green tea.

Matuto pa ng Pangangalaga ng Balat at Cleansing dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

HOW TO FADE DARK SPOTS IN DARKER SKIN TONES, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/routine/fade-dark-spots, Accessed March 29, 2022

Abnormally dark or light skin, https://medlineplus.gov/ency/article/003242.htm, Accessed March 29, 2022

Acanthosis Nigricans, https://kidshealth.org/en/parents/acanthosis.html, Accessed March 29, 2022

On the novel action of melanolysis by a leaf extract of Aloe vera and its active ingredient aloin, potent skin depigmenting agents, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22495441/, Accessed March 29, 2022

Protective effect of red orange extract supplementation against UV-induced skin damages: photoaging and solar lentigines, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24910279/, Accessed March 29, 2022

Are Natural Ingredients Effective in the Management of Hyperpigmentation? A Systematic Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5843359/, Accessed March 29, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement