Maaari mong isipin na upang matamo ang korean celebrity na kutis, marami kang kailangang gawing hakbang at mahal na pagbisita sa klinika. Ngunit iba ang sinasabi ng mga sikat na lalaking personalidad. Sa katunayan, nakasosorpresang madali, abot-kaya, at puwedeng-puwedeng gawin ang kanilang korean celebrity skincare routine.
Gusto mong malaman? Alamin ang tips na ito at ang mga aktor na nagpapatunay sa bisa nito!
Korean Celebrity Skincare: Gumamit ng Sheet Masks Araw-araw
Hulaan kung sinong mga aktor ang araw-araw na gumagamit ng sheet mask. Walang iba kundi si Song Joong Ki, ang makarismang aktor na nagbigay buhay sa Vincenzo at Big Boss ng Descendants of the Sun. At si Park Seo Joon mula sa Itaewon Class at Fight for My Life.
Sinabi ni Joong Ki at Seo Joon na gumagamit sila ng sheet masks araw-araw. Idinagdag pa ni Joong Ki na hindi siya naglalagay nito nang mas matagal pa sa sinasabi sa instruction.
Ayon sa mga Eksperto
Sinasabi ng mga eksperto na ang mga sheet mask ay magandang gamitin sa sensitibong balat. Mahusay din ito para sa namumulang balat dulot ng isang operasyon o sunburn. Mayroon din itong mas maraming hydrating power dahil sa posibilidad ng pantay na distribusyon ng moisture at maaaring masipsip nang direkta ng balat sa pamamagitan ng sheet.
Korean Celebrity Skincare: Sa Pamamagitan ng Cleansing
Magandang makeup naman ang korean celebrity skincare ng Goblin at Touch Your Heart star na si Lee Dong Wook. Ngunit sinabi niyang palagi siyang naglilinis nang mabuti. Ibinahagi rin ng Legend of the Blue Sea at The King: Eternal Monarch na aktor na si Lee Min Ho ang kahalagahan ng masusing cleansing.
Ayon sa mga Eksperto
Sinasabi ng The American Academy of Dermatology Association kung paano nakapagdudulot ng pagbabago sa iyong hitsura ang paglilinis ng mukha. Inirerekomenda nilang gawin ang mga sumusunod:
- Gumamit ng gentle cleanser (hindi matapang na panlinis ng mukha) at maligamgam na tubig
- Iwasan ang pagkuskos ng mukha. Sa halip, gamitin ang dulo ng mga daliri.
- Tuyuin ang mukha gamit ang malambot at malinis na tuwalya.
- Maglagay ng moisturizer
- Iwasan ang sobrang cleansing. Limitahan lamang sa dalawang beses sa isang araw matapos pagpawisan
Korean Celebrity Skincare: Gumamit ng Lip Balm
Bukod sa thorough cleansing, idinagdag din ni Lee Dong Wook na gumagamit siya ng lip balm. Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi mapigilan ng kanyang fans na pansinin ang kanyang kissable lips!
Ayon sa mga Eksperto
Sa paggamit ng lip balms, inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit ng lip balm na may sunscreen. Lalo na kung mayroon kang dry lips. Ang hindi pagdila ng iyong mga labi, pag-inom ng maraming tubig, at paghinga sa pamamagitan ng iyong ilong ay makakatulong din na maibsan ang pagkatuyo.
Korean Celebrity Skincare: Daily Sunscreen
Sino ang magsasabing hindi kaakit-akit ang pangunahing aktor ng Weight Lifting Fairy na si Nam Joo Hyuk sa kanyang porma at kutis?
Sinabi ng Korean celebrity na ito na hindi niya kinalilimutang magpahid ng sunscreen araw-araw, lalo na kung outdoor ang kanilang shooting.
Ayon sa mga Eksperto
Sinasabi ng mga dermatologist na isa sa pinakamagandang paraan upang maproteksyunan at maalagaan ang balat ay sa pamamagitan ng pagpapahid ng sunscreen.
Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng broad-spectrum sunscreen na may sun protection factor (SPF) na 15 o mas mataas pa. Marapat na tandaan na mas mataas ang SPF, mas nagbibigay ito ng proteksyon. Binigyang diin din nila na walang “waterproof” na sunscreen. Kailangan mong magpahid muli nito sa bawat 2 oras o higit pa kung nagpawis ka nang sobra o naglublob sa tubig.
Korean Celebrity Skincare: Uminom ng Maraming Tubig
Si Jung Hae In ng While You Were Sleeping at Something in the Rain ay 33 taong gulang na. Ngunit kasingkinis ng balat ng sanggol ang kanyang kutis! Sinabi niyang ang kanyang sikretong korean celebrity skincare ay sheet masks, sapat na tulog, at pag-inom ng maraming tubig.
Ayon sa mga Eksperto
Mahalaga ang pag-inom ng tubig dahil pinananatili nitong elastic ang balat. Higit pa rito, mahalaga ang sapat na hydration sa kabuuang kalusugan. Mga bagay na maaari mo pang gawin upang mapanatiling hydrated ang iyong balat? Umiwas sa mainit na tubig at gumamit lamang ng gentle na skincare products. Ugaliin din ang paggamit ng moisturizer araw-araw.
Bumisita sa Dermatologist
Tulad ng simple at sustainable tips na ito, dapat tandaang ang bawat tao ay may iba’t ibang mga pangangailangan sa skincare. Ang epektibo sa isang kaibigan (o Korean celebrity) ay maaaring hindi gumana para sa iyo.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang bumisita sa isang dermatologist. Hindi lamang sa kaya nilang masuri ang uri ng iyong balat o kondisyon, kaya rin nilang magrekomenda ng tama at epektibong gamutan. Kaya rin nilang magbigay ng mga hakbang sa kung anong skincare routine ang bagay sa iyong balat.
Sa pangkalahatan, ang minimal, wasto, at sustainable routine ang pinakamabisa. Tulad ng korean celebrity skincare na aming ibinahagi, hindi mo kailangang maraming gawin upang magkaroon ng magandang kutis.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.