Alam mo ba na ang moisturizers ay hindi lang simpleng pag-hydrate ng balat ang nagagawa? Narito ang benepisyo ng pag-moisturize ng balat.
Ang Benepisyo Ng Pag-Moisturize Ng Balat
Syempre, ang benepisyo ng moisturizer ay pag-hydrate ng balat. Maaari rin itong maging tiyak na benepisyo para sa mga taong may dry o tumatandang balat.
Mas Mainam Na Hydration
Maraming mga moisturizer na maaaring magtaglay ng emollients. Ang emollients ay nakatutulong upang maging malambot ang balat, na makatutulong sa mga tao kung ang balat nila ay dry at tight.
Ang mga tiyak na alcohol, tulad ng octyldodecanol ay nagtatrabaho bilang emollients at ito ay normal na mabuti para sa balat. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang mga tiyak na alcohol sa ibang moisturizers, tulad ng isopropyl alcohol at ethyl alcohol, dahil maaaring mairita ang balat.
Gayunpaman, ang ibang mga taong may oily na balat ay maaaring isipin na hindi nila kailangan ng moisturizers, ngunit hindi laging iyon ang kaso. Maraming mga propesyonal ang sumasang-ayon na ang mga taong may oily skin ay kinakailangan pa ring gumamit ng moisturizers. Ang ilang mga moisturizers ay kayang makontrol ang dami ng oil na napo-produce ng balat.
Kung ang inaalala ay ang pagiging oily, ang mga taong may oily na balat ay maaaring piliin ang water-based at gel-based na moisturizers, na mas mainipis kaysa makapal na moisturizers tulad ng cream.
Nababawasan Ang Problema Sa Balat
Ang hindi malusog na balat ay maaaring humantong sa maraming problema, mula sa tigyawat hanggang sa hyperpigmentation, at marami pa. Ang isa sa mga halimbawa sa benepisyo ng pag-moisturize ng balat ay ang pagkakaroon ng kakaunting problema mula rito.
Halimbawa, ang balat na masyadong oily ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng tigyawat. Ang balat na masyadong dry ay maaaring humantong sa dry, flaky, at tight na balat.
Ang pagpili ng tamang moisturizer sa iyong type ng balat ay maaaring makatulong upang sa iyong alalahanin. Ideal na makipag-usap sa iyong dermatologist upang malaman kung anong moisturizer ang magpapanatili ng iyong balat sa pagiging balanse.
Nakababawas Ng Blemishes
Depende sa iyong moisturizer na ginagamit, maaari rin nitong mabawasan ang blemishes. Maraming nilalamang sangkap ang moisturizer, at maaari kang makahanap ng makatutulong upang mabawasan ang iyong peklat dulot ng tigyawat, hyperpigmentation at iba pa.
Halimbawa, ang moisturizer na mayroong mga sumusunod na sangkap ay makatutulong na matanggal ang marka ng tigyawat:
- Jojoba oil
- Aloe vera
- Vitamin C
- Vitamin E
- Lactic acid
Isa pang halimbawa ng sangkap ng moisturizer na makatutulong sa iyong hyperpigmentation ay:
- Retinol
- Vitamin C
- Niacinamide
- Kojic acid
Ang ibang mga tao ay iniiwasan ang moisturizers dahil nakararamdam sila ng oily na balat dahil sa acne. Ang iyong katawan ay natural na nagpo-produce ng oil kung ang pakiramdam ay dry. Kaya’t ang dagdag na sebum na na-produce ay response ng katawan dahil ikaw ay dehydrated. Samakatuwid, ang paggamit ng angkop na moisturizer ay makatutulong sa mga taong may oily, acne-prone na balat.
Tiyak na mahalagang na i-moisturize ang balat kung gumagamit ng mga lunas sa tigyawat. Ang ilang gamot sa tigyawat tulad ng salicylic acid ay maaaring mag-dry at makairita sa balat.
Nagpapanatili Na Mukhang Bata Ang Balat
Isa rin sa magandang halimbawa ng benepisyo ng pag-moisturize ng balat ay ang pagtulong nito na maging mukhang bata ang itsura.
Ang balat natin ay humihina dulot ng pagtanda, na nagiging sanhi ng pagiging marupok at madaling kapitan ng mga senyales ng pagtanda (wrinkles, fine lines, crow’s feet, at iba pa)
Ang pag-moisturize ng balat ay nagdudulot ng hindi pagiging dry ng balat, at maraming moisturizer na naglalaman ng iba pang sangkap na nakapagbebenipisyo sa iyong pangkalahatang kalusugan.
May isang pag-aaral na nagsasabing ang mga taong gumagamit ng moisturizer ay nagkakaroon ng wrinkles sa mas mabagal na panahon kaysa sa mga taong may dry, at hindi na-moisturize na balat. Karagdagan, mahalagang tandaan na ang hindi pag-moisturize ng iyong balat kung kailan mayroon ka nang wrinkles ay mas magpapalala ng iyong wrinkles.
Kailan Ko Makikita Ang Resulta Ng Pag-Moisturize Ng Balat?
Alalahanin na ang moisturizer ay hindi malulunasan ang iyong problema nang magdamag. Kinakailangan mo munang mahanap ang ankop na moisturizer sa iyong balat, kaya’t kailangan mo munang magsagawa ng trial-and-error. Kinakailangan mo ring gumamit ng moisturizer sa ilang mga buwan bago mo mapansin ang malaking pagbabago sa balat.
Kung nakaramdam ng pagkairita sa balat (pamumula, pangangati, hapdi, at iba pa) sa pagsubok ng bagong moisturizer, itigil ang paggamit nito. Bigyan ang balat ng pahinga, saka humanap ng mas gentle na moisturizer. Kumonsulta sa dermatologist para sa pinaka-angkop na produkto sa iyong type ng balat.
Mag-ingat din sa paghahalo ng mga sangkap. Ang paghahalo ng maraming sangkap sa iyong rooutine sa pag-aalaga ng balat ay maaaring magdulot ng pagkairita. Halimbawa, kung ang moisturizer mo ay mayroong salicylic acid (na nag-exfoliates), iwasan na ang paglalagay pa ng produkto na may exfoliate.
Mahalagang Tandaan
Lahat ay maaaring mag-benepisyo sa pag-moisturize ng balat, basta’t akma ang ginagamit sa kanilang type ng balat. Kumonsulta sa iyong dermatologist upang malaman ang magagandang produkto para sa kondisyon ng iyong balat.
Alamin ang tungkol sa Paglilinis at Pag-aalaga ng Balat dito.