Nangangailangan ang iyong balat ng tiyak na dami ng langis upang mapanatili itong moisturized at healthy. Gayunpaman, kung gumagawa ng sobrang oil ang gland ng iyong balat, magdudulot ito ng dermatological problems tulad ng tigyawat at baradong pores. Narito ang ilang skin care tips para sa oily skin.
Kung matagal magkaroon ng wrinkles ang mga may oily skin, mas malaki naman ang posibilidad na magkaroon sila ng malalaking pores, mga tigyawat, whiteheads at blackheads.
Maaari ding dulot ng kinakain at ilang kondisyong medikal ang pagkakaroon ng oily skin.
Narito ang pitong skin care tips para sa oily skin.
Skin Care Tips Para Sa Oily Skin Upang Iwasan Ang Baradong Pores
Layunin ng iyong skincare routine na gawing balanse ang lahat: Hindi dapat maging sobrang oily o sobrang tuyo ng balat. Para sa may oily skin, target ng skincare routine na makontrol ang produksyon ng langis sa balat nang hindi nawawala ang healthy glow nito.
1. Iwasan Ang Baradong Pores At Palaging Maghilamos
Mahalaga ang paghihilamos ng mukha tuwing umaga at gabi. Gayunpaman, maaaring hindi sapat ang paghihilamos gamit ang regular lang na sabon.
Dapat iwasan ng mga taong may oily skin ang paggamit ng sobrang mababango at matatapang na sabon at cleansers. Gamit ang mga matatapang na sabon, ginagawa nitong maging tight at tuyo ang balat pagkatapos maghilamos. Bukod dito, ang mga ganitong uri ng cleansers ay nakaiirita sa balat.
Ang resulta, naglalabas ang balat ng mas maraming langis.
2. Gumamit Ng Mga Produktong Alcohol-Free At Non-Comedogenic
Bago bumili o gumamit ng kahit na anong produkto sa balat, siguraduhing tingnan ang mga label. Maging maingat sa mga produktong alcohol-based sapagkat may kakayahan itong gawing tuyo o dry ang balat. Para sa mga may oily skin, nagiging sanhi pa ng paglabas ng mas maraming langis sa mukha ang paggamit ng mga produktong nakapagpapatuyo ng balat.
Samantala, ang mga comedogenic products ay nagiging sanhi ng baradong pores at nagdudulot ng maraming tigyawat (acne breakouts). Ang mga produktong oil-based tulad ng mga essential oils ay may kakayahan ring gawing greasy o mas oily ang balat.
3. Gumamit Ng Moisturizer
Mahalagang gumamit ng moisturizer upang mapanatiling hydrated ang iyong balat, kahit na may oily skin ka. Maaaring gumamit ng moisturizer na para lamang sa may oily skin.
Tandaan na kapag ang iyong balat ay tuyo, tumutugon ang iyong glands sa pamamagitan ng paggawa ng langis. Nakatutulong ang pagpapanatiling hydrated ng iyong balat sa pagkontrol ng produksyon ng langis at pag-iwas sa baradong pores.
4. Gumamit Ng Sunscreen Sa Paglabas
Kinakailangan ang sunscreen sa lahat ng uri ng balat dahil pinoprotektahan nito ang balat sa ultraviolet rays na nagpapabilis ng skin aging.
5. Gumamit Ng Blotting Paper
Kapag nakararanas ka ng oily skin, maaari kang gumamit ng blotting paper. Dahan-dahan itong ilagay sa mukha at hayaang nakadikit sa iyong balat ng ilang segundo. Huwag kuskusin ang mukha gamit ang blotting paper dahil maaari nitong mairita ang iyong balat. Ang pagkuskos ay maaari ding maging dahilan ng pagkalat ng langis sa iba pang parte ng iyong mukha.
6. Iwasang Hawakan Ang Iyong Mukha
Ayon sa pag-aaral, hindi mabilang kung ilang beses nating hinahawakan ang ating mga mukha sa isang araw. Gayunpaman, ang mga kamay ay madaling nakapaglilipat ng dumi at bacteria sa ating mukha na nagiging sanhi ng tigyawat at ibang pang isyu sa balat. Kung pinagpapawisan, punasan ng tissue ang mukha. Ngunit kung kinakailangan talagang hawakan ang mukha, siguraduhing maghugas muna ng iyong kamay.
7. Maging Malumanay Sa Iyong Balat
Sa lahat ng skin care tips para sa oily skin, mahalagang tandaan na maging malumanay sa iyong balat. Iwasang gumamit ng mga harsh exfoliators at facial scrubs. Nangangailangan ang iyong balat ng langis upang maprotektahan ito mula sa aging, pimple-causing bacteria, at dirt. Huwag ring maghilamos ng mukha nang sobra-sobra sapagkat tinatanggal nito ang lahat ng langis sa balat.
Key Takeaways
Tinatawag na oily skin ang sobrang produksyon ng langis sa balat, dahilan upang magmukha itong greasy. Layunin ng skin care tips na panatilihing hydrated at moisturized ang balat habang kinokontrol ang sobrang produksyon ng langis. Nakatutulong din ito sa pag-iwas sa baradong pores at tigyawat.
Ang paggamit ng mga produkto at exfoliators na nakapagpapatuyo ng balat ay mauuwi lamang sa mas agresibong produkyon ng langis sa skin glands. Dapat gumamit ng non-comedogenic, free of oil, at free alcohol na produkto ang mga taong may oily skin.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito.
[embed-health-tool-bmi]