Ang baking soda (sodium bicarbonate) ay isang substance na mura lamang at ginagamit ng maraming tao, hindi lang sa pag-bake at paglilinis, ngunit maging sa oral at balat na pangangalaga. Marami kang makikita sa online na blogs na nagpapakita ng baking soda bilang facial scrub, toothpaste, at deodorant. Ngunit, totoo ba ang mga benepisyo ng baking soda na ito? Ligtas ba ang baking soda sa balat? Ang mga sagot ay malalaman sa pagbabasa sa artikulo.
Fact o Fiction: Totoo ba ang mga Benepisyo ng Baking Soda?
Ang baking soda ay purong sodium bicarbonate. Ibig sabihin nito na kung titingnan ang label, mayroon lang dapat na isang sangkap.
Ang uri ng asin na ito ay kilala para sa abilidad na magpalaki ng cookie, cake, o bread batters sa loob ng mainit na oven. Gayunpaman, ang ilang tao ay ginagamit din ang baking soda para sa oral at skin care na rason. Ang tanong ay, may mga siyentipikong basehan ba para sa mga benepisyong ito?
FACT: Nakatutulong ang baking soda sa oral na kalusugan
Bago tayo magtungo sa iba’t ibang benepisyo ng baking soda sa balat, talakayin muna natin ang potensyal na tulong ng asin sa pangangalaga ng bibig.
Una, tandaan na maraming dentifices (paste o powder para sa paglilinis ng ngipin) na naglalaman ng sodium bicarbonate bilang abrasive, ang component na nagtatanggal ng mantsa at debris sa ngipin. Ang baking soda ay walang anti-cavity properties, ngunit ito ay low-cost at highly compatible sa fluoride.
Binigyang-pansin din ng isang pag-aaral na ang oral rinse na may sodium bicarbonate ay nakatutulong sa pagtanggal ng acidity sa bibig. Ito ay nakapagpapabawas ng ilang mga bacteria. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang rinse na ito ay mura at epektibong alternatibo sa chlorhexidine mouth rinse. Sa paggamit nito bilang toothpaste, kailangan mag-ingat dahil isa siyang abrasive. Maaaring mas masira ang iyong ngipin kung hindi ito ginagamit ng wasto.
FICTION: Nakatutulong sa paggamot ng psoriasis
Ang ilang mga tao ay naniniwala na isa sa mga benepisyo ng baking soda ay makatulong sa paggamot ng psoriasis.
Noong napag-aralan ng mga mananaliksik ang potensyal nito, napag-alaman nila na hindi ito totoo. Naobserbahan nila na ang topical na paggamit ng sodium bicarbonate ay HINDI NAKAPAGPAPABUTI ng skin hydration, hindi nakababawas ng skin water loss, at hindi nakapagpapabuti ng psoriasis lesions.
FACT: Nakatutulong na mawala ang pangangati mula sa eczema
Wala tayong maraming mga pag-aaral tungkol sa benepisyo ng baking soda sa eczema, ngunit sinasabi ng mga anekdota na ulat na ang pagligo na may baking soda o paste ay nakatatanggal ng pangangati.
Sa katunayan, The National Eczema Association ay nagsabing ang paghalo ng ¼ cup ng baking soda sa tubig panligo o direktang paglalagay ng sodium bicarbonate at water paste ay nakatutulong na mawala ang pangangati.
MAHALAGANG TANDAAN: Maaari ding makapag-irita ng balat ang baking soda, kaya’t ang pagligo ng baking soda ay hindi tipikal na inirerekomenda sa publiko, lalo na kung sila ay may kondisyon sa balat.
FICTION: Ayos lamang na gamitin ang baking soda para sa pangangalaga ng mukha
Hindi maitatanggi na ang baking soda ay ligtas sa pangkalahatan. Isipin mo, ang ilang mga tao na may heartburn ay iniinom ang baking soda upang mag-neutralize ng acid.
Ngunit ligtas bang gumamit ng sodium bicarbonate bilang panghilamos sa mukha, scrub, o deodorant?
Sinasabi ng mga eksperto na hindi, lalo na kung pinaplano mong gamitin ito sa mahabang panahon.
Katulad ng nabanggit, ang ilang mga tao ay sensitibo sa baking soda at ang paggamit nito sa balat ay makasasama. Ang ilang mga tao na gumagamit ng DIY baking soda deodorant ay nagkaroon ng rashes o pamumula sa kilikili.
Karagdagan, ang asin ay may pH na nasa 8.3; ibig sabihin na masyado itong basic.Tandaan na ang balat ay may pH na mas mababa sa 5. Ang kaunting acidity ay pumoprotekta sa balat mula sa impeksyon. Kung gumamit ka ng baking soda araw-araw bilang panghilamos, tinatanggal mo ang protective acidity ng balat.
Sa huli, tandaan na ang baking soda ay abrasive. Ang paghalo nito sa tubig upang bumuo ng porma ng scrub ay kabilang bilang exfoliator. Kahit na gaano “karahan” ang baking soda, mayroon dapat na pagitan sa pag-exfoliate. Hindi pwedeng mag-exfoliate araw-araw.
Mahalagang Tandaan
Ilan sa mga kilalang gamit ng baking soda ay totoo. Nakatutulong ito sa oral na pangangalaga at maaari ding makawala ng pangangati mula sa eczema. Gayunpaman, kailangan na gamitin ito na may pag-iingat. Magsagawa muna ng patch test upang makita kung ikaw ay sensitibo sa sangkap. At syempre, ang pinaka mainam na gawin ay kausapin muna ang iyong doktor tungkol sa posibilidad na pagdaragdag nito sa iyong routine.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.