Ano ang waxing? Wala namang masama sa pagkakaroon ng kaunting buhok, lalo na kung pinanganak kang mayroon nito! Ngunit kung nais mong alisin ito, sa anumang dahilan, nararapat na maisagawaa ito nang ligtas. Bagama’t maaari kang gumamit ng razor, ang waxing ang iyong pinakamahusay na opsyon kung gusto mong tumagal ang resulta ng ilang linggo.
Gayunpaman, tandaan: Ang waxing, plucking o shaving ay maaaring magdulot ng pamamaga ng hair follicle, pag-itim ng balat, o ingrown hair. Ang laser hair removal ay isang mas permanenteng solusyon para sa unwanted hair at maaaring maging mas matipid sa katagalan.
Ano Ang Waxing At Anu-Ano Ang Mga Bagay Na Dapat Mong Ihanda?
Kung pinag-iisipan magsagawa ng DIY waxing sa bahay o pumunta sa waxing salon, dapat na hindi bababa sa isang-kapat na pulgada ang haba ng iyong buhok para ma-wax. Ang mahabang buhok ay maaaring gawing mas mahirap at masakit ang proseso. Gupitin ang buhok sa tatlong-kapat ng isang pulgada gamit ang malinis at personal na grooming equipment, gaya ng mga safety scissors o isang electric trimmer.
Pagkatapos, dahan-dahang i-exfoliate ang iyong balat gamit ang isang light scrub isa o dalawa araw bago ito i-wax. Nakatutulong ito upang alisin ang mga dead skin cells na nakapaligid sa mga hair follicle. Bukod pa rito, Napagagaan din nito ang anumang ingrown hair. Tandaan lamang na mag-ingat dahil ang malupit na pag-scrub ay maaaring magdulot ng pangangati ng balat, na masama para sa waxing.
Palaging magsimula sa pagkakaroon ng malinis na balat bago ang iyong sesyon. Gumamit ng light cleanser para i-scrub ang anumang dumi, pawis, mantika, makeup, o iba pang buildup. Maaaring madaragdagan ang posibilidad na magkaroon ng mga apektadong bukol buhat ng residue at hindi madikit na wax sa oily skin.
Ano ang waxing tip na mainam? Patuyuin nang lubusan ang lugar gamit ang isang malinis na tuwalya bago maglagay ng pulbos. Ang cornstarch ay isa ring ligtas na kapalit. Makatutulong ang pulbos at cornstarch na alisin ang moisture kung pinagpapawisan ka dahil sa init, halumigmig, o pagkabalisa bago mag-wax. Pinoprotektahan din nito ang iyong balat habang nabubunit ang buhok.
Tips Para Sa Malinis At Hindi Masakit Na Waxing Experience
- Maglagay ng maliit na patch sa iyong outer wrist upang malaman ang temperatura ng wax. Ito ay dapat mainit ngunit kaya mong tiisin.
- Maglagay ng wax sa direksyon kung saan lumalaki ang buhok. Ilapat ang iyong strip sa parehong direksyon. Iwasang isawsaw ang iyong applicator nang higit sa isang beses sa lalagyan nito dahil ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng bacteria.
- Sundin ang mga direksyon partikular para sa uri ng wax na mayroon ka. Ang ilang mga wax ay nangangailangan ng oras upang makuha ang mga buhok, habang ang iba naman ay maaaring makatanggal kaagad.
- Hilahin ang strip sa kabilang direksyon. Maaari mong gamitin ang iyong kabilang kamay upang ma-stretch ang iyong balat nang kaunti para gawin ito ng mas madali.
- Huminga ng malalim (breathe in), at mabilis itong ilabas (breathe out) habang hinuhugot ang wax. Lagyan ng pressure ang bagong balat na na-wax para mabawasan ang discomfort at sting. Mag-apply ng lidocaine cream sa paligid nito ng 30 minuto bago ang waxing kung ikaw ay madaling magkaroon ng waxing pain.
Aftercare
- Tanggalin ang wax residue. Kung ang iyong waxing kit ay walang kasamang pre-treated wipes upang matulungan kang alisin ang anumang natitirang wax sa iyong balat, ang kaunting olive o jojoba oil ay maaaring gamitin. Maaari ka ring gumamit ng mga tweezers upang alisin ang anumang natitirang wax at mga ligaw na buhok na maaaring hindi natanggal mula sa pag-wax.
- Maglagay ng aftercare product. Pagkatapos ng isang sesyon, gumamit ng isang bagay na makatutulong upang i-relax ang balat, ngunit ang magiging konsiderasyon ay makahanap ng isa na mayroon ding antibacterial properties.
- Mag-exfoliate matapos ng 24 oras. Bagama’t mainam na maghintay ng isang araw bago mag-exfoliate, ang regular exfoliation ay makatutulong na maiwasan ang mga ingrown hair at panatilihing makinis ang balat sa pagitan ng mga waxing sessions. Manyaring palaging gamitin ang iyong nais na aftercare product matapos mag-exfoliate.
Mga Paalala
Ano ang waxing na ligtas? Iwasan ang pagsasagawa ng anumang klaseng waxing kung mayroon kang anumang mga bukas na sugat. Ang waxing ay maaaring magpalala sa kondisyon at humantong sa posibleng pinsala at impeksyon. Ang bacteria, pawis, friction, at mga exposed hair follice ay naglalantad sa isa sa maraming panganib. Kumunsulta sa iyong dermatologist bago gawin ang iyong unang wax.
Gayundin, huwag mag-wax malapit sa oras ng iyong buwanang regla dahil maaaring mas maging sensitibo ang iyong balat sa panahong ito.
Key Takeaways
Ano ang waxing at ligtas ba ito? Ang waxing sa bahay ay karaniwang ligtas kung susundin mo ang mga tagubilin sa wax na iyong gagamitin. Kung ikaw ay isang baguhan sa waxing, magandang ideya na pumunta sa salon para sa iyong unang wax. Huwag mag-atubiling magtanong sa attendant tungkol sa mga paraan ng pagsasagawa nito at mga ligtas na produkto. Ipagawa lamang ang waxing sa mga propesyonal sa isang malinis na kapaligiran.
Upang maiwasan ang impeksyon at iba pang komplikasyon, palaging kumunsulta sa iyong doktor o dermatologist tungkol sa pinakamahusay na mga produkto para sa iyong balat.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangagalaga at Paglinis ng Balat dito.