Ano ang retinol? Ang retinol ay isa sa pinaka pinag-aralang sangkap para sa anti-aging, panlaban sa tigyawat, at pagkawala ng wrinkles. Kaya’t hindi nakagugulat na maraming mga tao ang kinokonsidera ang vitamin A derivative gold standard na ito sa industriya ng pangangalaga sa balat.
Ang retinol (isang uri ng retinoid) ay malawak na binebenta sa market bilang over-the-counter na produkto. Gayunpaman, bago bumili ng kahit na anong produkto na naglalaman ng retinol, kailangan mong maunawaan kung ano muna ito. Sa ganung paraan, malalaman mo kung ito ba ang retinoid derivative na para sa iyo.
Ano ang Retinol? Paano Ito Nagiging Mabisa sa Balat?
Ang retinol ay derivative ng vitamin A. Ito ay nag neu-neutralize ng free radicals sa balat na maaaring maging sanhi ng pinsala sa collagen cells.
Ang collagen ay nasa 25% ng kabuuang protina sa katawan ng tao. Ito ay responsable sa pagpapabuti at pagiging bata ng balat.
Ngunit sa ating pagtanda, ang ating katawan ay nagpo-produce ng mas kaunting collagen at elastin. Sa parehong pagkakataon, ang external at internal agents ay nagsisimulang i-break down ang skin barrier, collagen, elastin, at fats. Ito ay maaaring magpadagdag sa senyales ng pagtanda sa balat, tulad ng pigmentation, sagging, at wrinkles.
Kaya, ano ang retinol, at paano ito iniuugnay sa collagen?
Ang retinol ay nakatutulong upang mapreserba ang pagpo-produce ng collagen. Kaya’t kung gagamitin mo ang active na sangkap na ito, maaaring kakaunti na lang ang makikita mong wrinkles, laugh lines, at crow’s feet. Maaari ding makatulong ang retinol upang mapabuti ang skin texture, moisture, at pigmentation. Ang ilang retinoid na lunas ay nakatutulong din sa pagtanggal ng tigyawat.
Tandaan na upang maging mabisa ang retinol, kailangan mong regular na gamitin ito.
Anong Uri ng Retinol ang Akma sa Iyong Balat?
Maraming mga uri ng retinoids sa pagtanggal ng wrinkles:
- Retinyl palmitate: Ito ang pinaka-gentle na over-the-counter na retinoid para sa balat. Maaari mong ikonsidera ito kung ikaw ay may sensitibo o dry na balat. Maaari din itong maging mabisa para sa mga taong may kaunting wrinkles.
- Retinaldehyde: Ito ang porma ng mas matapang na retinol, ngunit hindi kinakailangan ng reseta.
- Retinol: Ito ang standard na sangkap na makikita sa over-the-counter retinoids.
- Tretinoin: Isang matapang na porma ng retinoid na nangangailangan ng reseta mula sa doktor.
- Tazarotene: Ito ang pinaka matapang na retinoid na nangangailangan ng reseta ng doktor. Ito ay ginagamit sa tamang antas upang lunasan ang maraming problema sa balat ukol sa pagtanda.
Ang uri ng produkto na naglalaman ng retinol ay nakaaapekto rin sa kung paano ito magiging mabisa.
Ang alcohol-based gel retinoids ay kinokonsiderang pinaka epektibo sa lahat ng formulas dahil madali itong ma-absorb ng balat. Ito ay akma para sa mga acne-prone o sensitibong balat. Kung ikaw ay may dry na balat, ang retinol cream na porma ang mas akma sa iyo at mas magiging epektibo.
Paano Gamitin ang Retinol Bilang Skin Care
1. Magsagawa muna ng patch test
Bago magdagdag ng bagong produkto sa iyong basic skin care routine, kailangan mo munang siguraduhin na ang produkto o sangkap ay hindi nakaiirita sa iyong balat. Kaya’t kinakailangan muna isagawa ang patch test.
2. Tukuyin ang dalas ng paggamit
Ang mga fragile na balat ay kailangan ng mahabang panahon upang mag-adapt sa bagong produkto at aktibong sangkap. Ang pinaka mainam na paraan upang gamitin ang retinol ay gumamit muna ng isang beses lamang sa isang linggo.
Mula roon, dagdagan ng paunti-unti ang dalas ng paggamit. Matapos ang isang buwan, kung ang balat ay nasanay na sa vitamin A derivative, maaari mo na itong gamitin kada gabi.
3. Ilagay ito nang tama
Ang retinol ay hindi chemical exfoliant, kaya’t hindi kailangan na gamitin ito matapos ang toner. Maaari mo itong ilagay sa tatlong paraan:
1: Makeup remover – Cleanser – Toner – Serum – Retinol – Emulsion (nourishing gels, hydrating water) – Nourishing cream.
2: Makeup remover – Cleanser – Toner – Serum – Emulsion (moisturizing gels, hydrating water) – Cream – Retinol.
3: Makeup remover – Cleanser – Toner – AHA/BHA (matapos ang 30 minuto) – Serum – Retinol – Emulsion – Cream.
Sa ideal na sitwasyon, kailangan mong gamitin ang retinol kada tapos ng isang araw kasama ng AHA, BHA, at produktong may vitamin C.
Ano ang mga Pag-iingat sa Paggamit ng Retinoids?
- Dahil ang retinol ay nagpapasensitibo ng balat sa sinag ng araw, gamitin ang active na sangkap na ito sa gabi.
- Kung unang beses mong gumamit ng produktong ito, kailangan mong gamitin ito sa pinakamababang percentage ng concentration, at sa paglaon taasan dahan-dahan ang percentage, depende sa pangangailangan ng balat.
- Laging mag-moisturize kung gagamit ng retinol upang mabawasan ang side effects, tulad ng pamumula o flaking. Sa mga kaso ng acne-prone na balat, kailangan mong konsultahin ang iyong doktor bago gumamit ng retinol.
- Laging gumamit ng broad-spectrum physical o chemical sunscreen sa araw, dahil ang retinol ay mas nagdudulot ng sunburn at hyperpigmentation.
- Huwag gamitin ang retinol o group of retinoids kung ikaw ay buntis o nagpapasuso.
Maraming mga anecdotal na pag-uulat na nagsasabing ang retinol ay epektibong anti-aging at panlunas ng tigyawat. Gayunpaman, upang maging tiyak at sigurado kung ito ay akma para sa iyo, huwag mag-alinlangan na humingi ng tulong sa dermatologist.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.