backup og meta

Ano ang Retinoids at Bakit Ito Sumisikat?

Ano ang Retinoids at Bakit Ito Sumisikat?

Narinig mo na siguro ang salitang “retinoids” sa mga skincare product. Sinasabing isa itong game-changer, lalo na pagdating sa mga breakout. Kaya naman, alamin dito kung ano ang retinoids at ano ang magagawa nito para sa iyo at iyong balat.

Pag-alam sa Iyong Retinoids

Ano ang retinoids? Retinoids ang tawag sa mga topical compounds na galing sa vitamin A, katulad ng karaniwang vitamin A na nakikita sa mga prutas at gulay. Nakatutulong ito sa mga sumusunod na paraan:

  • Pagpigil sa proseso ng inflammation
  • Keratinization (pag palit ng mga lumang skin cell, at pagsisimulang gumawa ng keratin dahil sa kakulangan ng sustansya) at pagbabago ng ibabaw ng cell
  • Paglago at pagkakaiba-iba ng mga cell
  • Immune modulation

Karaniwang nakikita ang retinoids sa mga gamot na ginagamit para sa acne, psoriasis, at iba pang mga sakit na nauugnay sa keratinization.

May iba’t ibang mga uri ng topical retinoid na mabibili na maaari mong pag-isipan, at makukuha ang mga ito ng may reseta ng doktor at over-the-counter:

  • Retinol
  • Tretinoin
  • Adapalene
  • Tazarotene
  • Trifarotene
  • Alitretinoin
  • Bexarotene

May iba’t ibang formulation ang bawat uri, gaya ng gel, cream, lotion, emulsion, foam, spot treatment, at iba pang liquid product.

Sa lahat ng mga nabanggit na variant, ang tretinoin at retinol ang kilala bilang pinakakaraniwan, habang pinakamabisa naman sa lahat ang huling nabanggit.

Retinoids in Action: Ano ang Iba’t Ibang Gamit Nito?

Naglalagay ng retinoids ang mga tao dahil sa iba’t ibang dahilan, mula sa karaniwang mga problema sa acne hanggang sa paggamot sa iba pang mga kondisyon sa balat tulad ng psoriasis.

Treatment sa Acne

Maaaring narinig at nabasa mo na ang mga salitang isotretinoin, tretinoin (retinoic acid), trifarotene, at adapalene sa mga kahon ng iyong mga skincare product. Dahil ito sa mahahalagang papel ng mga partikular na uri ng retinoids na ito sa paggamot ng mga mild hanggang moderately severe na problema sa acne.

Tumutulong din ang retinoids sa pagtanggal ng baradong pores. Kumikilos ito katulong ng ibang mga topical antibiotic para makapasok sa pore at maalis ang mga bakteryang naipon sa loob na nagdudulot ng acne breakout. Malaki ang tulong ng synergistic effect na ito sa treatment ng acne.

Maaaring tumagal ng hanggang 12 na linggo o mas matagal pa bago makita ang anumang ganap na resulta. Ngunit makatutulong sa iyong breakout ang araw-araw na paglalagay nito bago matulog.

Treatment sa Photodamage at Photoaging

Bukod sa pagiging acne fix, natuklasan din ng mga researcher ang paggamit ng retinoids para  bawasan ang mga sumusunod na problema sa balat:

  • Mga fine line
  • Mga wrinkle
  • Solar comedones
  • Melasma
  • Actinic lentigines
  • Actinic keratoses spot
  • Pekas at iba pang pigmentation sa balat

Ang Vitamin A ang unang vitamin na inaprubahan ng Food and Drug Administration para sa anti-wrinkle at anti-aging benefits nito. Sa tulong ng pagpapasigla ng paggawa ng mga bagong blood vessel sa balat, pinapataas din ng retinoids ang produksyon ng collagen sa katawan. Kaya napapabuti nito ang kulay ng balat na kadalasang pinag-aalala ng mga taong may mga sunspot at iba pang hyperpigmentation.

Tumutulong din ang Tretinoin para maiwasan na lalong masira ang balat dahil sa pagkakalantad at pinsala sa UV.

Bukod dito, pinapalambot din nito ang magaspang na mga patch sa balat. Ngunit, maaaring kinakailangan din maghintay para makita ang resulta. Inaabot ng tatlo hanggang anim na buwan ang ilan, habang tumatagal naman ng isang taon o higit pa ang iba.

Paggamot ng Psoriasis

May paraan din ang retinoids para gamutin ang makati at tuyong balat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nangyayari ang skin restoration kapag gumagana ang retinoids para bawasan ang inflammation at paglalagas.

Retinoids: Contraindications, Pag-iingat, at Higit Pa

Tulad ng iba pang treatment, may mga side effect, contraindication, at pag-iingat din ang retinoids na kinakailangan habang ginagamit ito.

Maaaring allergic (o hypersensitive) ang ilang tao dito, kaya maaaring hindi ito maging mabisa sa lahat, tulad na lang sa mga buntis na babae.

Iba pang mga karaniwang side effect:

  • Sobrang pagkatuyo ng balat
  • Pamumula ng balat
  • Pagkaliskis ng balat (mas matindi sa mga may eczema)
  • Pangangati (pruritus)

Dahil maaari ito maging sanhi ng pagkatuyo at pangangati ng balat, madalas na inirerekomenda ng mga doktor na gamitin ito nang laktaw-laktaw nang bawat isang araw sa simula. Pagkatapos nito, maaari itong dahan-dahanin gawing mas madalas at ilagay ito gabi-gabi.

Maaari din maging sensitibo ang iyong balat sa liwanag dahil sa retinoids. Ito ang dahilan kung bakit ipinapayo din ng mga dermatologist na magsuot ng sunscreen araw-araw para maging mabisa ito at tumagal ang mga benepisyo nito.

Key Takeaways

Ano ang retinoids? Bukod sa treatment para sa acne, nakatutulong din ang retinoids sa iba pang kondisyon ng balat. Siguraduhing kumonsulta sa doktor bago subukan ang mga ito, para malaman ang pinakamahusay na treatment para sa uri ng iyong balat at maiwasan ang mga masamang reaksyon mula sa mga gamot na ito.

Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Retinoids, topical, https://www.aocd.org/page/Retinoidstopical, Accessed December 10, 2021

Topical retinoids, https://dermnetnz.org/topics/topical-retinoids, Accessed December 10, 2021

Do retinoids really reduce wrinkles?, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/do-retinoids-really-reduce-wrinkles, Accessed December 10, 2021

Retinoids in Dermatology, https://www.mayoclinicproceedings.org/article/S0025-6196(12)62514-2/fulltext, Accessed December 10, 2021

Why Topical Retinoids Are Mainstay of Therapy for Acne – James Leyden, Linda Stein-Gold, and Jonathan Weiss, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5574737/, Accessed December 10, 2021

Retinoids: active molecules influencing skin structure formation in cosmetic and dermatological treatments Malwina Zasada and Elżbieta Budzisz, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6791161/,  Accessed December 10, 2021

Retinoids in the treatment of skin aging: an overview of clinical efficacy and safety  – Siddharth Mukherjee, Abhijit Date, Vandana Patravale, Hans Christian Korting, Alexander Roeder, and Günther Weindl, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2699641/, Accessed December 10, 2021

Kasalukuyang Version

03/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement