backup og meta

Aloe Vera Para sa Balat: Alamin ang mga Benepisyo Nito

Aloe Vera Para sa Balat: Alamin ang mga Benepisyo Nito

Noong mga nakaraang taon, lahat ay nagnanais ng isang produkto — aloe vera. Noong narinig ng mga tao ang tungkol sa interesting at promising na benepisyo ng aloe vera para sa balat, ito ay kinonsidera na holy grail na produkto ng taon.

Kung kayo man ay may dry na balat o acne-prone skin, marami ang isinama ito sa kanilang skincare routine para sa delightful glow na ibinibigay nito. Nag-iisip ka ba bakit ito ang pinaka pinag-uusapan na produkto ng maraming mga tao? Alamin dito.

Upang simulan, iniuugnay ng mga tao ang aloe vera para sa skin care kung sila ay may sunburns. Gayunpaman, ang natural na herb na ito ay higit pa sa mabilis na paggamot sa burns.

Pag-alam sa Pangunahing Sangkap: Aloe Vera

Sa mga henerasyon, ang halaman na Aloe vera ay kilala sa marami nitong benepisyo. Mula sa pagpapaganda, medikal, at maging sa pangangalaga sa balat.

Ang terminong Aloe vera ay mula sa salitang Arabic na “Alloeh,” na ang ibig sabihin ay “nagniningning na mapait na substance.” Mula sa salitang Latin “vera” na ang ibig sabihin ay “totoo”.  Ang dahon ng Aloe vera ay triangular, broad, makapal, at meaty, na may matutulis na dulo at matinik na gilid. Ito ay may tatlong iba’t ibang layers:

  • Inner clear gel na naglalaman ng tubig, glucomannans, amino acids, lipids, sterols, at vitamins.
  • Ang gitnang layer ng latex na may bitter yellow sap ay may anthraquinones at glycosides.
  • Tinatawag ang labas na layer na may 15-20 cells na rind, ito ay nagsisilbing protective layer at nagsy-synthesize ng carbohydrates at proteins.

2000 taon na ang nakalipas, unang nabigyan ng pansin ng Griyegong siyentista ang gamit nito na universal na gamot. Ang Egyptians sa kabilang banda ay tinatawag ang Aloe vera bilang “halaman ng imortalidad,” na ngayon ay ginagamit sa field ng dermatology.

Bagaman ang perennial, succulent na halaman na ito ay gawa sa 99% ng tubig, ang malinaw na viscous gel ay kadalasan na nagpapagaling sa maliliit na sugat at paso. Ito rin ay naglalaman ng glycoproteins at polysaccharides na nakatutulong na mapabilis ang proseso ng paggaling.  Nagsusulong din ito ng development ng balat at pag-repair nito.

Karagdagan, ang mga kemikal  na ito ay may potensyal din na magpalakas ng immune system.

Dahil sa soothing, moisturizing at cooling na katangian nito, marami ang gumamit ng Aloe vera para sa mga kondisyon sa balat. Ito ay gumagamot sa mild burns (tulad ng sunburn), minor skin irritations, acne, bug bites, abrasions, skin aging, eczema, at psoriasis.

Bakit Higit na Kilala ang Aloe Vera para sa Balat?

Ang Aloe vera ay all-around wonder na mayroong 75 active constituents mula sa vitamins, minerals sa enzymes, at amino acids. Lahat ay nagtatrabaho upang magbigay ng antioxidant, anti-inflammatory, anti-allergic, antibacterial, antiseptic, analgesic, at maging ang antiviral properties na akma sa skin concerns.

Nagpakita ang mga mananaliksik na ang palagiang paggamit ng aloe vera para sa balat ay nagbibigay ng mainam na resulta.

  • Paso at sugat. Ang paggamit ng aloe gel ay nagpapaiksi ng panahon ng paggaling ng first at second-degree na paso. Maaari ding magpagaling ng sugat ang aloe gel.
  • Acne. Ibinunyag ng pag-aaral na ang paggamit ng aloe gel sa umaga at sa gabi kabilang ng topical prescription na gamot sa acne na tretinoin ay mas tumutulong sa paggamot sa acne.
  • Psoriasis. Ang aloe extract cream ay nagpapawala ng pangangati, pamamalat, pamumula, at pamamaga na kaugnay ng mild hanggang moderate na psoriasis.
  • Herpes simplex virus. Ang paggamit ng mas makapal na formulation (aloe vera cream) ay maaaring makatulong sa paggamot ng lesions nito ngunit hindi ito nakakapag-cure ng herpes. 

Key Takeaways

Maraming mga produkto sa merkado na naglalaman ng Aloe vera na nasa concentration ng 1% hanggang 98%.
Ang aloe gel ay nagpapanatili ng moisture sa mahabang panahon habang naglalaman ng soothing properties. Bilang resulta, maaari mong makita ang holy grail na sangkap ng aloe vera sa maraming mga topical na produkto tulad ng moisturizers, cleansers, sun lotions, at maging ang shaving creams. Kaya’t walang duda bakit ginagamit ng mga tao ang one-of-a-kind na organic regimen na ito sa kanilang skincare routines.

Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng balat at paglilinis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aloe, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-aloe/art-20362267 Accessed November 21, 2021

Aloe, https://www.mountsinai.org/health-library/herb/aloe Accessed November 21, 2021

Aloe vera and the skin, https://dermnetnz.org/topics/aloe-vera-and-the-skin Accessed November 21, 2021

Aloe vera: A plant for many uses, https://www.researchgate.net/publication/265268175_Aloe_vera_A_plant_for_many_uses Accessed November 21, 2021

Aloe vera: A Short Review,

Amar Surjushe, Resham Vasani, and D G Saple

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2763764/ Accessed November 21, 2021

Aloe Vera: Not Just for Sunburns, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/health-and-wellness/2019/august/aloe Accessed November 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement