Ang iritasyon at hindi madaling pagkilos ay maaaring sanhi ng pagkatanggal ng kuko sa paa. Maraming tao ang nagtatanong kung paano gamutin ang natanggal na kuko. Nang sagayon, mas makakilos sila ng may kaayusan, at makapagsapatos na walang inaalala. Pinapayuhan ang bawat indibidwal na humingi agad ng medikal na atensyon. Lalo na kung nakakaranas ng mga discomfort na nakakaapekto na sa iyong pamumuhay.
Hindi maiiwasan sa mga tao na makaranas ng pagkabalisa sa pagkakatanggal ng kanilang kuko. Dahil ang kuko ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng ating balat. Kung saan, pinoprotektahan nito ang mga tao sa iba’t ibang impeksyon at sakit.
Basahin ang artikulong ito, para malaman ang mga paraan kung paano gamutin ang natanggal na kuko.
Ano ang Lifted Nail Plate?
Minsan nire-refer bilang “onycholysis” ang pagtaas ng (lifted) nail plate. Ito ay karaniwang nail disorder na kina-categorize sa paghihiwalay ng nail plate mula sa nail bed. Ang bawat kondisyon ay iba-iba — at nailalarawan ang onycholysis bilang painless separation (walang sakit).
Ang resulta ng formation na ito ay ang natatanging white opaque area ng kuko. Sinasabi na ang sanhi ng kondisyon ito ay pwedeng idiopathic — pangalawa sa trauma, o resulta/ side effect ng iba pang kondisyon. Tulad ng impeksyon sa kuko, sakit sa balat, tumor, at iba pang uri ng mga kaganapan/events.
Makikita na ang nakataas na nail plate ay pwedeng makaapekto sa lahat ng edad, kasarian, at lahi. Bagama’t mas maliwanag ito sa mga babaeng nasa hustong gulang.
Mga Dahilan ng Nakataas na Nail Plate
Kapag ang nail plate ay tumaas mula sa nail bed. Mapapansin na ang nakataas na nail plate ay nagiging puti sa kulay, Ang mga karaniwang dahilan para sa isang lifted nail plate ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Psoriasis
- Mga impeksyon sa fungal o tinea
- Sobrang paggamit ng nail polishes na naglalaman ng formalin
- Labis na paglilinis sa ilalim ng iyong mga kuko
- Magaspang at walang ingat na pagtanggal ng artificial nails
Paano Gamutin ang Natanggal na Kuko?
Isang mahalagang paalala: ang natanggal na bahagi ng iyong kuko ay hindi na muling makakabit. Pinakamabuting humingi ng medikal na atensyon para sa kondisyong ito. Ngunit pwede mo ring gawin ang mga sumusunod. Para mabawasan ang sakit at discomfort ng lifted nail plate:
- I-minimize ang mga aktibidad na nakaka-trauma o nakakaabala sa nail plate at nail bed.
- Dahan-dahan at maingat na i-clip ang apektadong kuko. Panatilihin din na maikli ang lahat ng iyong mga kuko na may masigasig na pag-trim.
- Iwasan ang mga sangkap na ikinategorya bilang irritants. Kabilang sa mga halimbawa nito: ang nail enamel, enamel remover, detergent, at solvents.
- Magsuot ng komportableng guwantes kung hilig mong magsagawa ng trabaho. Ang mga guwantes na cotton o vinyl ay good choices.
- Lagyan ng tape ang apektadong kuko at ang nasa ilalim na digit.
- Mag-apply o gumamit ng antimicrobial agents o ibabad ito. Para mabawasan ang panganib ng impeksyon. Ang diluted na suka ay isang magandang halimbawa.
Ang mga partikular na hakbang na ito ay maaari ring gawin. Ngunit ito ay depende lamang sa dahilan at kaso. Tandaan na ang mga gamot at partikular na tritment ay nakadepende sa magiging assessment at judgement ng attending doctor.
Key Takeaways
Sa konklusyon, ang paghahanap ng agarang medikal na atensyon ay ang pinakamahusay na paraan para sa kondisyong ito. Ang mga kaso ng lifted nail plate ay dapat na matugunan kaagad. Para maiwasan ang impeksyon at iba pang malubhang komplikasyon. Ang pangangalaga ng kuko ay tanda ng pagpapahalaga sa kalusugan. Maganda na maging maingat sa ating mga kuko. Upang maiwasan ang anumang discomfort na pwedeng idulot ng pagkakatanggal ng kuko. Huwag din mag-panic, sapagkat ang natanggal na kuko ay maaaring mapalitan. Dahil muling tumutubo ang mga kuko.
Matuto pa tungkol sa Nail Care dito.
[embed-health-tool-bmi]