Kahit minsan, malamang naisipan mo nang magkulay ng buhok upang magkaroon ng new look. Madali lang itong ipagawa sa salon, pero medyo magastos. Kung alam mo lang sana kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa!
Kung gusto mong malaman paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa, nandito ka sa tamang lugar. Bibigyan ka namin ng step-by-step guide kung paano ligtas at epektibong makukulayan ang sariling buhok habang nasa bahay.
Mga Dapat Malaman Bago Kulayan Ang Sariling Buhok
Bago alamin kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa, dapat mo munang isaisip ang mga tip na ito:
Makatutulong ang paghuhugas ng buhok nang maaga
Makatutulong sa pagpapanatili sa natural oil ng buhok ang paghuhugas ng buhok nang maaga. Maaari din itong makadagdag sa natural na kulay ng pangkulay sa buhok at magpapatagal ng kulay nito. Kung maaari, huwag gumamit ng conditioner kapag huhugasan ang buhok isang araw bago ito kulayan. Kadalasang naaalis ng conditioner ang natural na oil ng buhok.
May general rule sa pagpili ng kulay
Posibleng may kulay ka nang iniisip. Ngunit bago magpakasiguro dito, tingnan muna kung babagay ito sa sarili.
Ang pagpili ng kulay na mas maitim o mas maliwanag nang dalawang beses kumpara sa iyong natural na kulay ang general rule dito. Kung bago palang sa pagkukulay ng buhok, maaaring gumamit ng temporary dye o subukan muna ito sa kapirasong buhok. Mas napadadali nito ang pagpapalit ng kulay o pag-aayos ng buhok sakaling masira man ito. Tandaang maglagay ng temporary dye habang mamasa-masa pa ang iyong buhok.
Posibleng maging makalat
Maghanda ng mga lumang dyaryo o anumang pantakip para maprotektahan ang sahig mula sa mga mantsa. Maghanda ng tuwalya para mapunasan kaagad ang pangkulay. Magsuot ng lumang damit na hindi na gusto o piliin ang mga gusto nang itapon.
Maaaring makulayan ang iyong balat
Kapag nagkukulay ng buhok, maaari din tumulo ang ilan sa mga pangkulay. Kaya naman ipinapayong takpan ang balikat gamit ang iba pang damit, tuwalya o scarf.
Maaari ka ring bumili ng hood sa bilihan ng mga hairdresser. Kung gagamit ng tuwalya, pumili ng madilim na kulay para hindi makita ang pangkulay. I-secure ang tuwalya sa harap ng leeg gamit ang karayom o clip.
Makatutulong ang paglalagay ng vaseline sa pag-alis ng mantsa
Maghanda ng Vaseline bago magkulay. Bagaman opsyonal, napapadali ng paglalagay ng vaseline sa balat (noo, leeg, atbp.) ang pagtatanggal ng mantsa galing sa pangkulay (kung mayroon man!) Kung may sariling vaseline ang hair coloring pack, mas mabuting gamitin ito.
Kinakailangan ang gloves
Karaniwang kasama na sa mga dye kit ang gloves. Kung wala nito, maaaring gumamit ng disposable latex o nylon gloves. Kailangan magsuot ng gloves kapag nagkukulay ng buhok. Kung hindi, maaaring makulayan din ang balat ng iyong mga kamay!
Mas napapadali ng pagsusuklay ang pagkukulay ng buhok
Isa sa mga mahalagang hakbang sa kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa ang pagsiguro na maayos na nasuklay ang iyong buhok. Mas mapapadali nito ang paglalagay ng pangkulay. Mabibigyan din nito ng mas pantay na kulay ang iyong buhok.
Mahalagang sundin ang gabay na nasa pakete
Sa paghahalo ng pangkulay sa buhok, siguraduhing sundin ang mga gabay nito sa pakete. Maaaring makaapekto ang hindi pagsunod nito sa kalidad ng pangkulay o sa kakayahan ng pangkulay na tumagal.
Paano Kulayan Ang Buhok Sa Bahay Nang Mag-Isa
Narito ang isang mabilis na gabay sa kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa:
Step 1: Gamit ang suklay, hatiin ang buhok sa maraming seksyon
Gumamit ng malalaking hair clips (mabibili sa mga supermarket) para i-clip ang mga seksyon ng buhok. Nakatutulong sa pantay na paglalagay ng kulay ang paghahati ng buhok sa mga seksyon. Gayundin, mas mababa ang posibilidad na makalimutang kulayan ang iba pang strand.
Step 2: Maglagay ng pangkulay sa bawat seksyon ng buhok
Lagyan ng pangkulay ang bawat seksyon ng buhok na nasa 1cm ang lapad. Gumamit ng applicator bottle o brush para pantay-pantay na malagyan ng pangkulay ang buhok. Maaari ding gamitin ang mga kamay na may gloves para mas mapantay ang kulay.
Step 3: Iwanan ang pangkulay sa loob ng partikular na oras
Sundin ang gabay sa pakete. Huwag hugasan ang pangkulay bago ang takdang oras o iwanan ito nang mas matagal. Tandaan na sundin ang mga gabay. Kung maraming puting buhok, pinakamabuting patagalin ang kulay sa buhok ayon sa pinakamatagal na oras ayon sa pakete. Huwag iwanan magdamag ang pangkulay dahil maaaring maging dry ang iyong buhok at magdulot ng matinding pangangati sa anit.
Step 4: Punasan ang pangkulay sa balat gamit ang tissue o basang tuwalya
Habang pinupunasan ang mga mantsa sa balat, iwasan mahawakan ang pangkulay sa buhok. Kung ninanais, maaaring magsuot ng shower cap. Kapag naisuot na ang shower cap, maaaring balutin pa ito ng tuwalya para maayos itong nakatakip. Nakatutulong din ito sa mabilis na proseso ng pagkukulay
Step 5: Banlawan ang buhok
Kapag tapos na ang oras, banlawan ang buhok gamit ang maligamgam na tubig hanggang sa wala nang kulay ang tubig. Magagawa ito sa shower o lababo.
Step 6: Gumamit ng shampoo at conditioner sa buhok
Isa pang hakbang sa kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa ang paghihintay ng hindi bababa sa isang oras bago mag-shampoo ng buhok. Binibigyan nito ng sapat na oras ang pangkulay para kumapit sa buhok. Pagtapos mag-shampoo, maglagay ng conditioner bago banlawan.
Step 7: Gumamit ng blow-dry at mag-style na karaniwang ginagawa
Bilang huling hakbang sa kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa, maaari mong i-blow-dry ang iyong buhok. Kapag tuyo na ang buhok, ayusin ito katulad ng dati. Kung hindi natuwa sa resulta at nais baguhin ang kulay nito, maghintay ng hindi bababa sa 2 linggo para kulayan muli ang buhok.
Mga karagdagang tip sa unang beses na pagkukulay ng buhok
Kung ito ang unang beses na gagamit ng pangkulay sa buhok, makatutulong na malaman ang mga sumusunod na tip:
Humingi ng tulong sa kaibigan
Kung hindi alam kung paano kulayan ang buhok sa bahay nang mag-isa, mainam na may isang taong may sapat na kaalaman dito ang magbabahagi ng kanilang karanasan sa iyo.
Subukan ang pangkulay sa balat para malaman kung may allergy
Naglalaman ng kemikal na paraphenylenediamine ang ilang mga pangkulay, kung saan allergic ang ibang mga tao. Para sa kaligtasan, mabuting subukan ang pangkulay sa maliit na bahagi ng balat bago ito ilagay sa buhok. Direktang ipahid ang pangkulay sa balat, maaaring sa likod ng tainga o sa loob na bahagi ng kamay, hayaan ito sa loob ng 20 na minuto, hugasan pagtapos at maghintay ng hindi bababa sa 24 na oras para makita kung may allergic reaction.
Mag-ingat sa mga hindi magandang reaksyon
Kung makaranas ng burning o itching sensation pagtapos maglagay ng pangkulay, hugasan ito kaagad.
Gumamit ng malamig na tubig sa pagligo
Makatutulong ang pagligo sa malamig na tubig para mas tumagal ang kulay sa iyong buhok. Iwasang paliguan ng mainit na tubig ang iyong buhok dahil nagiging sanhi ito ng mabilis na pagkawala ng kulay ng buhok.
Para sa isang event ba ang pagkukulay? Kaya naman kulayan ang buhok 1 linggo bago ang event
Kung gustong magpakulay ng buhok para sa event o holiday at gusto ng natural na kulay, kulayan ang buhok isang linggo bago ang event. Mabibigyan ka nito ng oras para mapaliguan at mahugasan ang buhok nang ilang beses. Pagkatapos ng isang linggo, magkakaroon na ng ninanais na natural na kulay ang iyong buhok.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Buhok at Anit dito.