backup og meta

Makating Anit: Ano Ang Maaaring Dahilan, At Ano Ang Solusyon Dito?

Makating Anit: Ano Ang Maaaring Dahilan, At Ano Ang Solusyon Dito?

Maraming mga bagay ang maaaring sanhi ng makating anit; mula sa produkto sa buhok hanggang sa sakit sa balat. Maaaring nakalilito ang sanhi at lunas sa makating anit, lalo na kung maraming mga posibleng rason. Mahirap na matukoy ang eksaktong sanhi nito.

Mahalaga na kumonsulta sa doktor upang matukoy ang pinaka mainam na lunas sa iyong kondisyon. Ang self medication o paggagamot sa sarili nang walang konsulta ay pwedeng magpalala ng kondisyon.

Ano ang Pinaka Karaniwang Sanhi ng Makating Anit

Ang dahilan sa makating anit ay maaaring marami at iba-iba. Pero narito ang pinaka karaniwang sanhi at gamot sa makating anit.

1. Lisa

Sa umpisang magkaroon ka ng lisa sa ulo, nasa apat hanggang anim na linggo bago mo maranasan ang pangangati. Ang lisa sa ulo (Pediculus humanus capitis) ay maliliit na insekto na namumuhay sa buhok ng tao at sumisipsip ng dugo mula sa anit. Ang pagkagat nila ay nagiging sanhi ng pangangati at iritasyon sa anit.

2. Scabies

Isang maliit na garapata na tinatawag na human itch mite na namamahay sa anit na nagbibigay ng rason upang magkamot. Maaari kang makakuha ng garapata mula sa matagal na direktang contact sa taong mayroon nito o mula sa higaan at tuwalya na mayroon nito.

3. Scalp Ringworm

Kilala sa tawag na tinea capitis, ang fungal infection na ito ay karaniwang nakikita bilang makaliskis at panot sa ulo na makati. Mas karaniwan ang tinea capitis sa mga bata at ito ay nakahahawa.

4. Balakubak

Ang balakubak ay karaniwang kasama ng pangangati ng anit. Ito ay nangyayari sa anit kung ito ay irritated na sanhi ng shed at flake. Maaaring maging sanhi ng balakubak ang dryness, reaksyon sa produkto sa buhok, at sakit sa balat.

5. Allergic Reaction

Ang mga produkto sa buhok mula sa shampoos hanggang sa hair sprays ay maaaring maging sanhi ng reaksyon sa anit, na magreresulta sa pamumula, flake, at pangangati.

6.Scalp Psoriasis

Ang mga taong may psoriasis ay maaaring magkaroon ng flare-ups sa kanilang anit. Kung nangyari ang flare-up, makikita ang mga mapupulang patches sa anit. Maaaring ito ay mild o intense.

7. Sunburn

Ang matagal na exposure sa araw ay humahantong sa sunburn sa anit kahit na ito ay puno ng buhok. Ang sunburn, lalo na kung ito ay pagaling na ay magiging sanhi ng sobrang pangangati.

8. Poor Hygiene 

Ang pagdami ng oil, dumi, at pawis ay maaaring maging sanhi ng makating anit.

9. Phantom Scalp Itch

Ang Scalp Dysesthesia, na kilala rin sa tawag na burning scalp syndrome o phantom scalp itch ay kaugnay ng cervical spine disease. Walang makikitang rash o flaking. Ang phantom scalp itch ay kabilang ang mahapdi, parang tinutusok at pangangati sa anit o sa ilalim ng anit.

10. Skin Cancer

Ang skin cancer, gaya ng squamous cell carcinoma ay maaaring ma-develop sa anit. Ang ganitong uri ng skin cancer ay nade-develop sa balat na karaniwang dahil sa exposure sa araw.

11. Hives

Ang hives ay kondisyon sa balat na mapula o skin-colored bumps na parang bug bites sa balat, maging sa anit. Ito ay makati at nati-trigger sa iba’t ibang salik tulad ng pagkain, gamot, sun exposure, at pagsasalin ng dugo.

12. Scalp Folliculitis

Ito ay maliit na mapulang bumps o white-headed pustules na parang tigyawat sa paligid ng maliliit na pockets kung saan tumutubo ang buhok. Ito ay sanhi ng bacterial o fungal infection.

13. Mahina o faulty immune system

Kung ang immune system ay hindi nagtatrabaho nang maayos, nagiging resulta ito na hindi maprotektahan ang katawan laban sa atake ng cells. Ang Lichen Planopilaris, Alopecia Areata, Lupus, at Lymphoma ay mga kondisyon sa immune system at maaaring maging sanhi ng makating anit.

Home Remedies para sa Makating Anit

Bago sumubok ng kahit na anong gamot, siguraduhin na alam ang pinagmulan ng makating anit. Ang maling lunas ay maaaring makairita o makasira sa anit, na humahantong sa mas malalang kondisyon at labis na pangangati.

Para sa mas seryosong sanhi lalo na sa mga may kaugnayan sa immune system, bisitahin ang iyong doktor at gamitin ang iniresetang gamot.

Para sa mild na mga kaso, na hindi kinakailangan ng medikal na atensyon, may mga home remedies na maaaring makagamot at makatanggal ng makating anit.

Ang cold compress ay nakatutulong sa pagkawala ng malalang makating anit. Ito ay mainam na gawain lalo na kung hindi sigurado sa kung anong sanhi ng pangangati. Pangkalahatan, inirerekomenda ng mga doktor ang over-the-counter anti-dandruff shampoo, pagpapatigil sa paggamit ng mga produktong nagdudulot ng pagkairita ng anit (kung alam mo ang mga produktong nag-ti-trigger ng flare-ups), at oral antihistamines.

Mahalagang Tandaan

Maraming mga salik na sanhi ng makating anit at marami ring gamot para lunasan ito. Iba-iba ng mga sanhi at gamot ng makating anit. Pinakamabuting humingi ng payo mula sa doktor bago magsagawa ng anumang lunas. Para sa mild cases, ang mga gamot sa bahay ay available upang mawala at gamutin ang makating anit.

Matuto pa tungkol sa Buhok at Pangangalaga ng Anit dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Head Lice, https://kidshealth.org/en/teens/head-lice.html, Accessed January 5, 2020

10 REASONS YOUR SCALP ITCHES AND HOW TO GET RELIEF, https://www.aad.org/public/everyday-care/itchy-skin/itch-relief/relieve-scalp-itch, Accessed January 5, 2020

Lichen Planopilaris, https://www.bad.org.uk/shared/get-file.ashx?id=97&itemtype=document#:~:text=Lichen%20planopilaris%20typically%20causes%20an,hair%20loss%20may%20be%20noticed., Accessed January 5, 2020

Managing Itch, https://nationaleczema.org/eczema/itchy-skin/, Accessed January 5, 2020

Do You Have an Itchy Scalp? 5 Common Problems and Fixes, https://health.clevelandclinic.org/itchy-scalp-5-common-problems-and-fixes/, Accessed January 5, 2020

The Itchy scalp – scratching for an explanation, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3233984/, Accessed January 5, 2020

 

Kasalukuyang Version

04/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang Benepisyo ng Collagen sa ating Kalusugan?

Paano Maiwasan Ang Paglagas Ng Buhok? Narito Ang 9 Tips Na Maaari Mong Subukan!


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement