Ano ang pinakamagandang langis para sa buhok? Para sa ating masuwerteng nagkaroon ng buhok, hangad nating mapanatiling makapal ito. Kadalasang magkasabay ang pagtubo at pagkapal ng buhok.
Sa kasamaang palad, hindi lahat ay pinagpalang magkaroon ng ganitong buhok. Bukod pa sa mga taong nakararanas ng maagang pagkakalbo at pagnipis ng buhok, karaniwan nang makahanap ng mga produktong nagsasabing kaya nitong makapagpatubo ng buhok. Ilan sa mga ito ay pinaniniwalaang nakapagpapakapal ng buhok habang pinananatiling mahaba at madulas.
Pagkalagas Ng Buhok
Bagaman karaniwan nang makakita ng kalbo o lalaking kalbo, mayroon ding mga babaeng nakakalbo.
Kilala rin bilang alopecia, puwedeng maapektuhan ng pagkalagas ng buhok ang anit mo lamang o ang buong katawan nang pansamantala o permanente na. Maaari itong namamana, dahil sa pagbabago sa hormones, kondisyong medikal, o dahil sa simpleng pagtanda.
Ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkakalbo ay hereditary hair loss (namamana). Maraming mga tao ang itinatago ito sa pamamagitan ng hairstyles, wigs, makeups, sumbrero, at iba pang pamamaraan.
Mga Natural Na Langis Para Sa Buhok
Syempre, pinakamainam na humanap ng natural options. Mas maganda ito kumpara sa synthetic, chemical, o surgical na paraan ng pagpapanumbalik ng nalagas na buhok.
Zizyphus Jujuba Essential Oil
Isang pag-aaral na isinagawa noong 2010 gamit ang mga daga bilang test subjects upang mataya kung gaano kaepektibo ang essential oil mula sa mga buto ng Zizyphus jujuba na makapagpatubo ng buhok. Matapos ang 21 araw, nagamot ang mga daga ng 1% at 10% ng langis ay nakagawa ng malaking epekto sa haba ng buhok. Nasukat ang pagtubo ng buhok sa pagitan ng 9.96 at 10.02 mm.
Peppermint Oil
Samantala, pinag-aralan sa isang pananaliksik noong 2014 na kinabibilangan ng mga daga ang epekto ng peppermint oil (Mentha pipirita) sa pagtubo ng buhok. Malawakan nang ginagamit ang peppermint oil bilang carminative at gastric stimulant bukod pa sa pagiging fragrance component at skin conditioning agent. Sinasabi ng resulta ng pag-aaral na nagdudulot ng rapid anagen stage ang peppermint oil at puwedeng gamitin bilang practical agent para sa pagtubo ng buhok nang hindi nababago ang pagtaas ng timbang at food efficiency.
Sino ang mag-aakalang puwedeng gamitin ang peppermint oils sa pagpapatubo ng buhok?
Pumpkin Seed Oil
Isa pang pag-aaral noong 2014 ang isinagawa upang direktang gamutin ang sakit na moderate androgenetic alopecia. Ang mga taong nakararanas ng sakit na ito ay nalalagasan ng buhok sa buong katawan sa loob ng ilang taon. Nagkaroon ng positive anabolic effect sa pagtubo ng buhok ang mga lalaking binigyan ng pumpkin seed oil supplement sa loob ng 24 na linggo.
Ang mga natural na produkto gaya ng grape seed at rosemary oil ay nagpakita ng positibong alternatibong gamutan para sa moderate androgenetic alopecia dulot ng gumandang daloy ng dugo sa anit. Nagkaroon na rin ng mga over-the-counter solutions sa mga pamilihan sa anyo ng minoxidil at finasteride. Ngunit may ilang mga side effect ang naitala sa paggamit nito. Kaya naman, patuloy ang paghahanap ng solusyon sa mga natural oils.
Key Takeaways
Maaaring maging traumatic ang alopecia o pagkalagas ng buhok sa mga taong nakararanas nito. Totoo ito lalo na kung biglaan itong nangyari o nasanay ang taong may makapal at mahabang buhok.
Ano ang pinakamagandang langis para sa buhok? Ilan sa mga napag-aralan ay pumpkin seed, peppermint, at langis ng jujuba. Ngunit patuloy pa rin ang paghahanap ng natural na langis para sa buhok. Bagaman wala pang malinaw na sagot sa ganitong problema, mayroon na ring mga nagawa, lalo na pagdating sa mga natural na langis para sa buhok. Maaaring ang mga langis para sa buhok ang susi sa matagal nang problemang ito.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Buhok at Anit dito.