Madalas na concern ng mga tao ang sobrang buhaghag na buhok dahil ito ay itinuturing na kayamanan ng karamihan. Ang buhok ang isa sa “source of confidence” ng isang indibidwal sa paniniwala na sila ay “maganda.” Kaya naman hindi nakapagtataka kung nauuwi sa pagkabalisa ang isang tao kapag labis na nagiging buhaghag ang kanilang mga buhok, dahil ang pakiramdaman nila ay hindi na sila kaaya-ayang pagmasdan o tingnan. Gayunpaman, kung ganito na ang iyong nararamdaman sa buhok maaari mong subukan ang ilang mga paraan upang mapabuti at mapaganda ang buhok. Pwede ka ring kumunsulta sa mga eksperto sa buhok at doktor para makahingi ng diagnosis at payo sa’yong hair problems.
Bago rin natin alamin ang mga paraan sa pagpapaganda ng buhok, tukuyin muna natin ang katotohanan sa pagkakaroon ng buhaghag na mga buhok.
Bakit Nagiging Buhaghag Ang Buhok Ng Isang Tao?
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng frizzy hair ang isang tao at narito ang mga sumusunod na kadahilanan na dapat mong malaman:
Pagpapaligo Sa Buhok Sa Napakainit Na tubig
Tandaan na ang pagpapaligo o pagbasa ng buhok gamit ang napakainit na tubig ay maaaring maging sanhi ng pagkabuhaghag ng buhok dahil naiistres nito ang iyong scalp at buhok.
Sobra-Sobrang Pagpapaligo o Basa Sa Buhok
Kapag lagi mong binabasa o pinapaliguan ang iyong buhok, pwede nitong maalis ang natural oils sa’yong hair na kailangan para maging malusog ang iyong mga buhok.
Humidity o Kahalumigmig
Kung mapapansin, sa tuwing mainit ang panahon o humid summer nagiging buhaghag ang mga buhok ng isang tao dahil sa humidity. Ayon pa sa pagpapaliwanag ni Monica Davis, isang propesyonal na hairstylist, ang dry cuticle ay nagiging magaspang at bukas para sa humidity na nagreresulta ng overdried hair frizzy o sobrang tuyong mga buhok na kulot. Ito’y dahil ang outer layer ay nagsisimulang magbabad o soaked sa moisture mula sa hangin.
Bakit Nagiging Buhaghag Ang Buhok: Mga Nakakapinsala o Harsh Hair Products
Ang sobra-sobrang paggamit ng mga produkto sa buhok na nagtataglay ng nakakapinsala o harsh chemicals ay nakakabuhaghag ng buhok at nakakasira. Dahil ang labis na lightening, bleaching, at coloring hair na may kasamang napakatapang at mataas na ammonia contents ay nakaka-damage ng surface ng buhok. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagiging buhaghag ang buhok ng isang tao.
Bakit Nagiging Buhaghag Ang Buhok: Pag-Style Ng Buhok o Heat Styling
Pwedeng makasira ng buhok ang sobrang hot styling kaya ipinapayo na hindi ito dapat gawin ng araw-araw. Kung balak mong gumamit ng heat styling sa buhok, magandang humanap din ng conditioners, sprays, o oils na makakatulong sa pag-minimize ng sira ng buhok.
Pagpapatuyo Ng Buhok Gamit Ang Towel
Ang friction na nagaganap sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel ay maaaring magdulot ng pagkabuhaghag ng iyong buhok. Lalo na kung masyadong magiging intense ang paraan ng pagpapatuyo ng sariling mga buhok. Kaya naman ipinapayo ang paggamit ng mga gentle brushers sa pagsusuklay at pagpapatuyo ng ating mga buhok para maiwasan ang pagiging buhaghag nito.
Mga Dapat Gawin Sa Pagpapaganda Ng Buhok
Narito ang shortlist ng mga bagay na pwedeng gawin upang maiwasan ang buhaghag na buhok:
- Gumamit ng frizz protectant kung ang inyong panahon ay humid
- Huwag masyadong hugasan o paliguan ang mga buhok
- Paggamit ng boar-bristle brush
- Iwasan ang sobrang hair treatment na nangangailangan ng paggamit ng harsh products at kemikal
- Bawasan ang pagsasagawa ng heat styling at huwag itong gawin araw-araw
- Gumamit ng maligamgam na tubig o lukewarm water sa paghuhugas o pagpapaligo ng iyong mga buhok
- Gumamit ng conditioner o mask para sa ating buhok
- Paggamit ng microfiber towel para mapatuyo ang buhok
Key Takeaways
Ang pangangalaga ng buhok ay isang magandang habit para mahalin at maipakita ang pagpapahalaga sa sarili. Ngayon na alam mo na ang mga dahilan kung bakit nagiging buhaghag ang buhok ng isang tao, mas madali na para sa’yo na mapangalagaan ang kalusugan ng iyong buhok at gawin ang mga angkop na bagay sa pagpapanatili ng kagandahan nito.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Buhok at Anit dito.