backup og meta

Ano Ang Hirsutism? Paano Ito Gamutin?

Ano Ang Hirsutism? Paano Ito Gamutin?

Ang ilang mga kababaihan ay napakapartikular sa kanilang hitsura. Kasama rito kung gaano karaming buhok ang tumutubo sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, tulad ng sa itaas na bahagi ng labi. Ang ilan ay maaaring maging conscious tungkol dito. Subalit ano ang hirsutism? At paano maaaring masolusyunan ang iyong mga alalahanin tungkol sa kondisyong ito?

Ano Ang Hirsutism?

Ang hirsutism ay tumutukoy sa kondisyon kung saan nagkakaroon ng sobrang pagtubo ng buhok ng isang babae sa iba’t ibang bahagi ng katawan, tulad ng mga sumusunod:

  • Mukha (partikular sa itaas na bahagi ng labi, panga)
  • Dibdib
  • Likod
  • Braso
  • Ibaba bahagi ng tiyan
  • Puwitan
  • Hita

Bilang karagdagan, ang mga kababaihang may ganitong kondisyon ay maaaring magkaroon ng mas maitim, mas makapal, mas mahabang buhok kaysa sa karaniwan.

Ang kondisyong ito ay kadalasang dulot ng mataas na lebel ng male hormones, partikular na ang androgens. May ilang mga kababaihang maaari ding magkaroon nito dulot ng pagbabago sa hormones sanhi ng menopause, adrenal o maging ang ovarian dysfunction.

Karaniwang unang napapansin ang hirsutism sa mga huling taon ng pagdadalaga at lumulubha habang tumatanda, ngunit karaniwan itong nadadaan sa mga gamutan.

Ano Ang Hirsutism? Sintomas Nito

Sa tuwing itinatanong ng mga tao ang tungkol sa kung ano ang hirsutism, kadalasan itong sinusundan ng isa pang tanong tungkol sa mga sintomas nito. Bukod sa labis na pagtubo ng buhok sa iba’t ibang mga bahagi, ilan sa mga senyales at sintomas ay ang mga sumusunod:

  • Tigyawat
  • Hindi regular na regla
  • Pagkawala ng hugis ng katawan ng babae
  • Pagliit ng laki ng dibdib
  • Senyales ng pagiging lalaki (halimbawa: paglalim ng boses, pagtaas ng muscle mass, paglaki ng muscles ng braso, pagkakalbo, paglaki ng clitoris)

Karaniwang nararanasan ang mga sintomas na ito ng mga babaeng may mataas na lebel ng androgen. Ang hirsutism ay nauugnay din sa isa pang kondisyong tinatawag na virilization.

Sa kabilang banda, kung ito ay dahil sa Cushing Syndrome, maaaring kabilang sa mga sintomas ang mga sumusunod:

  • Obesity
  • Altapresyon (mataas na presyon ng dugo)
  • Pagnipis ng balat

Ano Ang Hirsutism? Mga Sanhi Nito

Maaaring maipasa sa pamilya ang hirsutismo. Bukod pa rito, maaari din itong resulta ng:

  • Sobrang produksyon ng androgens
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Mga sakit sa mga glands (i.e., pituitary, adrenal, thyroid gland)
  • Mga tumor sa mga obaryo, na nagpoprodyus ng mga karagdagang androgen
  • Cushing syndrome
  • Paggamit ng steroids (anabolic o corticosteroids)
  • Paggamit ng mga gamot upang gamutin ang endometriosis
  • Mga tiyak na gamot na maaaring maging sanhi ng pagtubo ng buhok (phenytoin, minoxidil, diazoxide,diazoxide, cyclosporine)
  • Malubhang insulin resistance
  • Mga pagbabago sa hormones dulot ng menopause

Samantala, may ilang mga kaso kung saan ang pinakasanhi ay hindi nalalaman. Tinutukoy ito ng mga medikal na eksperto bilang idiopathic hirsutism.

Upang matukoy ang lawak ng pagtubo ng buhok, magsasagawa ang doktor ng pisikal na pagsusuri. Bukod sa pagsusuri sa mga pisikal na senyales, maaari ding magsagawa ang doktor ng mga pagsusuri upang matukoy ang iba pang mga kondisyon.

Paano Ito Gamutin?

May maraming iba’t ibang mga paraan upang malunasan ang hindi normal na pagtubo ng buhok. Ang lunas ay kadalasang nakadepende sa kagustuhan ng pasyente.

Maaaring unang irekomenda ng mga doktor ang pagbabawas ng kaunting timbang para sa mga overweight. Makatutulong ito sa pagbabawas sa lebel ng androgen.

[embed-health-tool-bmi]

Ang ilang pansamantala ngunit madaling topikal na gamot upang tanggalin ang buhok ay ang mga sumusunod:

  • Pag-ahit
  • Waxing
  • Pagbubunot
  • Pagpapaputi
  • Depilatory creams
  • Inireresetang cream, lotion, o gel para pabagalin ang pagtubo ng buhok

Maaari ring isaalang-alang ang pag-inom ng ilang mga gamot, pagsasagawa ng electrolysis, o maging laser hair removal upang gamutin ang hirsutism.

Key Takeaways

Ang hirsutism ay isang pangmatagalang kondisyon kung saan ang gamutan at pagkontrol nito ay madali mong magagamit.
Maaaring piliin ang pagtanggal sa mga sobrang buhok habang nasa bahay. O, maaaring maghanap ng mga gamot o iba pang paraan ng gamutan mula sa iyong doktor upang matulungan ka sa iyong alalahanin.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Buhok at Anit dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hirsutism, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hirsutism/symptoms-causes/syc-20354935#:~:text=Hirsutism%20, Accessed March 24, 2022

Excessive Hair Growth (Hirsutism), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14523-excessive-hair-growth-hirsutism, Accessed March 24, 2022

Excessive hair growth (hirsutism), https://www.nhs.uk/conditions/hirsutism/, Accessed March 24, 2022

Hirsutism, https://familydoctor.org/condition/hirsutism/, Accessed March 24, 2022

Hirsutism, https://dermnetnz.org/topics/hirsutism, Accessed March 24, 2022

Hirsutism, https://www.mountsinai.org/health-library/condition/hirsutism, Accessed March 24, 2022

Hirsutism in Women (Excessive Body Hair Growth), https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/h/hirsutism-in-women-excess-body-hair-growth.html, Accessed March 24, 2022

 

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang Benepisyo ng Collagen sa ating Kalusugan?

Paano Maiwasan Ang Paglagas Ng Buhok? Narito Ang 9 Tips Na Maaari Mong Subukan!


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement