Ang aloe vera para sa buhok ay pwede bang maging sagot sa mabagal na hair growth? Marami ang nagtatanong nito, dahil na rin sa mga napatunayang benepisyo ng aloe vera. Idagdag mo pa na maraming indibidwal ang nakakaranas ng mga isyu, dahil sa mabagal na pagtubo ng kanilang buhok–sanhi para bumaba ang kanilang self-esteem at tumaas pang lalo ang insecurity.
Sa totoo lang, hindi masamang ideya na gumamit ng aloe vera para sa buhok. Ngunit alam mo ba, na bukod sa aloe vera marami pang mga halamang gamot ang pwedeng gamitin para sagutin ang iyong hair growth problem?
Basahin ang artikulong ito para sa mga makabuluhang impormasyon tnaturang ungkol sa mga halamang gamot na pwedeng subukan, upang mapalago, mapabilis at natural na humaba ang buhok.
Rosemary
May mga ilang tao na gumagamit ng rosemary, para magdagdag ng lasa sa kanilang mga pagkaing karne at pasta. Ngunit ang ilan ay bumibili ng essential oil para sa kanilang buhok, at pangangalaga sa anit.
Natuklasan noong 2013 sa isang pag-aaral — na ang rosemary oil ay pwedeng magpatubo muli ng buhok ng mga “mice subject with testosterone-related hair loss”. Kung saan, ang male-pattern baldness ay kadalasang nangyayari dahil sa dihydrotestosterone (DHT). Isang by-product ng testosterone na umaatake sa hair follicles.
Habang ang pag-aaral ay inconclusive, ang naturang researcher ay naniniwala na ang rosemary ay pwedeng makatulong sa paglago ng buhok. Dahil ang rosemary ay nag-render ng DHT na hindi kayang atakehin ang mga follicle ng buhok.
Aloe vera para sa buhok
Maraming tao ang nagtatanong kung paano gamitin ang aloe vera para sa buhok? Halos lahat ay may paniniwala na mabisa ito. Makikita na maraming anecdotal reports kaugnay dito ang naipo-post online.
Gayunpaman, kulang pa rin tayo sa scientific proof na ang aloe vera ay nagtataguyod ng paglago ng buhok.
Subalit, ang paggamit ng aloe vera para sa buhok, at pangangalaga sa anit ay hindi masamang ideya. Lalo na kung isinasaalang-alang ang potential benefits nito. Narito ang mga sumusunod:
- Pagpapaginhawa sa pamamaga ng anit. Dahil mayroon itong anti-inflammatory properties
- Moisturization
- Malalim na paglilinis o deep cleansing. Pwedeng alisin ng aloe vera ang labis na sebum at product residue mula sa buhok.
- Pagsulong ng malusog na paglaki ng cell dahil naglalaman ito ng vitamin A, C, at E.
Ang ilang mga eksperto ay naniniwala na kapag ang buhok ay malalim na nilinis, moisturized, at nasa kondisyon. Makikita na ang mga hibla ay nagiging mas matibay, at binabawasan ang pagka lagas ng buhok.
Paano gamitin ang aloe vera para sa buhok
Dahil kailangan pa ng mga scientific proof upang pagtibayin na nakakatulong ang aloe vera sa hair growth. Wala pang unibersal na paraan ang tinatanggap para gamitin ito sa layuning pagpapalago ng buhok.
Maaari mong piliing maglagay ng hair care products na may aloe, bilang active ingredient. Bilang kahalili, pwede ka ring kumuha ng gel nang direkta mula sa halaman, at imasahe ito sa iyong anit sa loob ng ilang minuto, gamit ang iyong mga daliri.
Cinnamon
Karamihan sa atin ay iniuugnay lamang ang cinnamon sa sweet scents at pastry. Ngunit, maraming pag-aaral ang nagpakita na pwede itong mag-promote ng hair growth.
Halimbawa, sa isang animal study na isinagawa noong 2018, nakita na ang cinnamon oil ay nagpabuti ng hair length sa male rat subjects. Inihambing pa nila ang epekto sa humigit-kumulang 2% topical minoxidil, isang karaniwang gamot para tugon sa pagkawala ng buhok.
Na-conclude ng researchers na ang positibong epekto ay pwedeng dahil sa cinnamaldehyde. Ang aktibong sangkap sa cinnamon na may kakayahang pataasin ang daloy ng dugo sa hair follicles.
Peppermint
Tulad ng cinnamon, ang peppermint ay pwede ding mapabuti ang sirkulasyon sa anit. Kung saan, maaari itong mag-promote ng paglago ng buhok.
Sa isang animal study, hinati ng mga investigator rat subjects. Ayon sa kanilang itinalagang mga partikular na paggamot: saline, jojoba oil, minoxidil, at peppermint oil. Sa apat na grupo, ang peppermint oil group ang nagpakita ng “most prominent hair growth effects”.
Karagdagang Home Remedies para sa Paglago ng Buhok
Bukod sa paghahanap kung paano gamitin ang aloe vera para sa buhok, huwag kalimutan na may iba pang mga aprubadong home remedies na nagtataguyod din ng paglago ng buhok.
Narito ang mga sumusunod:
- Pagmasahe sa Anit o Scalp Massage. Pinapabuti ng masahe ang sirkulasyon. Ito’y pwedeng makatulong sa paglago ng buhok. Maaari mong i-massage ang iyong buhok na tuyo, pwede mo ring gamitin ang oil para dito, tulad ng rosemary.
- Iwasan ang paninigarilyo. Ang cigarette toxins ay maaaring tumagos sa mga follicle ng buhok. Bukod dito, ang paninigarilyo ay nauugnay sa pagkawala ng buhok sa mga lalaki ng mas maaga.
- Alagaan ang iyong buhok sa pamamagitan ng hindi labis na pag-shampoo, at regular na pag-trim ng mga split end. Maging banayad o mild kapag nagsusuklay, at limitahan ang paggamit ng init (hair blower) kapag nag-iistayl ng buhok.
Kung mayroon kang mga problema sa pagkawala ng buhok, o gusto mong mapalago ang iyong buhok nang mas mabilis, huwag mag-atubiling makipag-usap sa’yong doktor. Maaaring bigyan ka nila ng mga gamot upang pasiglahin ang paglaki ng buhok at magrekomenda ng mga pagbabago sa pamumuhay na pwede mong gawin.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pangangalaga sa Buhok at Anit dito.