Ang pagpapaputi ay kilalang gawain sa Pilipinas. Sa partikular, maraming mga tao ang interesado tungkol sa mga paraan ng pampaputi ng kilikili. Ito rin ang rason bakit maraming mga pampaputi sa kilikili na trends sa bansa.
Ilan sa mga paraan na ito ay ginagawa sa tulong mga propesyonal, tulad ng dermatologist. Bagaman may mga DIY na paraan sa paggawa nito.
Basahin upang matuto tungkol sa pampaputi ng kilikili na popular, gaano kaligtas ito, at kung ang mga ito ba ay epektibo bilang pampaputi ng kilikili.
Popular na Pampaputi ng Kilikili
Bago natin pag-usapan ang iba’t ibang trends para sa pampaputi ng kilikili, kailangan natin pag-usapan bakit maraming mga tao ang gumagawa nito.
Sa paglipas ng panahon, hindi na uncommon para sa mga balat na maging maitim. Ang phenomenon na ito ay tinatawag na hyperpigmentation, at ito ay nangyayari dahil sa maraming mga rason. Kabilang dito ang genetics, exposure sa araw, pagtanda, kondisyon sa balat, o maging ang friction mula sa tiyak na uri ng damit.
Ang hyperpigmentation ay hindi dapat ipangamba. Sa maraming pagkakataon, ang hyperpigmentation ay hindi nakasasama, at masyadong madalang upang maging senyales ng seryosong kondisyon.
Gayunpaman, ang ilang mga tao ay nakikita ang hyperpigmentation na “hindi kanais-nais”, kaya’t sumusubok sila ng iba’t ibang paraan upang mapaputi ang balat.
Isa sa pinaka inaalala ng mga tao ay ang tungkol sa kanilang kilikili. Ang kilikili ay mas prone sa hyperpigmentation dahil sa friction, pag-ahit, pagbunot, waxing, o maging ang paglalagay ng deodorant. Kaya’t popular pa rin ang pampaputi ng kilikili na nangangakong puputi ito.
Ano ang ilan sa mga paraan na ito?
Sa Pamamagitan ng Pamamaraan na ito na Ginagawa ng Dermatologist
Ang una at pinaka direktang pamamaraan ay ang pagsasailalim sa pamamaraan na ginagawa ng dermatologist. Maaaring mas mahal ito kumpara sa ibang paraan, ngunit ito ay epektibo at ginagawa ng lisensyadong propesyonal. Narito ang ilan sa mga paraan:
Special creams
Ang mga taong naghahanap ng mas maputing balat, lalo na sa kilikili ay maaaring bumisita sa kanilang dermatologist upang kumuha ng creams na makatutulong magpaputi ng balat. Ito ay karaniwang naglalaman ng hydroquin at corticosteroid, karaniwan ay hydrocortisone.
Ang dermatologist ay ang magpapayo sa iyo kung paano gamitin ang cream, gaano karami ang gagamitin at ilang beses gagamitin. Maaaring tumagal ang treatment ng ilang buwan o hanggang sa ikaw ay satisfied sa epekto.
Posibleng makaranas ng side effects tulad ng pamumula, mahapdi, o pagkati ng balat. Kung nakaranas ng mga sintomas na ito, siguraduhin na sabihin sa iyong dermatologist.
Laser treatment
Gaya ng nabanggit ng pangalan nito, ang laser treatment ay ang paggamit ng lasers sa pagpapaputi ng balat. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng “pagsunog” ng upper layer ng balat, o pagsunog ng cells na naglalaman ng melanin. Ang paraan na ito ay maaaring maging sanhi ng discomfort tulad ng stinging o mahapding pakiramdam. Minsan ay gumagamit ang mga dermatologist ng numbing cream upang maiwasan ang ganung pakiramdam.
Ang paraang ito ay nagtatagal ng 30-60 na minuto, at nasa 1-2 linggo para mag-recover ang iyong balat. Karaniwang nararanasan ng mga pasyente ang pamumula. Ngunit kung gumaling na ang balat, mawawala rin ito.
DIY Methods
May dalawang popular na DIY na pamamaraan bilang pampaputi ng kilikili. Ang una ay ang paggamit ng baking soda, at ang pangalawa ay ang paggamit ng lemon.
Paggamit ng baking soda
Ito ay direkta dahil ang kailangan mo lamang na gawin ay haluin ang baking soda sa tubig upang maging paste, at ikuskus ito sa iyong kilikili. Iwan sa loob ng 30 minuto, at hugasan matapos.
Maraming mga nagsasabi na sa paglipas ng panahon, mapapansin mo na pumuputi ang iyong balat.
Paggamit ng lemon
Ang paraan na ito ay ang pagkuskus ng lemon sa iyong kilikili at iwan ang katas nito sa loob ng 30 minuto. Ang ilang mga tao ay inirerekomenda rin ang paghalo ng baking soda para sa mas matapang na epekto.
Matapos ito, hugasan ang katas ng lemon at patuyuin ang iyong kilikili. Paglipas ng panahon, mapapansin na pumuputi ang iyong balat.
Creams at lotions na pampaputi
Sa huli, maaari ka ring gumamit ng tiyak na cream at lotions na pampaputi. Gayunpaman, ang banta ng mga produkto na ito ay minsan ay maaaring makasunog at magdulot ng mas maitim na balat. Ito ay totoo lalo na kung ikaw ay may sensitibong balat.
Kaya’t hindi mainam na gumamit ng mga produktong ito kung nais magkaroon ng maputing kilikili.
Key Takeaways
Ang pinaka mainam na gawin ay bisitahin ang iyong dermatologist at kausapin sila tungkol sa paraan ng pampaputi ng kilikili.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.