backup og meta

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Ang mga magulang ay kadalasang concerned sa sunburn sa bata kapag summer lalo na at panay ang labas nila ng bahay. Maaaring magkaroon ng sunburn sa loob ng 15 minuto pagkatapos mabilad sa araw. Subalit ang pamumula at kakulangan sa ginhawa ay maaaring hindi mapansin sa loob ng ilang oras. Ang paulit-ulit na sunburn ay maaaring humantong sa kanser sa balat. Mas mapanganib para sa mga bata ang kawalan ng proteksyon habang nakalantad kung sila ay:

  • May mga nunal o freckles
  • Maputing balat at buhok
  • Family history ng kanser sa balat

Anuman ang edad o kulay ng balat, kailangan na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang sunburn kapag nagsasaya sa labas. Lalong dapat na protektahan at iwasan ang sunburn sa bata dahil ang karamihan sa pinsala sa araw ay nangyayari sa pagkabata. Tulad ng iba pang mga paso, ang balat na sunog sa araw ay mapula, mainit-init at masakit. Sa mga malubhang kaso, maaari itong magdulot ng pamumula, lagnat, panginginig at sakit ng ulo.

Hindi kailangang masunog sa araw ang bata upang magkaroon ng pinsala sa araw. Ang mga epekto ng pagkakalantad ay nabubuo sa paglipas ng mga taon. Kahit na ang katamtamang pagkakalantad sa panahon ng pagkabata ay maaaring mag-ambag sa kulubot, paninigas, pekas at kahit na kanser sa balat sa hinaharap. Gayundin, ang ilang mga gamot ay maaaring maging sanhi ng reaksyon ng balat sa sikat ng araw. May ilang mga medikal na kondisyon kung saan nagiging mas sensitibo ka sa ilalim ng araw.

Ano ang sintomas ng sunburn sa bata?

Ang sunburn ay mapula at masakit na reaksyon sa balat pagkatapos ng pagkalantad sa ultraviolet light. Sumisipsip ang balat ng UV light mula sa sikat ng araw pati na rin sa mga artipisyal na pinagmumulan ng liwanag tulad ng mga tanning bed. Ang mga UV rays ay maaari ding maging sanhi ng hindi nakikitang pinsala sa balat. Nagdudulot ng kulubot at maagang pagtanda ng balat ang labis at madalas na pagkasunog sa araw. Ang pagkakalantad sa araw ay isa ring pangunahing sanhi ng kanser sa balat.

Madalas na gumugugol ng oras sa ilalim ng araw ang mga bata upang maglaro lalo na kapag summer. Ang araw-araw na pagkakalantad sa araw para may mga edad 18 pababa ay nagdudulot ng pinakamaraming pinsala. Pinakamatindi ang mga UV rays sa summer sa pagitan ng 10:00 a.m. at 2:00 p.m.

Mga sintomas ng sunburn

  • Pamumula
  • Pamamaga ng balat
  • Sakit
  • Mga paltos
  • Pagkatuyo, pangangati, at pagbabalat 3-8 araw pagkatapos ng paso
  • Lagnat
  • Pagduduwal
  • Panginginig
  • Panghihina, pagkalito, o pagkahilo

First aid ng sunburn sa bata

Ang mga palatandaan ng sunburn ay kadalasang lumilitaw 6-12 oras pagkatapos ng pagkakalantad. Kung ang paso ng iyong anak ay namumula lamang, mainit-init, at masakit, maaari mo itong gamutin sa bahay. Ilapat ang cool compress sa nasunog na lugar o paliguan ang bata sa malamig na tubig. Maaari ka ring magbigay ng acetaminophen upang makatulong na mapawi ang sakit. 

Gumamit ng mga produktong naglalaman ng aloe vera. Malawak itong ginagamit sa mga lotion at gel. Kung may aloe vera ka sa bakuran ay maaari mong kunin ang gel nito at ilapat sa balat na nasunog. Huwag gumamit ng anumang bagay na naglalaman ng petrolyo, dahil maaari itong mag-trap ng init sa loob ng balat. Bagamat nakakaakit na gumamit ng mga produktong naglalaman ng benzocaine o lidocaine, iwasan ito dahil maaaring makairita sa mga sunog ng araw.

Kailangan dapat kumunsulta sa doktor?

Tawagan agad ang isang pediatrician kung ang sunburn sa bata ay nagiging sanhi ng mga paltos, lagnat, panginginig, sakit ng ulo o isang pangkalahatang pakiramdam ng karamdaman. Ang matinding sunburn ay dapat tratuhin tulad ng anumang iba pang malubhang paso. Kung ito ay nasa mas malaking bahagi ng katawan ay maaaring kinakailangan ang pagpapaospital. Bilang karagdagan, ang mga paltos ay maaaring mauwi sa infection, na nangangailangan ng paggamot sa mga antibiotics. Minsan ang malawak o matinding sunburn ay maaaring humantong sa dehydration. Sa ilang mga kaso ay humahantong sa pagka-himatay dahil sa heat stroke. Kung ang iyong anak ay may mga sintomas na ito, makipag-ugnayan kaagad sa iyong pediatrician o dalhin siya sa pinakamalapit na emergency facility.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to handle sunburn

https://kidshealth.org/en/parents/sunburn-sheet.html#:~:text=Have%20your%20child%20take%20a,aloe%20gel%20to%20provide%20comfort.

Safety sun protection

https://www.rch.org.au/kidsinfo/fact_sheets/Sun_safety/#:~:text=Children%20can%20get%20sunburnt%20in,compresses%20or%20a%20cool%20bath.

Sunburn treatment and prevention

​​https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/skin/Pages/Sunburn-Treatment-and-Prevention.aspx#:~:text=Children%20especially%20need%20to%20be,a%20general%20feeling%20of%20illness.

Sunburn and children

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=sunburn-and-children-90-P01929

Pediatric sunburn

https://childrensnational.org/visit/conditions-and-treatments/skin-disorders/sunburn

How to treat a child’s sunburn

https://www.health.harvard.edu/blog/how-to-treat-a-childs-sunburn-2018070314178

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement