backup og meta

Paano Mag-exfoliate Ng Paa? Narito Ang Sagot Ng Mga Eksperto!

Paano Mag-exfoliate Ng Paa? Narito Ang Sagot Ng Mga Eksperto!

Mahilig ka bang maglakad kung saan-saan? ‘Yung tipong halos magka-kalyo at sugat-sugat na ang iyong paa? Don’t worry, you’re not alone, dahil marami sa atin ang adventurous, at mahilig mag-travel. In fact, malaking tulong talaga ang ating mga paa to achieve our dreams and goals in life. Kaya naman mahalaga na alagaan natin ito upang mas magamit natin ito nang maayos.

Kaugnay nito, naniniwala ang ilang indibidwal na isang mabisang paraan ng pangangalaga ng paa ay ang pag-exfoliate dito. Ngunit may katotohanan nga ba ang claim na ito? At kung mayroon, paano mag-exfoliate ng paa? Let’s find out!

Is it beneficial to exfoliate our feet? Narito ang pahayag ng ating mga expert!

Ayon kay Anna Chacon, MD isang board-certified dermatologist na naka-base sa Florida, ang exfoliation ay isang key part ng overall foot health ng isang tao. Kung saan ang good foot hygiene ay tumutulong sa isang tao na matanggal ang top layer ng ating balat sa paa. Dahil kapag na-build up ang mga dead skin cell sa top layer ng ating skin, mas malamang na makakaranas ang isang indibidwal ng flaky, at makating balat. 

Dagdag pa rito, binanggit din ni Dr. Chacon na ang pag-exfoliate ng dead skin sa paa ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagbabara ng pores ng ating mga paa. Dahil kapag marami ang nakabarang dumi sa ating pores sa paa pwede itong maging sanhi ng higit na pangangati.

Batay naman kay Bradley Schaeffer, DPM isang board-certified foot and ankle surgeon, kung paano natin alagaan ang ating mukha, leeg, at kamay, dapat ganoon din ang pangangalaga sa ating paa. Dagdag pa niya:

“After all, our feet get more wear and tear, day in and day out, acting as our foundation.”

Binigyang-diin din ni Dr. Schaeffer na ang pagsasagawa ng exfoliation routine ay isa ring magandang pagkakataon para suriin ang pangkalahatang kalusugan ng ating paa.

“I recommend checking between the toes, at the nails, and looking for any type of infection or irritation,” pagdaragdag ni Dr. Schaeffer.

May iba’t ibang method ba sa pag-exfoliate?

Ayon sa American Academy of Dermatology Association, mayroong 2 methods ng home exfoliation — ito ang mechanical at chemical method. Kung saan dapat piliin mo ang method na gagamitin mo naaangkop sa iyong skin type.

Sa mechanical exfoliation, madalas na gumagamit dito ng iba’t ibang tool gaya ng:

  • brush
  • sponge
  • scrub

Ang mga kagamitan na ito ay ginagamit upang tanggalin ang dead skin cells sa paa. Habang sa chemical exfoliation, madalas na gumagamit dito ng mga kemikal kaya ng:

  • alpha
  • beta hydroxy acids

Ginagamit ang mga ito para ma-dissolve ang iyong dead skin cells sa paa.

Paano mag-exfoliate ng paa?

Batay muli sa American Academy of Dermatology Association, para maiwasan ang pinsala sa balat habang nag-exfoliating, ito ang mga dapat gawin kung paano mag-exfoliate ng paa na recommended by our dermatologist:

  1. I-consider ang skin care products na ginagamit mo na.

First thing na dapat mong gawin sa pag-exfoliate ng paa, dapat i-make sure mo na ligtas ang mga kagamitan at products na gagamitin mo for exfoliating. Dahil ang ilang mga gamot at over-the-counter products ay maaaring maging sanhi ng mas pagiging sensitibo ng balat. So before you choose your tools and products, make sure mo na safe ang mga ito, kaya mas maganda na humingi ka ng medical advice sa isang dermatologist.

  1. Pumili ng paraan ng exfoliation na nababagay sa uri ng iyong balat

Always remember na kapag tuyo, sensitibo, o acne-prone ang iyong balat, maaaring mas makakabuti para sa iyo na washcloth at mild chemical exfoliator ang iyong gamitin. Dahil ang mechanical exfoliation ay maaaring masyadong nakakairita para sa iyong balat. Dagdag pa rito, para sa ilang mga tao, partikular sa mga taong may darker skin tone ang mas agresibong paraan ng exfoliation ay maaaring magresulta pa ng dark spots sa balat.

  1. Be gentle on your skin

Kung balak mong gumagamit ng scrub o chemical exfoliator, dahan-dahang ilapat ang produkto sa balat gamit ang maliliit at circular motions. Ayon na rin sa American Academy of Dermatology Association, gawin ito ng humigit-kumulang 30 segundo, at pagkatapos ay banlawan ng maligamgam at hindi mainit na tubig. Kapag gagamit ka naman ng brush sponge, gumamit ng short light strokes. 

But then again, don’t forget na huwag kailanman mag-exfoliate kung mayroon kang mga bukas na hiwa o sugat o kaya sunog na balat.

  1. Gumamit ng moisturizer

Sa exfoliating maaaring manuyo ang ating balat, kaya mahalaga na mag-apply kaagad ng moisturizer pagkatapos mag-exfoliate upang mapanatiling malusog at hydrated ang ating balat sa paa.

  1. Hanapin ang tamang iskedyul para sa iyo

Ang dalas ng pag-exfoliate ng paa ay depende sa uri ng ating balat at sa paraan ng exfoliation na ating gagamitin at balak isagawa. Kaya mahalaga na i-assess muna ang status ng iyong balat sa paa, upang maiwasan na mag-over-exfoliate ka, dahil ito ay maaaring humantong sa pagkairita ng iyong paa. Kapag alam mo na kung kailan ka dapat mag-exfoliate at kung kailan mo ito dapat ulitin, pwede mo na ulit gawin ang 1-4 na hakbang sa pag-exfoliate na nabanggit sa artikulong ito.

Mahalagang Paalala

Kapag hindi ka sigurado kung anong uri ng balat ang mayroon ka, at kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa pag-exfoliate, magpatingin ka sa isang board-certified dermatologist. Malaki ang maitutulong nila upang makagawa ka ng isang mabuting pagpapasya sa kung anong method ang dapat mong gamitin sa exfoliation, at ma-gabayan ka sa kung paano mag-exfoliate ng paa.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How To Exfoliate Feet, https://www.lovetoknowhealth.com/skin-and-body/how-to-exfoliate-feet Accessed February 10, 2023

Can’t Make It to the Salon? Here’s How To Exfoliate Your Feet At Home, https://www.skincare.com/skin-type/dry-skin/exfoliate-feet Accessed February 10, 2023

How To Treat Corns And Calluses, https://www.aad.org/public/everyday-care/injured-skin/burns/treat-corns-calluses Accessed February 10, 2023

How To Safely Exfoliate At Home, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/routine/safely-exfoliate-at-home Accessed February 10, 2023

The Important Reason You Should Scrub Your Feet, Foot and Skin Doctor Say

https://www.thehealthy.com/foot-care/scrub-feet-skin-doctors/ Accessed February 10, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement