backup og meta

Mag-ingat Sa Pangangati Ng Balat: Paano Matutukoy Ang Mga Scabies?

Mag-ingat Sa Pangangati Ng Balat: Paano Matutukoy Ang Mga Scabies?

Ang human scabies ay tumutugon sa isang parasitic na impeksyon na bunga ng sarcoptes scabiei var hominis, na kilala rin sa tawag na human itch mite. Ngunit paano ba matutukoy ang mga scabies? Isang mabisang paraan ay sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga sintomas ng scabies. 

Ang human itch mite ay nakapapasok sa balat ng tao sa pamamagitan ng paghuhukay; sa layuning makapangitlog. Ito ay nakapagpapatindi ng pangangati at sintomas ng rashes. Ang impeksyon ng scabies ay maaaring magbunga ng iba’t ibang komplikasyon lalo na kung magaganap ang bacterial infection. Maaari itong magdulot ng mas malalang mga kondisyon gaya ng septicemia, malalang sakit sa bato, at sakit sa puso. Sa mga nakalipas na taon, ang scabies, kasama ng iba pang kaparehong kondisyon, ay napasama sa talaan ng Neglected Tropical Diseases (NTDs). 

Sanhi ng Scabies

 Ang contact ng isang tao sa sarcoptes scabiei var hominis ang dahilan ng scabies. Ang mga parasite na ito ay kumikilos sa pamamagitan ng paghuhukay ng upper layer ng balat, kung saan sila tumitira, nananatili, at nangingitlog. Ang mga scabies ay pwedeng mahawa mula sa isang tao patungo sa isa pa. Ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng malapit na skin-to-skin contact sa isang taong infected.

Bagaman hindi pangkaraniwan, ang mga parasite na ito ay maaaring makaapekto sa mga taong nakahawak ng mga bagay na hinawakan ng isang taong infected nito. 

Crusted Scabies

Ang ilang mga tao ay nakararanas ng hyperinfestation mula sa mga itch mites. Ang kondisyong ito ay tinatawag na crusted scabies. Ang crusted scabies ay kadalasang nararanasan ng mga nakatatanda at mga taong may mahinang resistensya. Maaari silang magkaroon ng 4,000 na mites sa bawat gramo ng balat kumpara sa 10 hanggang 20 mites lamang sa isang karaniwang pasyenteng may scabies. 

Sintomas ng Scabies

Bilang tulong para maunawaan kung paano makikilala ang scabies, ang mga sintomas ay maaaring makita kapag nahukay na ng mga mites ang ibabaw na bahagi ng balat. Ang mga itlog ng mga mites ay nanpipisa sa loob ng tatlo hanggang apat na araw at lumalaki bilang adultong mites sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Makalipas ang apat na linggo, ang taong naimpeksyon ay makararanas ng allergic reaction sa pagkakaroon ng mite proteins at mga ipot kung saan nahukay ang scabies, na nagiging dahilan ng pagdama at pagtindi ng pangangati at sintomas ng rashes. 

Ang mga pasyenteng naaapektuhan ng scabies ay kadalasang nakararanas ng sumusunod: 

  • Matinding pangangati 
  • Para sa mga adulto, pahabang uka sa balat at mga vesicle sa paligid ng daliri, pulso, at binti na maaaring kapansin-pansin. Ito ay mukhang mga linya sa balat na kadalasan ay kakulay nito o hindi naman kaya’y mala-abong puti ang kulay. 
  • Ang mga bata at sanggol naman na na-impeksyon ay karaniwang nakararanas ng rashes sa mas malawak na bahagi ng katawan na nakaaapekto sa kanilang mga kamay, paa, at sa ilang pagkakataon, ay anit. 

Ang panghahawa ay posible kahit bago pa man ang paglabas ng mga sintomas

Para sa mga pasyenteng nagsimula sa pagkakaroon ng crusted scabies, maaari silang magkaroon ng makapal at namamalat na crusts na makikita sa ilang mga bahagi ng katawan gaya ng mukha. 

Paano Makikilala ang Scabies: Panggagamot 

Mahalaga na maghanap ng tulong-medikal para maiwasan ang paglala ng impeksyon. 

Maaaring kamutin ng mga batang may scabies ang kanilang mga rashes. Ang sobrang pagkamot ay maaaring magdulot ng mga bacterial infection. Maaaring putulin ng mga magulang ang kuko ng kanilang mga anak para maiwasan ang pangyayaring ito. 

Ang World Health Organization ay nagpapanukala ng paglalagay ng gamot sa scabies na naglalaman ng sumusunod: 

  • 5% permethrin 
  • 0.5% malathion
  • 10-25% benzyl benzoate emulsion o 5-10% sulphur ointment 

Sa kadahilanang ang mga taong may scabies at nasa maagang stage pa lamang ng impeksyon ay maaaring wala pang nararamdamang sintomas, iminumungkahi na ang gamot na ito ay gamitin ng lahat ng nakatira sa bahay kasama ng isang pinaghihinalaang may impeksyon at gayundin, pag-uulit ng nasabing paraan ng panggagamot sa anumang paraan at tagal na kinakailangan. 

Key Takeaways

Bilang konklusyon, ang scabies ay isang impeksyon na kailangang gamutin nang seryoso at maingat, lalo na sa mga may impeksyon na bata at sanggol. Ito ay bunga ng sarcoptes scabiei var hominis, o ang human itch mite. Ang paggamot dito ay kinasasangkutan ng pakikipag-ugnayan sa lahat ng taong nakatira sa isang tahanan kung saan maaaring mahawa ang isang tao ng scabies sa pamamagitan ng direkta man o di-direktang paraan. 

Matuto nang higit pa tungkol sa mga Nakahahawang Sakit sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Scabies, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/scabies

Accessed January 10, 2021

Parasites – Scabies, https://www.cdc.gov/parasites/scabies/index.html

Accessed January 10, 2021

Scabies, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/skin/Pages/Scabies.aspx

Accessed January 10, 2021

Endemic Scabies as a neglected tropical disease, http://unsworks.unsw.edu.au/fapi/datastream/unsworks:41201/SOURCE02?view=true

Accessed January 10, 2021

Mass Drug Administration for Scabies Control in a Population with Endemic Disease, https://www.nejm.org/doi/pdf/10.1056/NEJMoa1500987

Accessed January 10, 2021

The Treatment of Scabies, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5165060/

Accessed January 10, 2021

Crusted scabies, https://dermnetnz.org/topics/crusted-scabies/

Accessed May 18, 2021

 

Kasalukuyang Version

04/12/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paglaki Ng Pigsa: Alamin Dito Ang Stage Ng Pigsa

Gamot Sa Fungi: Anu-Ano Ang Maaaring Makatulong?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement