backup og meta

Gamot Sa An-An: Paano Itigil Ang Pagkalat Ng An-An

Gamot Sa An-An: Paano Itigil Ang Pagkalat Ng An-An

Ang tinea versicolor na tinatawag ding an-an ay isang karaniwang impeksyon sa balat na sanhi ng isang uri ng yeast (fungus). Ang mga tao na may an-an ay maaaring makaranas ng pagbabago sa kulay ng balat sa anyong pink, tan, brown o white patches. Pero isa lamang sa mga pagbabago sa kulay na ito ang maaaring maranasan ng isang tao. Ano ang gamot sa an-an?

Ano Ang An-An?

Ang an-an ay maaaring lumitaw sa anumang bahagi ng katawan ngunit kadalasan ay nakikita sa dibdib, likod, at mga braso ng isang tao. Ito ay mga tuyot, may kaliskis na anyo at makating patch sa balat na maaari ding magdulot ng mild to moderate discomfort.

Sa kabutihang-palad, simple ang treatment at may gamot sa an-an na epektibo. Kapag ang pagsibol ng fungus ay nakontrol, ang balat ay magsisimula nang gumaling. Ang pagkalat ng an-an ay mahihinto ngunit ang pagbabago sa kulay ng balat ay mananatili pa rin ng ilang linggo hanggang ilang buwan.

Ang mga sintomas ng an-an ay parehas sa sintomas ng vitiligo. Mahalagang bumisita sa iyong dermatologist upang makapagsagawa ng skin test at mabigyan ka ng nararapat na gamot dito.

Ano Ang Mga Sanhi Ng An-An?

Ang an-an ay kadalasang sanhi ng oily skin, sobrang pagpapawis, mainit na klima, at mahinang immune system, dulot ng ilang medikal na kondisyon o gamot. Ang mga kadahilanang ito ang nagpapabilis ng pag-usbong ng fungus sa antas na nagiging sanhi na ng mga sintomas ng an-an.

Hindi nakamamatay o nakahahawa ang an-an. Ang fungus na nagdudulot ng an-an, Malassezia furfur, ay natural na nabubuhay sa balat ngunit maaaring magdulot ng mga problema kapag hindi nakontrol ang pag-usbong nito.

Ang Malassezia furfur ay maaaring makaapekto sa pigmentation o kakayahan ng balat na buuin ang kanyang kulay. Madalas na nagkakaroon ng patches na mas maputi o mas maitim kumpara sa normal na kulay ng kanilang balat ang mga pasyente na may an-an.

Maiiwasan ang an-an sa pamamagitan ng palagiang paglilinis ng katawan. Ang paliligo araw-araw at pagpapanatiling presko at tuyo ang balat sa panahon ng tag-init ay makatutulong nang husto upang maiwasan ang pagkakaroon ng an-an.

Home Remedies Sa An-An

Para sa mild na an-an, may home remedies na posibleng makapagkontrol sa pag-usbong ng fungus dahil sa tinataglay na anti-bacterial at antifungal properties nito. Gayunpaman, hindi lahat ng home remedies ay may sapat na kakayahang gamutin ang an-an.

Gumamit ng home remedies nang may pag-iingat at siguraduhing kumonsulta sa iyong doktor kapag walang nangyaring pagbabago. Ang ilang home remedies ay may kakayahan mairita ang balat o magdulot ng allergic reaction. Agarang ihinto ang anumang home remedy na makapagpapalala ng kondisyon ng balat o magbibigay ng salungat na epekto sa paggamit nito. Agarang kumonsulta sa doktor lalo na kapag nagkaroon ng allergic reactions.

Proper Skin Hygiene

Ang palagiang paglilinis ng katawan ay hindi lamang nakakababawas ng mga epekto ng an-an kundi nakatutulong upang maiwasan din ito. Maligo araw-araw at gumamit ng mga antibacterial o anti-fungal na sabon at shampoo na mabibili over the counter.

Tea Tree At Coconut Oil

Ang tea tree at coconut oil ay mayroong anti-fungal properties na maaaring makatulong sa paggamot ng an-an. Ilagay at iwan ito sa apektadong balat. Lagyan ito ng tatlo hanggang apat na beses kada araw.

Aloe Vera

Ang aloe vera ay sinasabi ring mabisa sa paggamot ng an-an. Maaari itong gamitin upang mapawi ang infected area at ayusin ang nasirang balat.

Baking Soda

Ang baking soda ay kilala sa pagiging mabisa nito laban sa fungal infections tulad ng athlete’s foot. Gumamit ng dalawang kutsarita ng baking soda at lagyan ng kaunting tubig upang makabuo ng paste. Ilagay ang paste at iwanan sa apektadong lugar sa loob ng 20 hanggang 30 minuto.

Ang ibang home remedies na gamot sa an-an ay turmeric, apple cider vinegar, at honey.

An-An Treatment

Ang gamot sa an-an ay depende sa kung anong parte ng katawan ang apektado at kung gaano kalaki ng iyong balat ang nababalutan ng mga patches. Ito ay maaaring mailagay direkta sa apektadong balat o maaari ring inumin sa anyo ng tableta.

Topical Medication

Ang karaniwang gamot sa an-an ay topical o gamot na direktang inilalagay sa balat. Ang topical medicine ay maaaring nasa anyo ng creams, lotions, mga sabon o shampoos. Madalas, ang gamot sa an-an ay may mga anti-fungal na sangkap tulad ng selenium sulfide, ketoconazole, or pyrithione zinc.

Medicated Cleansers

May mga tao, lalo na ang mga naninirahan sa lugar na may tropical na klima, ang madalas na nakararanas ng pagkakaroon ng an-an. Ang mga taong naninirahan o bumibisita sa mga lugar na may mainit na klima ay nirerekomendang gumamit nang madalas ng antifungal soaps at shampoos lalo na kung sila ay sobra kung pagpawisan. Makatutulong ito upang maiwasan ang pag-usbong at pagkalat ng fungus.

Anti-Fungal Pills

Para sa mga pasyenteng may an-an na naapektuhan ang malaking bahagi ng katawan, nirereseta ng doktor ang mga antifungal pills. Ang gamot sa an-an na ito ay nakatutulong kontrolin ang pagsibol at pagkalat ng fungus. Ang mga tabletang ito ay iniinom sa maiksing panahon bilang gamot sa an-an. Inirereseta ito kung hindi naging mabisa ang tropical treatment o kung pabalik-balik pa rin ang an-an.

Key Takeaways

Ang an-an ay isang kondisyon ng balat sanhi ng pag-usbong at pagkalat ng fungus na normal na nabubuhay sa balat. Madalas na nararanasan ng mga tao na naninirahan sa mga lugar na may tropikal na klima ang an-an. Ito’y dahil ang mga taong naninirahan sa maiinit na lugar ay mabilis pagpawisan, na pangunahing sanhi ng pagkakaroon an-an.
Hindi nakakahawa ang an-an, at ito ay nagagamot. Ang ilang home remedies ay magagamit upang gamutin ang banayad na an-an. Ngunit mainam pa rin na kumonsulta ng dermatologist bago sumubok ng anumang gamot sa an-an. Ang mga over-the-counter anti-fungal treatments ay madalas na nirereseta. Sa mga malulubhang kaso, ang mga antifungal pills ay inirereseta rin.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng balat dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tinea Versicolor, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17719-tinea-versicolor/prevention, January 2, 2021

Tinea Versicolor: Overview, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK293710/, January 2, 2021

Tinea Versicolor: Overview, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/tinea-versicolor-overview, January 2, 2021

Tinea Versicolor, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482500/, January 2, 2021

Tinea Versicolor, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tinea-versicolor/diagnosis-treatment/drc-20378390, January 2, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Sakit na Makikita sa Kuko: Anu-Ano ang mga Ito?

Ano Ang Gamot Sa Bungang Araw? Mga Sanhi At Home Remedies


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement