backup og meta

Ano Ang Microneedling At Paano Ito Maaaring Makabuti Sa Mukha?

Ano Ang Microneedling At Paano Ito Maaaring Makabuti Sa Mukha?

 Naghahanap ka ba ng mga makabagong pamamaraan na makakatulong upang mas gumanda at kuminis ang iyong mukha? Bakit hindi mo subukang pumunta sa dermatologist at magpa-microneedling? Para ma-solve ang iyong skin problem at ma-achieve ang look na gusto mo. Ngunit bago natin simulan ang microneedling, dapat alam natin kung para saan at paano ito gumagana. At dapat, ito ay inirerekomenda ng ating dermatoogist upang maiwasan ang anumang pinsala at problema sa mukha.

Para maintindihan natin kung ano ang microneedling, let’s read this article!

Ano Ang Microneedling?

Ang microneedling ay isang paraan o method na ginagamit ng dermatologists upang gamutin ang iba’t ibang kondisyon ng balat. Nasasangkot sa microneedling ang paggamit ng maraming maliliit na sterile na karayom ​​para mabutas ang balat at magdulot ng pisikal na trauma. Maaaring makatulong ang method na ito na mabawasan ang skin concerns gaya ng mga sumusunod:

Para sa layunin ng Cometics ang dahilan ng karamihan kung bakit sila nagpapa-microneedling. Ngunit, ayon sa mga dermatologist hindi lamang sa cosmetic purposes mapapakinabangan ang microneedling, dahil maaari rin itong makatulong sa ilang mga medikal na kondisyon. It may also help our skin to rejuvenate.

Paano Gumagana Ito?

Ang collagen ay isang mahalagang protina na tumutulong na panatilihing mukhang bata, banat at makinis ang ating balat na may stretchy texture. Sa ideyang ito, makikita natin na maaaring irekomenda ng mga dermatologist ang microneedling if gusto mong madagdagan ang iyong collagen, dahil ang pagtanda ay nagiging sanhi ng pagbaba ng ating collagen sa balat. Ito ay maaaring maging factor sa pagkakaroon natin ng mga wrinkles at iba pang mga palatandaan ng pagtanda.

Gayunpaman, huwag natin kalimutan na ang atin balat ay nawawalan din ng collagen dahil sa mga acne scarring, stretch marks, o iba pang peklat sa balat. Lagi mo ring tandaan na ang microneedling ay hindi isang mabilis na proseso at pag-aayos ng balat, dahil sangkot sa method na ito ang growth ng ating bagong balat. Kung saan maaaring tumagal ng ilang buwan para makita ng isang tao ang buong resulta ng method na ito. Gayunpaman, makakasigurado ka na ang microneedling ay nagpapataas ng produksyon ng collagen ng tao at iba pang healing factors, dahil sa nagagawang trauma sa balat ng pagtusok ng mga maliliit na karayom sa ating mukha.

Ano Ang Microneedling Benefits?

Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na ang microneedling ay isang ligtas at epektibong paraan upang pabatain ang balat at gamutin ang mga peklat at wrinkles. Gayunpaman, dapat mga dermatologist ang nagsasagawa nito sa mga pasyente para masiguradong ligtas sila at hindi mapipinsala ang kanilang balat.

Maaari sa kahit anong skin type ang microneedling, subalit nangangailangan pa rin ng medical and skin advice ng isang eksperto bago isagawa sa iyo ang method na ito.

Ano Ang Epekto Ng Paggamit Ng Method Na Ito?

Bagama’t ligtas at epektibo ang microneedling, hindi pa rin maitatanggi na mayroon pa ring mga side effect na dapat bantayan. Narito ang mga sumusunod:

  • pangangati ng balat pagkatapos ng pamamaraan
  • pamamaga
  • pamumula
  • pagkakaroon ng pasa
  • pagkatuyo ng balat
  • pagbabalat ng balat

Tandaan mo rin na ang pagdurugo ay hindi karaniwang reaksyon sa microneedling, dapat kang magpakonsulta sa doktor agad sa oras na magkaroon ka ng ganitong side effect. Dahil ang pagdurugo ay maaari ring maging higit na panganib para sa mga taong may bleeding disorder o umiinom ng blood-thinning medications. Mahalagang sabihin ang mga impormasyong ito baka ka magpa-microneedling.

Bukod sa pagdurugo, narito pa ang ilang malubhang epekto ng method na ito:

  • impeksyon
  • pagbabago ng pigment ng balat
  • reaksyon sa mga kasalukuyan gamot na iniinom

Huwag mo ring kakalimutan na aay mga karagdagang panganib din ang mga device na ginagamit sa treatment. Dahil ang enerhiya o init na mula sa device ay maaaring magpataas ng posibilidad ng pagkasunog ng balat.

Mahalagang Paalala

Maaaring hindi maging advisable sa iyo ang microneedling kung ikaw ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • may aktibong impeksyon sa balat
  • unstable ang skin type
  • aktibong acne
  • may keloid

Mahalaga na magpatingin ka sa isang dermatologist na may karanasan sa mga ganitong uri ng method para mabawasan ang iyong mga panganib — at malaman mo kung applicable ba sa iyo ang microneedling.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Microneedling,  https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/23113-microneedling Accessed February 10, 2023

Microneedling: Advances and widening horizons, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4976400/, Accessed February 10, 2023

Microneedling, https://www.yalemedicine.org/conditions/microneedling, Accessed February 10, 2023

Safety and Effectiveness of An Automated Microneedling Device in Improving the Signs of Aging Skin, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6122507/, Accessed February 10, 2023

Microneedling: Experienced Hands Can Improve The Face, https://www.aad.org/news/microneedling, Accessed February 10, 2023

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement