Ang skin asthma, na kilala rin bilang atopic dermatitis, ay isang kondisyon na nagpapapula at nagpapakati ng iyong balat. Madalas mangyari ang skin asthma sa mga bata ngunit maaari din itong mangyari sa anumang edad. Ano ang mga bawal na pagkain sa may skin asthma?
Ang atopic dermatitis o skin asthma ay isang talamak na kondisyon na nag-iiwan sa balat na maging pula at makati. Maaaring makuha ito ng mga tao sa lahat ng edad, ngunit ito ay pinakakaraniwan sa maliliit na bata.
Ito ay maaaring ma-trigger ng maraming iba’t ibang mga kadahilanan. Ang iyong hika sa balat ay maaaring ma-trigger ng pollen at alikabok. Ang mga nakakairita sa balat tulad ng mga produktong para sa balat, pawis at sobrang init ay maaaring magdulot ng skin asthma.
Mga allergy sa pagkain ang isa sa mga pangunahing nag-trigger ng skin eczema. Kung ikaw ay may allergy sa isang partikular na pagkain, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng skin asthma dahil sa allergen na ito.
Ang mga sintomas ng eksema ay kinabibilangan ng:
- Namamaga, tuyo, sensitibo, o pulang balat
- Mga patch ng balat na madilim ang kulay o nangangaliskis
- Pamamaga at pag init ng bahagi ng balat na apektado
- Sobrang makating pakiramdam
- Balat na magaspang
Mga Bawal Sa May Skin Asthma
Ang mga allergy ay maaaring sanhi ng maraming uri ng pagkain. Ang sumusunod ay mga bawal sa may skin asthma.
Gatas
Kabilang sa mga bawal na pagkain sa may skin asthma ang gatas. Ang isang allergic reaction sa gatas o mga produktong naglalaman ng gatas ay isang abnormal na tugon ng immune system. Ang mga allergy sa gatas ng baka ay pinaka-karaniwan, ngunit ang mga allergy sa gatas mula sa tupa, kambing, kalabaw at iba pang mga mammal ay maaari ding mangyari.
- Gatas (low fat, full cream, atbp)
- Keso
- Mantikilya
- Yogurt
- Ice cream, gelato
- Mga itlog
Ang mga allergy sa itlog ay nangyayari dahil ang immune system ng katawan ay abnormal na tumutugon sa mga protina na nasa mga puti ng itlog at/o yolks. Isa sa mga pangkaraniwang bawal na pagkain sa may skin asthma ang itlog.
Ang protina sa mga itlog ay itinuturing na isang “dayuhan” ng katawan, at ang immune system ay gumagawa ng mga kemikal upang labanan ito na nagreresulta sa isang allergic reaction.
- Mga marshmallow
- Mayonnaise
- Meringue
- Mga inihurnong pagkain
- Tinapay
- Pinoprosesong karne, meatloaf at meatballs
- Mga pudding at custard
- Sarsang pansalad
- Pasta
Mani
Ang mga may allergy sa mani ay sanhi ng mga protina ng mani na nagpapalitaw sa immune system reaction. Ang peanuts ay isa sa mga bawal na pagkain sa may skin asthma. Isa man itong direkta o hindi direktang pakikipag-ugnayan sa mga mani, madalas pa rin itong mag-trigger ng masamang tugon mula sa immune system.
- Arachis hypogaea (Kilala bilang halamang mani)
- Pinaghalong mani
- Mga artipisyal na mani
- Mga piraso ng nut
- Nutmeat
- Mga mani
- Peanut butter
- Harina ng mani
- Hydrolyzate ng protina ng mani
Tree Nut
Ang immune system ng isang indibidwal na may allergy sa isang tree nut ay maaaring makagawa ng mga antibodies na maaaring magdulot ng reaksyon kapag nalantad sila sa nut na iyon.
Ang tree nut ay isa sa mga bawal na pagkain sa may skin asthma.
- Pili
- Butternut
- Kasoy
- Kastanyas
- Filbert/hazelnut
- Mga byproduct ng nut tulad ng mga mantikilya, gatas, langis at paste
- Pecan
- Pesto
- Pili nut
- Pistachio
- Shea nut
- Walnut
Isda
Karaniwan, ang iyong immune system ay gumagana laban sa mga impeksyon, ngunit kapag ikaw ay may allergy sa isda, ito ay nag-overreact kahit laban sa mga protina ng isda. Ang isda ay isa sa mga kadalasang bawal na pagkain sa may skin asthma.
Maaaring maging sanhi ng allergy ang ilang uri ng isda, ngunit hindi lahat. Ang allergic reaction ay kadalasang nangyayari kapag ang isang tao ay kumain ng isda, ngunit ang paraan ng paghawak at pag proseso sa isda ay maaari ding maging sanhi ng mga allergy.
- Espada na isda
- Bagoong
- Tuna
- Bass
- Hito
- Flounder
- Mahi mahi
- Cod
- Tilapia
- Trout
- Salmon
Iwasan din ang mga produktong isda na ito:
Mga Bawal Sa May Skin Asthma: Lamang Dagat
Ang allergy sa shellfish ay sanhi ng abnormal na reaksyon ng immune system ng katawan sa mga protina ng ilang iba pang hayop sa dagat. Kabilang sa mga hayop sa dagat na inuri sa ilalim ng kategoryang shellfish ay ang mga crustacean at mollusk.
Ang shellfish ay isa sa mga madalas na bawal na pagkain sa may skin asthma. Kapag ang isang tao ay allergic sa shellfish, ang mga protina sa shellfish ay nagbubuklod sa mga antibodies na nagpapalitaw ng immune response mula sa katawan.
Mga crustacean:
Mga mollusk:
- Mga tahong
- Abalone
- Mga talaba
- Pusit
- Pugita
- Kuhol
Mas maraming tao ang allergic sa mga crustacean kaysa sa mga mollusk. Ang allergy sa hipon ay ang pinakakaraniwang crustacean allergen sa mga bata at matatanda.
Soy
Karaniwan ang pagiging allergy sa soy, isang produkto ng soybeans. Sa karamihan ng mga kaso, ang soy allergy ay nagsisimula sa pagkabata na may reaksyon sa formula ng sanggol na naglalaman ng soy. Sa kabila ng karamihan sa mga bata na lumalampas sa kanilang soy allergy, ang ilan ay dumaranas parin nito hanggang sa pagtanda.
- Mga produktong soy tulad ng drink at ice cream
- Toyo
- Miso
- Soy flour
- Mga produktong gulay tulad ng mantika, gum, at almirol
- Natto
- Shoyu
- Tofu
Wheat
Ang wheat o trigo ay isa sa mga bawal na pagkain sa may skin asthma. Ang trigo ay kilala na nagiging sanhi ng mga allergic reactioni kapag kinakain ito, ngunit maari rin itong maging sanhi ng mga allergic reaction kapag nilalanghap.
- Tinapay
- Mga pastry
- Mga cereal ng almusal
- Pasta
- Mga crackers
- Toyo
- Mga produkto na gawa sa gatas
- Mga natural na pampalasa
- Modified food starch
- Vegetable gum
- Pinoprosesong karne
Key Takeaways
Ang asthma sa balat, na kilala rin bilang atopic dermatitis, ay kadalasang epekto ng mga nag-trigger na bagay gaya ng pollen, alikabok, pawis, sobrang init, at minsan, pagkain.
Maaaring din maging sanhi ng hika sa balat ang mga allergy sa pagkain. Ang mga pinakakaraniwang allergy sa pagkain ay mula sa gatas, itlog, mani, tree nuts, isda, shellfish, toyo, at trigo.
Matuto pa tungkol sa Dermatitis dito.
[embed-health-tool-bmi]