Madalas ka bang mag-worry sa pagsuot ng bikini at swimsuit outfits dahil sa iyong maitim na singit? Don’t worry! Sagot namin ang iyong mga alalahanin. Basahin ang artikulong ito para malaman ang sanhi ng pangingitim nito at malaman ang tips para mas mapangalagaan ang balat ng ating singit.
Sinu-sino ang madalas na nagkakaroon ng maitim na singit?
Anumang edad pwedeng magkaroon ng maitim na singit, Gayunpaman, ayon kay Dr. Lulu Marquez sa programang “Private Nights”, madalas ang mga may mabigat na timbang at diabetes, ang karaniwang nakakaranas ng pangingitim ng balat (acanthosis nigricans) sa ilang mga bahagi ng katawan.
Ayon naman kay Dr. Cricelda Valencia, isang dermatologist, ang pagkakaroon ng “deep, dark secret” ay normal lamang— lalo na sa mga Pilipino.
Ano ang itsura ng maitim na singit?
Madalas makikita ang maitim na singit dahil bahagyang kumakapal ang balat dito. Kung saan sa maitim na bahagi ng balat ay may nakakabit na “skin tags” na maaaring maging kulugo.
Mga dahilan ng pagkakaroon ng maitim na singit
Maraming mga tao ang gustong pangalagaan ang kanilang balat. Lalo na’t ito ang pinakamalaking organ at bahagi ng katawan ng tao. Kaya naman ang pag-alam sa mga dahilan kung bakit nangingitim ang singit ay makatutulong para maiwasan ito. Narito ang mga sumusunod:
Sugar
Sinasabi na ang mga taong may sobrang timbang o obese ay may problema sa insulin. Pwede itong magresulta sa pagkakaroon ng insulin resistance ng isang tao. Ayon pa sa Mayo Clinic ang pagkakaroon nito ay makapagreresulta ng type 2 diabetes. Kung saan ang ilan sa epekto nito ay pangingitim ng ilan sa mga bahagi ng balat.
Medications
Ang isa pang pwedeng maging side effects ng mga gamot na pang-regulate ng hormones, kolesterol at steroids— ay ang pagkakaroon ng maitim na singit. O alinman sa bahagi ng balat ng tao.
Pagsusuot ng masisikip na damit pambaba
Sa pagsusuot ng mga damit pambaba na masikip maaaring maging dahilan ito ng maitim na singit. Dahil sa pagkakaroon ng friction sa pagitan ng damit pambaba (tulad ng bikini at pantalon) at singit ay nakakaitim.
Hormonal Imbalance
Ang mga babaeng may Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS), mga buntis at nagpapadede ay maaaring magkaroon ng maitim na singit. Nangyayari ito dahil sa mga natural na pagbabagong nararanasan ng mga babae sa pagbubuntis at pagkapanganak. Samantalang ang mga kababaihan naman na may PCOS ay maaaring resulta ng pagkakaroon nila ng hormonal imbalance.
[embed-health-tool-bmi]
Madalas na exposure sa araw
Sinasabi na ang madalas na sunbathing o pagkakaroon ng madalas na exposure sa araw ay maaaring makapagresulta ng pangingitim ng singit. Dahil sa uneven skin tone na pwede mong makuha dahil sa pagbibilad sa araw.
Pagkakaroon ng mga sakit
Tulad ng Addison’s disease, pagkakaroon ng kanser at diabetes, maging ang pagkakaroon ng sakit sa pituitary at thyroid gland ay maaaring magkaroon ng pangingitim ng singit. Ito ay dahil na rin sa mga kino-consume nilang medications at gamot.
Dagdag pa, ayon sa Mayo Clinic, pwedeng makaranas ng maitim na singit ang mga may lymphoma maging ang mga taong nagkaroon ng tumor sa atay, sikmura at bituka.
Pag-aahit
Ayon sa mga eksperto ang madalas na pag-aahit ng pubic hair sa ari ng babae at lalaki ay maaaring maging dahilan ng maitim na singit. Dahil sa mga friction na nangyayari kapag nag-aahit. Mayroon kasing mga balat na nasisira at nagiging dahilan ng pangingitim ng singit.
Pagkakaroon ng dry skin
Batay sa mga dermatologist kapag ang ating balat ay madalas na dry nagkakaroon ito ng damaged. Kung saan nauuwi ito sa pangingitim ng singit o alinman sa bahagi ng balat.
Genetics
Ang pagkakaroon ng dark complexion ng isang pamilya ay maaaring maging dahilan kung bakit nagkakaroon ng maitim na singit ang isang tao.
Mga Tips kung paano papuputiin at aalagaan maitim na singit
Ngayong alam na natin ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pangingitim sa singit. It’s time na! Para malaman ang mga paraan para maalagaan at mapaputi ito. Narito ang mga sumusunod:
Mga Home Remedies na pampaputi
Sa pagpapaputi ng singit hindi mo naman kailangan na gumastos ng mahal. Ang simpleng paggamit lang ng aloe vera, papaya, coconut oil, lemon, sugar at coffee scrub, kalamansi ay makatutulong para mapaputi ito. Siguraduhin lamang na magkaroon ng consistency sa paggamit para sa magandang resulta.
Ihinto ang pagsusuot ng mga masisikip na damit pambaba
Makatutulong ito para i-maintain ang kulay ng ating mga singit dahil naiiwasan ang pagkasira ng balat ng singit sanhi ng friction.
Pagtsek ng chemical substances ng mga lotion o whitening products
Ang anumang sobra ay masama, laging tingnan ang chemical substances na mayroon sa lotion at whitening products. I-check kung angkop at tama ba ito para sa’yo. Sa oras na magkaroon ng iritasyon sa alinmang produkto, magpakonsulta agad sa doktor.
Paggamit ng mild whitening agents
Ayon kay Dr. Valencia pwedeng gumamit ng mga produkto na gentle sa balat. Tulad ng pag-aplay ng mild whitening agents kahit ang mga produktong may licorice extract. Malaking bagay ang mga ingredients na ito para mapabuti ang singit. Sapagkat pinipigilan nila ang pag-form ng melanin o dar pigments sa singit.
Pagsailalim sa Laser Treatment
Ang laser treatment ay madalas na ginagawa sa derma clinic bilang hair removal treatment. Kung saan ang target ng tritment na ito ay ang pigmentation sa balat.
Key Takeaways
Maraming paraan para mapangalagaan ang balat sa singit maging ang iba pang bahagi ng balat ng katawan. Sa pagkakaroon ng kaalaman kung paano nagkakaroon ng maitim na singit ay makatutulong para maiwasan ito. Lagi rin tandaan na ang pangingitim ng singit ay maaaring masolusyunan at ang pagkakaroon nito ay normal lamang. Kung ikaw rin ay makararanas ng anumang allergy reaction o discomfort sa paggamit ng mga tip sa pagpapabuti ng singit, kumonsulta agad sa doktor, para sa payo at atensyong medikal.