Marami ang nahihiya na pag-usapan ang tungkol sa pangingitim ng balat, dahil para sa iba ang pagkakaroon ng sobrang itim na batok ay isang problemang dapat ikahiya. Gayunpaman hindi ka dapat mag-alala sa bagay na ito, sapagkat normal lamang ang pagkakaroon ng maitim na batok.
Basahin mo ang artikulong ito para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa pangingitim ng batok.
Maitim na batok: Ano ang dahilan nito?
Maaaring maging manifestation ang ating skin condition sa kung ano ang nagaganap sa’ting overall health. Sa madaling sabi, pwedeng magkaroon ng pangingitim na balat ang lahat ng tao dahil sa iba’t ibang sitwasyon at factors. Kaugnay nito, maganda na alamin muna natin ang root cause kung bakit dumaranas tayo ng pangingitim ng batok para malaman natin ang angkop na treatment sa balat.
Tinawatag na “acanthosis nigricans” ang pagkakaroon ng maitim na balat sa ilang bahagi ng katawan ng tao. Maaaring resulta ito ng iritasyon ng balat sa damit, o bunga ng pagtaas ng timbang, at iba pang seryosong medikal na kondisyon, gaya ng type 2 diabetes, polycystic ovaries (PCOS) at obesity.
Narito pa ang mga ilang dahilan ng pagiging maitim ng batok:
1. Madalas na pagkakabilad sa araw
Ang pagkakaroon ng sobrang exposure sa araw ay maaaring maging sanhi ng maitim na batok dahil tumataas ang posibilidad ng isang tao na magkaroon ng uneven skin tone sa madalas na pagkaka-expose sa araw.
2. Mga kemikal sa cosmetics at skin care products
Kapag gumamit tayo ng mga skin care products o cosmetics na matapang para sa ating balat maaaring magdulot ito ng pagkasunog at iritasyon ng balat.
3. Pagkakaroon ng skin condition
Kung ikaw ay may eczema o psoriasis maaaring makaranas ka ng pangangati ng balat at maging sanhi ng iyong iritasyon. Sa pagkamot mo ng iyong balat pwede itong mauwi sa pagkakaroon ng gasgas at sugat na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng isang maitim na batok.
4. Hyperpigmentation
Ayon sa mga eksperto ang hyperpigmentation ay ang sobrang pagbuo at produce ng melanin ng balat at ito ang dahilan ng pagkakaroon ng dark spot sa isang tao. Maaaring humantong ito sa pag-build up ng dead skins sa balat na makikita sa anyo ng libag at pangingitim ng batok.
5. Pagsusuot ng mga damit pantaas na hindi ka komportable
Ang pagsusuot mo ng mga damit na may collar o kaya’y mga turtleneck clothes ang ilan sa mga bagay na pwedeng makapagbigay ng iritasyon sa iyong balat dahil sa friction ng tela. Kaugnay nito, pwede kang magkaroon ng damaged skin at humantong ito sa pangingitim ng batok.
Mga Tips kung paano papuputiin at aalagaan ang balat ng batok
Ngayong alam na natin ang mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng maitim na batok ang isang tao. I’m sure ready na kayo para sa mga bagong tips upang mapangalagaan ang balat ng batok. Narito ang mga sumusunod:
1. Mga Home Remedies na pampaputi
Sa pangangalaga ng balat ng batok maraming pwedeng gamitin para dito at hindi mo kailangang gumastos ng mahal. Ang paggamit ng aloe vera, lemon juice, baking soda at pipino ay makatutulong para mapabuti ang balat ng batok. Siguraduhin lamang na mayroon kang consistency sa paggamit ng mga ito para sa magandang resulta.
2. Pag-invest ng oras sa skin care routine
Laging tandaan na ang pagkakaroon skin care routine ay paraan ng pangangalaga sa sarili. Hindi mo kailangang gawing OA ang paggamit ng skin care routine dahil ang anumang sobra ay nakasasama sa kalusugan ng balat.
Sikapin mo na lagi kang naglilinis ng katawan para maging maganda ang balat. Huwag mo ring kalilimutan na linisin ang iyong batok para maiwasan ang pag-build up ng dead skin. Pagkatapos mong maligo gumamit ka ng moisturizer upang maiwasan ang tuyong balat. Ugaliin mo rin na i-exfoliate ang batok mo kung kinakailangan upang maalis ang iyong dead skin.
3. Iwasan ang madalas na pagbibilad sa araw
Maganda na umiwas ka sa pagbibilidad sa matinding sikat ng araw dahil makatutulong ito para maiwasan ang pagkakaroon ng uneven skin. Ipinapayo rin na gumamit ng angkop na sunblock sa’yong balat para may proteksyon ka sa matinding sikat ng araw
4. Pagsusuot ng mga komportable damit
Pumili tayo ng mga damit na komportable tayo kapag sinusuot. Ito ay para maiwasan ang friction at iritasyon sa balat na sanhi ng skin damaged.
Key Takeaways
Lagi ring tandaan na ang pagkakaroon ng maitim na batok ay maaaring manifestation ng mga seryosong health conditions. Makabubuting magpakonsulta sa doktor para sa mga payo at atensyong medikal.
[embed-health-tool-bmr]