We are human — at hindi natin mapipigilan ang ating pagtanda. Pero alam mo bang maaari tayong maging fresh and looking young kahit may edad na tayo? Alamin sa artikulong ito ang iba’t ibang anti-aging treatment na pwede mong magamit para ma-improve ang sarili. Malalaman mo rin kung safe ba ito para sa’yo.
3 Anti-Aging Treatment Na Dapat Mong Malaman
Madalas nakikita sa pagbabago ng balat ng tao ang palatandaan ng kanyang pagtanda. Kung saan, maraming bagay ang nakakaapekto sa itsura ng ating balat gaya ng:
- genes
- environment
- daily habits
Ayon na sa mga eksperto, habang nagkakaedad tayo, tumatanda rin ang ating balat. Hindi ito mapipigilan. Pero maraming paraan para magmukhang bata ang iyong balat kahit may edad ka na. Isa sa mga paraan na pwede mong gamitin ay ang pagkuha ng anti-aging treatment. Iba iba ang benepisyo nito sa balat ng isang indibidwal. Narito ang ilan sa mga sumusunod na anti-aging treatment:
-
Chemical Peel
Kung ang chemical peel ang anti-aging treatment na isasagawa sa iyo, asahan mo na gagamit ang iyong doktor ng acid upang i-peel o alisin ang pinakalabas na layer ng iyong balat. Sa ganitong paraan, natatanggal nito ang iyong age spots at wrinkles. Nakatutulong din ito para mas magkaroon ka ng “brighter skin”.
Ngunit tandaan lamang na pagkatapos mong maalisan ng balat, mangangailangan ka ng sapat na oras para gumaling ito. Maaaring mamula ka sa loon ng isang linggo o dalawa, at ito ay nakadepende sa type of peel na iyong natanggap.
-
Dermabrasion
Ang anti-aging treatment na ito ay ginagamit upang gamutin ang mga sumusunod:
- wrinkles
- age spots
- sun damage
Sa dermabrasion treatment, asahan mo na gagamit ng special rotating brush ang iyong doktor upang alisin ang outer layer ng balat ng mukha. Ito ay ginagawa para magkaroon ka ng bagong balat para mapalitan ang skin na natanggal sa iyong mukha.
Ang bagong balat ay maaaring maging kulay red o pink sa loob ng ilang linggo. Pwede ka rin magkaroon ng kaunting scabbing o pamamaga sa loob ng ilang linggo, pagkatapos ng iyong treatment. Bukod pa rito, maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan bago mo makita ang buong resulta ng iyong paggamot.
-
Microdermabrasion
Tulad ng dermabrasion, ang treatment na ito ay nag-aalis ng top-most layer of skin. Ngunit sa sa microdermabrasion isang special machine ang ginagamit upang mag-spray ng maliliit na particles sa balat ng tao. Hindi gaanong masakit ang treatment na ito kumpara sa dermabrasion, at mas kaunting oras lamang ang kailangan upang gumaling ka mula sa paggamot na ito.
Ang treatment na ito ay maaari gamitin sa lahat ng uri ng balat, ngunit maaaring kailanganin mo ng ilang session para makuha ang gustong resulta.
Ligtas Ba Ang Anti-Aging Treatment? Narito Ang Sagot Ng Mga Eksperto!
Bukod sa chemical peel, dermabrasion, at microdermabrasion, marami pang anti-aging treatment na pwede nating magamit sa pangangalaga ng balat – at pang-iwas sa mabilis na pagtanda ng ating itsura. Ang microneedling, ultrasound energy devices, o laser resurfacing ay ilan pa sa mga opsyon na pwede nating magamit bilang treatment sa moderate-severe facial sun damage. Ngunit tandaan natin na hindi tayo basta-basta magpapagawa ng iba’t ibang anti-aging treatment, lalo na kung wala tayong proper consultation sa doctor.
At para sa tanong na kung ligtas ba ang anti-aging treatment, ang sagot dito ay “oo”. Pero mananatili lamang na ligtas ito para sa iyo, kung guided ka ng iyong doktor sa treatment na dapat mong gamitin upang matugunan ang iyong pangangailangan. Maaari kasing masira ang iyong balat kung maling paggamot ang makukuha mo, lalo na kung hindi naman angkop sa iyong skin type at skin status sa treatment na gusto mo.