backup og meta

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ang pagkakaroon ng kulubot na balat ay tanda ng ating aging, dahil habang tumatanda tayo, nagiging “less elastic” ang ating balat. Ito’y dahil sa ilang mga kadahilanan, gaya ng pagbaba ng ating produksyon ng collagen at elastin. Kung saan ang 2 protina na ito ay tumutulong na panatilihing matatag, at malambot ang ating skin. 

Bilang karagdagan din sa pagkakaroon natin ng wrinkled skin, maaari rin na makaapekto ang mga external factors, tulad ng pagkakalantad sa araw, paninigarilyo, at polusyon. Dahil ang mga factor na ito ay maaaring makapinsala sa collagen at elastin fibers ng ating balat, na humahantong sa pagkasira ng skin’s structure — at pagbuo ng kulubot na balat. Maaari natin na makita ang wrinkled skin sa anyo ng pagiging mas payat ng balat, at tuyo.

Kaya para matulungan tayo na mapabuti ang kulubot sa ating balat, nagbigay ng payo si Dr. Liza Ramoso-Ong na makikita sa isang episode ng vlog ni Dr. Willie Ong na pinamagatang “Wrinkles: Kulubot na Balat”.

Patuloy na basahin ang article na ito upang malaman ang mga mahahalagang impormasyon sa pagpapabuti ng balat.

7 Tips Paano Maaaring Mapabuti Ang Kulubot Na Balat

Narito ang ilang payo si Dr. Liza Ramoso-Ong para sa pag-iwas o pagbabawas ng kulubot na balat o wrinkled skin:

  1. Protektahan ang iyong balat mula sa araw 

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kulubot na balat ay ang exposure sa matinding sikat ng araw. Kaya’t makakabuti ang pagsusuot ng mga damit na maaaring makabigay ng proteksyon sa ating balat, tulad ng damit na may mahabang manggas, sombrero. Bukod pa rito, ang paggamit ng sunscreen na may mataas na SPF ay malaking factor para mapangalagaan ang balat sa ultraviolet rays na mula sa araw.

  1. Tumigil sa paninigarilyo 

Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng maagang pagtanda at mga wrinkles, kaya ang pagtigil sa gawaing ito ay makakatulong na maiwasan o mabawasan ang mga kulubot na balat.

  1. Manatiling hydrated 

Tandaan mo na ang isa sa mga benepisyo ng pag-inom ng sapat tubig ay ang pananatiling hydrated ng ating balat na nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkled skin.

  1. Magkaroon ng malusog na diet 

Ang diet na mayaman sa prutas, gulay, at lean protein ay makakatulong na mapanatiling malusog ang ating balat at maiwasan ang pagiging kulubot ng ating balat.

  1. Gumamit ng moisturizer

Makakatulong ang paggamit ng moisturizer na panatilihing hydrated ang ating balat — at kapag hydrated ang ating balat mas madaling maiiwasan ang wrinkles.

  1. Iwasan ang paulit-ulit na ekspresyon ng mukha

Ang paulit-ulit na ekspresyon ng mukha, tulad ng pagpikit o pagkunot ng noo, ay maaaring magdulot ng mga wrinkles sa paglipas ng panahon, kaya subukang iwasan ang mga ekspresyong ito hangga’t maaari.

  1. Kumuha ng sapat na tulog

Laging tandaan na dapat sikapin mong magkaroon ng sapat na tulog para mapabuti ang iyong balat, makapag-generate itong muli, at maiwasan ang mga wrinkles.

Idinagdag pa ni Dr. Liza Ramoso-Ong na dapat alagaan natin ang ating balat sa murang edad pa lang, dahil ito ang susi sa pagbabawas ng panganib ng kulubot na balat.

Importansya ng pangangalaga ng balat

Narito ang ilang dahilan kung bakit kailangang protektahan ng mga tao ang kanilang balat:

  1. Pag-iwas sa kanser sa balat

Ang exposure sa nakakapinsalang ultraviolet (UV) ray ng araw ay maaaring magdulot ng pinsala sa balat, kabilang ang sunburn, maagang pagtanda, at mas mataas na panganib ng kanser sa balat. Ang pagprotekta sa iyong balat mula sa sinag ng araw ay makakatulong na maiwasan ang mga isyung ito.

  1. Pagpapanatili ng moisturization 

Ang pagiging moisturize ng iyong balat ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagkatuyo, pagbabalat, at pangangati ng balat.

  1. Pangkalahatang kalusugan ng balat 

Ang pagprotekta sa iyong balat ay maaaring makatulong na mapanatili ang pangkalahatang kalusugan at hitsura nito, kabilang ang pagpapabuti ng texture, tone at elasticity nito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Wrinkles, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/wrinkles/symptoms-causes/syc-20354927 Accessed May 29, 2023

Wrinkles, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/10984-wrinkles Accessed May 29, 2023

Wrinkles, https://www.mountsinai.org/health-library/symptoms/wrinkles Accessed May 29, 2023

The Truth About Wrinkles: 5 Common Wrinkle Myths Debunked, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/health-and-wellness/2022/march/the-truth-about-wrinkles Accessed May 29, 2023

Wrinkles, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/wrinkle Accessed May 29, 2023

Skin Care and Aging, https://www.nia.nih.gov/health/skin-care-and-aging Accessed May 29, 2023

Kasalukuyang Version

05/20/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Para Saan Ang Retinol At Paano Gumagana Ang Mga Benepisyo Nito?

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement